Chapter 19
"Hey guys! Sa saturday na ang engagement party so be ready!" sabi ni Zyrenz.
Nandito kami sa PR. As usual kumakain.
Pinaguusapan na kasi namin yung gagawin dun sa engagement party.
Sana nga hindi magtagumpay eh. Para pwede pa kaming magpanggap ni Curt. Para makasama ko pa siya.
Emote ko! Huhuhu Naglalakad na kami ngayo papuntang classroom.
"Baby! Pinapatawag tayo ni Ma'am!" ok kilala ko na agad kung sino yun.
Sino paba edi si Darryl. -,-
"BABY?!" gulat na tanong nilang lahat.
"Uhmmm malay ko sa kanya." sabi ko nalang.
"Pero ang swerte mo! Alam mo ba naging crush ko dati yan si Darryl! Pag niligawan ka sagutin mo ah!" sigaw ni Lexa.
O_O lahat kami ganyan reaksyon sa kanya.
Kinurot siya ni Gene. Baka nagseselos.
Ako naman binatukan ko.
Si Curt tinitigan ng masama.
"Sorry guys! Joke lang naman! ^.^V"
"Ok lang i---" hindi ko na natapos sasabihin ko kasi hinila na ako ni Darryl. Grabe talaga tong lalaking to.
"Sige bye! Kita nalang tayo sa PR!" sigaw ko habang hinihila ako ni Darryl.
"Aray naman Darryl ang sakit ng pagkakahawak mo sa akin ah!" sigaw ko nung bitawan niya ako.
"Uhmm. Sorry Baby. Did I hurt you?" tanong niya tapos tinignan niya yung wrist ko.
"H-hindi. Sige ok lang, ba't pala tayo nandito? Akala ko ba pinapatawag tayo ni Mam?" napansin ko kasing asa garden kami.
"Hindi naman kasi totoo yun eh, wala lang akong makasama." nginitian ko na lang siya.
Umupo kami sa isang puno.
"Alam mo ang gaan ng loob ko sayo..." out of nowhere bigla siyang nagsalita.
Di ko siya pinansin at pinakinggan ko lang siya.
"Iba yung naging pakiramdam ko nung nakilala kita..." tuloy tuloy lang siya sa pagsasalita habang nakatingin sa mga ulap.
"Gusto ko kasi magkaron ng kapatid na babae. Actually meron akong kapatid pero hindi ko alam kung nasaan na siya eh. Eventhough half sister ko lang siya gusto ko siyang makita, makilala, makasama. Kaya nga pilit kong hinahanap yung mommy niya. Yung kabit ng daddy ko. Tandang tanda ko pa nung pumunta yung kabit ni Daddy noon sa bahay. May dala dala siyang bata at sinasabing ang daddy ko ang tatay nung bata. Sinasabing kapatid ko yung bata. Tuwang tuwa ako non. Kasi matagal ko ng gusto magkaron ng kapatid. Siguro mga 3 years old yung bata nun. Ako naman 5. Pero ayaw tanggapin ni Daddy na anak niya yung bata. Pati si mommy di niya tanggap yung bata kasi anak daw sa labas. Wala akong nagawa nun.
Gusto ko sana makasama yung bata yung kapatid ko kaso pinagtabuyan sila ni Daddy. Kaya nga malaki ang galit ko sa daddy ko eh. Kaya hanggang ngayon hinahanap ko yung kabit ni Daddy. Yung mommy ng kapatid ko. Nagbabakasakaling makita ko yung kapatid ko. Siya nalang kasi natitira sa akin eh..." nakakalungkot naman ang sitwasyon niya.
"Ahmm teka ano ibig mong sabihin siya nalang ang natitira sayo?" tanong ko.
"Patay na kasi ang parents ko eh..."
BINABASA MO ANG
I fell with Mr. Demon (Romantic Comedy)
RomansaPano kung nagbigyan ka ng chance makapasok sa pinakasikat at pinakamayaman na school sa buong bansa. Tatanggapin mo ba? At sa pagpasok mo sa school nakilala mo ang pinakakinaiinisan mong lalaki sa buong mundo. At kailangan mo magpanggap na girlfrien...