Sorry sa pabitin last Chapter :)
__________________
Chapter 22
"Why are you crying guys?" tanong ng doctor sa amin.
Sino kayang di maiiyak? Malalaman mo na may Amnesia yung kaibigan mo!
"Oh btw Ms. Yang eto na yung contact lenses mo." sabi nung doctor tapos inabot kay Samy ang lalagyanan ng contacts tapos umalis na.
"Sorry ha. Di ko kasi kayo makita kaya di ko kayo makilala. Wait lang susuotin ko lang contacts ko." sabi ni Samy tapos sinuot yung contacts niya.
So ano yun? Di talaga siya nagka amnesia? Nag iiyak iyak kami dito wala naman pala siyang amnesia? Tinatanong niya lang kung sino kami kasi di niya kami makita kasi malabo ang mata niya kasi di niya suot ang contacts niya? Grabe pahiya kami dun.
"Uy! Ba't kayo umiiyak? Ang OA niyo naman!" sabi sa amin ni Samy pagkasuot niya ng contacts niya.
"Kala kasi namin nagka amnesia ka na eh." mangiyak ngiyak na sabi ni Lexa.
"Kung nagka amnesia siya baka mapatay ko si Queen." sabi naman ni Alex.
"Hehe. Pasensya na kayo. Pinatanggal kasi kanina nung doctor yung contacts ko pagkagising ko. May mga ginawa kasing test sa akin. Kaya wag kayong mag alala naaalala ko pa kayo! Thank you pala Kuya Darryl!" nakangiting sabi ni Samy.
"Ok lang Baby. Pagaling ka na lang..." sabi naman ni Darryl.
"Sino siya?" tanong naman ni Samy sa amin sabay turo kay Curt. Wtf?! Di niya naaalala si Curt?
"Naaalala mo naman ako diba Amz? Di ka naman nagka amnesia diba?" tanong ni Curt tapos shinake shake pa niya yung kamay ni Samy.
"Ano ba? May pilay ako diyan! Anong Amz Amz pinagsasabi mo diyan?" sigaw ni Samy tapos hinila niya ang kamay niya.
"So-sorry pero naaalala mo naman ako diba?" tanong ni Curt. Oo nga hindi pa niya nababanggit yung pangalan ni Curt kanina pa.
"Uhmmm... Oo ata..." ngumiti naman bigla si Curt.
"Fiance ka ng bestfriend ko diba? Tsaka ikaw rin ang captain ng basketball team. Tsaka magkaklase tayo diba? Ikaw rin anak ng may ari ng school!" teka parang may kulang?
"Ano palang ginagawa mo dito? Sinasamahan mo siguro fiance mo na bisitahin ako." nakangiting sabi ni Samy.
Wait... Naguguluhan ako.
"Samy yun lang ba naaalala mo kay Curt?" tanong ko sa kanya.
"Curt? Ah oo! Yun yung fiance mo diba? Di ba siya yun?" nakangiting tanong niya sa akin tapos tinuro si Curt.
"Amz di mo ba ako naaalala?" mangiyak ngiyak na tanong ni Curt.
"Kilala. Atyaka wag mo akong tatawaging Amz di naman yun yung pangalan ko eh. Classmate nga kita atyaka fiance ka ni Brianna. Uy! Ba't ka naman naiiyak diyan. Di naman ako mamamatay." tapos tumawa siya.
"Gusto kong Amz ang itawag sayo eh. Amz wala kana ba talagang ibang maalala bukod sa magkaklase tayo?"
"Uhmmm... Wala na. Friends din ata tayo kasi fiance ka ng bestfriend ko atyaka..." nag pause siya sandali..
"Bestfriend ka ng boyfriend ko..." pagpapatuloy niya.
Nagulat kaming lahat. Boyfriend?! Wtf? Sinong boyfriend tinutukoy niya?
"Boyfriend?" nagtatakang tanong ni Curt.
"Oo! Diba si Zyrenz boyfriend ko siya?" nakangiting tanong niya.
