Chapter 31-Curt's POV-
Pagdating ko sa school tumakbo agad ako sa basketball court kasi alam ko dun yung practice namin ngayon.
Pagdating ko dun nadatnan ko silang lahat na nakatingin sa akin.
Sila Alex, Zyrenz, Brianna, Lexa, Gene, Ethan pati yung mga ususerong tao na di ko naman kilala.
"San ka galing?" tanong ni Gene.
"San pa ba edi kila Samy. Nagalala kasi siya nung nalaman niyang may sakit si Samy kaya ayun dahil sa sobrang pag aalala niya pinuntahan niya agad." pang aasar na sabi ni Alex.
"Grabe Bro! Nung ako nagkasakit tapos dinala pa ako sa hospital di mo man lang ako binisita. Grabe ang sakit bro!" sabi ni Zyrenz na kunwaring naiiyak iyak pa.
"2 days ka lang naman nun sa hospital eh. Tsaka di ko naman binisita si Amz eh. Nagpagawa lang ako ng sushi." nakangiti kong sabi sabay taas nung ginawang sushi ni Amz.
*Boink*
Nagulat ako ng may bumatok sa akin.
"Sira kaba?! May sakit yung bestfriend ko tapos pinagawan mo pa ng sushi!" si Brianna na talak ng talak sa akin.
"Oy ha! Sabi ko sa kanya ako na lang gawan niya eh kaso sabi niya gusto daw niya pati kayo gawan niya kaya ayun medyo napatagal pa ako." pagpapaliwanag ko.
"Oh talaga? Para samin yan?" nakangiting sabi ni Gene habang nakatingin sa dala ko.
"Oo. Ginawa ni Amz yan para sa inyo." tapos inabot ko na sa kanila yung lalagyanan nung mga sushi.
Ayun tinira naman ng mga mokong.
-Samy's POV-
Dumaan dito si MD kanina.
Masaya ako kahit papano.
Alam niyo yung feeling na yun na parang may something kaya biglang gumaan pakiramdam ko.
Kahit napagod ako sa paggawa ng sushi ok lang.
At least diba binisita niya ako?
Diba?
Diba?
Kaso bilang kaibigan nga lang.
*Ring Ring* natigil ako sa pag isip ng mag ring yung phone ko.
"Hello?" tanong ko.
["Baby? Hinahanap ka ni Sir tayong dalawa daw ulit kasi gagawa ng magazine this month eh."]
"Pasabi papasok na ako bukas. Ikaw na lang muna magsimula ngayon." sagot ko.
["Sige sige. Magaling kana ba?"] tanong niya.
"Ah oo. Nagpapahinga na lang ako." sagot ko.
["Osige. Pagaling ka Baby ah? Magpahinga kana lang wag kana masyadong kikilos."]
"Opo. Sige bye na." sabi ko tapos binaba ko na yung phone.
Kinabukasan maaga akong gumising.
Papasok na kasi ako. Kahit medyo nakakatamad pang pumasok wala naman akong magagawa.
Pagbukas ko ng pinto may isang taong tumambad sa harap ko.
"Uhmmm. Good Morning po." sabi ko tapos nagmano ako sa kanya.
"Magandang umaga din iha. Ang bait mo talagang bata. Papasok kana ba?" tanong ni Mamita.
BINABASA MO ANG
I fell with Mr. Demon (Romantic Comedy)
RomancePano kung nagbigyan ka ng chance makapasok sa pinakasikat at pinakamayaman na school sa buong bansa. Tatanggapin mo ba? At sa pagpasok mo sa school nakilala mo ang pinakakinaiinisan mong lalaki sa buong mundo. At kailangan mo magpanggap na girlfrien...