Chapter 7Grabe ha ang rude nila. Grabe nalang kung kaladkarin nila ako partida pa nakapiring pa ko.
"Asan tayo?" pasigaw kong tanong pagkatanggal nila ng takip ng bibig ko. Pero di parin nila tinatanggal yung takip ng mata ko.
"Surprise Samy!" sabi nila pagtanggal nila ng piring ko.
Nasa tapat kami ng pintuan sa harap ng isang kwarto.
"Enjoy Samy!" sabi nila tapos tinulak ako papasok ng kwarto tapos ni-lock nila agad.
"Huy! Ilabas niyo ako dito! Mga hayop kayo!" pinagsisipa ko yung pintuan.
"Walang makakakita sayo diyan! Hahahaha!"
-Gene's POV-
"San na ba yun si Curt?"
"Oo nga. Usually bumabalik naman siya pagkatapos mabadtrip." hindi parin kasi bumabalik si Curt. Kanina pa siya umalis di pa rin bumabalik.
Ibang klase din talaga epekto ni Samy kay Curt. Ngayon lang siya naging ganyan sa babae. Wala naman talagang pakeelam si Curt sa mga babae eh. Siguro dahil si Samy palang ang nampahiya sa kanya ng ganun. Kaya siguro gusto niyang gantihan. Pero bat ganun? Sa Mommy niya lang naman siya may pakielam at sa kaisa isa niyang pinsan na parang kapatid na niya.
-Brianna's POV-
"Nakita niyo ba si Samy?"
"Hindi eh." kanina pa ako nagtatanong kung nasaan si Samy bigla bigla nalang kasing nawala eh.
"Miss nakita mo ba si Samy?"
"Samy? Parang kilala ko siya. Diba siya yung tiga Room 32g na cute at kumaaway kay Margarette?"
"Oo siya nga."
"Nakita ko siya kanina pero di ko sure kung siya yun nakapiring kasi siya eh pero kasama niya sila Margarette sa tingin ko masama ang binabalak sa kanya."
"Ano? Asan siya?"
"Sa Old Building."
"Ha osige ha. Thank you! Ano pala pangalan mo?"
"Lexa, Lexa Fredericks."
"Thank you ulit! Bye!"
"Teka san ka pupunta?"
"Ililigtas si Samy."
"Wait that's a bad idea. Kaya nga di ko siya tinulungan kanina kasi alam ko parehas lang kaming mapapahamak at mas liliit ang chance na maligtas siya. May mga nakaharang kasing guards sa Old Building pero sadyang malandi sila Margarette at nilandi nila yung mga guard kaya sila nakapasok."
"Ah ganun ba? Pano si Samy?"
"Tutulungan kita. Pupuntahan natin siya bukas. I'll make a plan first."
"Sige sige thank you!"
-Samy's POV-
"Grrr! Kainis talaga! Bwisit talaga yung mga impaktang yun!" sinisipa sipa ko yng pintuan sa sobrang inis. Malay mo din mabuksan.
"Huy! Ano ba yan ba't ang ingay?"
"Ha? Sino yan?" hindi ko makita kung sino yung nagsalita kasi madilim. Liwanag nalang ng buwan ang nagbibigay ilaw.
"Hmmm."
"Oops! oops! Huwag kang lalapit! Sino ka?" oh no! Papunta siya sa akin. pero mukhang kilala ko siya. Siya si---
________________________
(c) msnyxstranger
BINABASA MO ANG
I fell with Mr. Demon (Romantic Comedy)
RomancePano kung nagbigyan ka ng chance makapasok sa pinakasikat at pinakamayaman na school sa buong bansa. Tatanggapin mo ba? At sa pagpasok mo sa school nakilala mo ang pinakakinaiinisan mong lalaki sa buong mundo. At kailangan mo magpanggap na girlfrien...