Nagulat na naman kaming lahat. Ano bang nangyayari?
"Babe dito ka nga bakit andiyan ka." sabi ni Samy tapos pinapalapit niya si Zyrenz.
"Pwede niyo ba muna kaming iwan ng boyfriend ko?" nakangiting tanong niya.
Lumabas na muna kaming lahat. Ayaw pa nung una ni Curt pero napilit din namin siya.
Di namin alam kung anong nangyayari sa loob.
"Baka may Lacunar Amnesia siya." biglang sabi ni Ethan habang nagiisip.
"Lacunar Amnesia?" tanong ni Lexa.
"Yes." sagot naman ni Ethan.
"Diba yun yung type ng Amnesia na particular event or person lang yung nakalimutan niya?" tanong ko naman.
"Oo nga noh! So may possibility na si Curt ang nakalimutan niya?" sabi naman ni Gene.
"Bakit ako pa?" tanong ni Curt.
"Maybe dahil sa mga pinagsasabi mo sakanya kanina. Baka natatakot na siyang alalahanin ka." sabi naman ni Ethan.
"Makapagsalita ka naman kasi kala mo di babae kausap mo!" sigaw ni Darryl.
"Masisisi mo ba ako?" napatayo naman bigla si Curt.
"Kasi naman naniwala ka agad sa pictures! Palibhasa kasi wala kang tiwala kay Samy!" sigaw ni Darryl.
"Wag mong kwestyunin ang tiwala ko!" sigaw ni Curt.
Pinaglayo na namin si Curt at Darryl bago pa magkainitan yung dalawa.
"Or pwede ding event ang nakalimutan niya. Naaalala pa naman kasi niya si Curt. Pero nakalimutan niya na nagpanggap silang mag boyfriend girlfriend." suggestion ko.
"Oo nga! Pwede ding yun!" sabi naman ni Ethan.
Mga isang oras ang lumipas nung pinapasok na ulit nila kami.
"Ang sweet talaga ng boyfriend ko!" sabi ni Samy with a smiling face.
"I love you so much Zy baby." seriously? Si Samy ba talaga yan?
Niyakap niya bigla si Zyrenz. Si Zyrenz naman parang wala lang.
Nagulat nalang kami ng biglang itulak ni Curt si Zyrenz.
"Amz please nasasaktan ako." mangiyak ngiyak niyang sabi.
"Huh? What do you mean? Nagseselos kaba? Don't worry di ko naman aagawin sayo bestfriend mo!" natatawang sabi ni Samy.
"Please! Amz please! Di ko kaya yung ganito!"
"Ah alam ko na! Naiinggit ka sa amin? Brianna maging sweet kanaman kay Curt para di mainggit sa amin ng baby ko." yuck! Si Ethan yung gusto ko noh!
"Amz! Please! Please! Please remember me! Please! Di ko kakayanin yung ganto."
Nagulat kaming lahat nung lumuhod si Curt sa harap ni Samy.
"Amz nasasaktan ako. Please alalahanin mo naman ako. Di ko kaya! Nagseselos ako! Dapat ako ang nasa pwesto ni Zyrenz ngayon! Samy alalahanin mo ako! Gagawin ko lahat! Sophia Albie Merlin Yang gagawin ko lahat alalahanin mo lang ako please! Diba pupunta pa tayo sa engagement party para di matuloy yung kasal namin ni Brianna? Amz sige na please!"
________________________
A's Note : Bitin po muna ulit.. Para may thrill. Maga-update din naman po ako agad :)
BINABASA MO ANG
I fell with Mr. Demon (Romantic Comedy)
RomancePano kung nagbigyan ka ng chance makapasok sa pinakasikat at pinakamayaman na school sa buong bansa. Tatanggapin mo ba? At sa pagpasok mo sa school nakilala mo ang pinakakinaiinisan mong lalaki sa buong mundo. At kailangan mo magpanggap na girlfrien...