Chapter 24

3.7K 48 7
                                    

Continue

_______________________

Chapter 24

So eto pala yung sinasabi ni Curt na importanteng gagawin niya?

Nakakainis lang ha!

Ganyan ba talaga siya?

Pero kahit naiinis ako sa kanya mas nangibabaw sa akin yung kilig. Ganyan ba ako kaimportante sa kanya at ginawa niya yan?

Yung video...

Nandun sila Margarette, Nicole, at Matilda.

Nakatayo sila tapos nakatali sa tigi tig isang poste.

May mga nakasabit sa leeg nila.

Kay Margarette 'Samy' ang nakalagay.

Kay Nicole naman 'Patawarin' ang nakalagay.

At kay Matilda 'Mo Kami' ang nakalagay.

Tapos yung bibig nila may tape. Tapos nakalipstick sila. Sobrang kapal. Transparent tape kasi yung gamit kaya kita. Tapos ang kapal ng mga blush on nila. Pati yung eye liner atyaka yung eyeshadow. Mukha silang mga clown.

Nakakaawa nga lang. Umiiyak na sila tapos yung eyeliner nila kumakalat na.

Si Curt naman nakaupo lang sa isang tabi. Kumakain pa ng popcorn kala mo nanunuod lang ng sine.

Napaka childish talaga.

Tumayo siya sa kinauupuan niya.

Isa isa niyang tinanggal yung mga tape sa bibig nila Margarette.

"Samy sorry na!" sigaw ni Margarette.

"Oo nga Samy! Maawa ka! Please pilitin mo si Curt na pakawalan na kami dito!" sigaw naman ni Nicole.

"Samy pumunta ka dito please! Tulungan mo kami! Sorry na!" sigaw naman ni Matilda.

Umiiyak na talaga sila. Kawawa silang tignan.

Nawala na bigla yung Video.

Tumayo ako.

"Zy saang lugar to?" tanong ko kay Zyrenz.

Di ko sila pwedeng hayaan dun. Kung ano man ang ginawa nila sa akin nakakaawa pa din sila. Grabe talaga si Curt oh. Pero kinikilig ako.

"Sa Stock Room yan sa 4th floor." sabi niya sabay turo sa taas.

Nasa 3rd floor kasi kami eh.

"Sige thank you!" lumabas na agad ako ng Computer Lab tapos dumeretso ako sa Stock Room.

Nakita ko nga sila dun.

Pero nakatakip na ulit yung mga bibig nila.

"Curt ano bang pumasok sa kokote mo?" sigaw ko agad kay Curt.

"Sila yung mga nagpadala ng pictures sa akin Samy." sabi niya.

"Kahit na! Naniwala ka din naman dun sa pictures eh."

"Kaya ko nga ginagawa to para mag sorry eh."

"Sorry? Hindi gantong paraan ang gusto kong gawin mo para patawarin kita. Pakawalan mo na sila." sabi ko.

"Osige na nga." sabi naman niya na parang batang nagtatampo.

Tatanggalin na dapat niya ang tali ng may sumigaw.

I fell with Mr. Demon (Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon