Chapter 1
Takbo•Takbo•Takbo•
Huhuhuhuhu :'(
Grabe! hingal na hingal na ako +.+ Alam niyo ba kung bakit? Hinahabol lang naman ako ng aso. Bakit ba kasi ako takot sa aso? Wahhh!!! Actually since birth pa ata to eh -,-*BOOGSH!*
"A-aray" nabunggo lang naman ako ng motor.
"Ano bayan! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"
"Naku sorry! Sorry talaga hinahabol ka---" di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla siya sumabat (paepal ang bastos naman! -.-) "I don't care! Sa susunod tumingin ka nga sa dinadaanan mo! You're wasting my time!"
* Broom broom!* walis daw. Djk lang tunog yun ng motor umalis na kasi siya. Hindi ko nakita mukha niya kasi nakahelmet siya pero nakita ko yung mata niya. Base on his voice and eyes he's a boy. Naku! Walang galang! Buti nalang nakita ko plate number nung motor niya. Hahahaha.
"Grrrr! Kainis nagsorry na nga eh."
"Miss ok ka lang?"
O.o
o.O
O.OWow! Ngayon lang ako nakakita ng gantong nilalang. Ang cute shet! :")
Nananaginip ba ako? *kurot kurot*"Miss gusto mo dalhin na kita sa hospital?"ang bait pa niya. Di kagaya nung nakabangga sa akin, bastos at walang modong lalaking yun! Langya -,-"
"Ah hindi na ok lang ako" pinilit kong tumayo pero
*Blag* Aray naman. Bumagsak lang ako.
"Miss dadalhin na kita sa hostipal." "Naku wag na ta---" Di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla niya akong binuhat. Yung Princess Style! Yung parang bagong kasal! Grabe kilig :") Nag para siya ng taxi tapos sinakay niya ako sa loob.
---------------
"Sir ok na po siya kailangan na lang po niya magpahinga pero pwede na po siyang lumabas." sabi nung nurse.
"Ok Good!" sabi ni Mr. Cute guy.
"Sir P 23,000.00 (imbento lang po ng author yan) po ang bill niya."
"Ganun ba? Wag mo na siyang pabayarin ako nalang din magsasabi kay mommy ng tungkol dito."
Umalis na yung nurse tanging ako at yung Mr. Cute guy nalang ang natira sa kwarto.
"Ok kana ba?" yieee! :") ang sweet niya naman.
"Ah ok na ako. Sige aalis na ako?"
"Kaya mo na ba? San kaba nakatira para maihatid na kita."
"Ah wag na nakakahiya na. Atyaka yung bills dito sa hospital promise babayaran din kita."
"Naku wag mo ng isipin yun hindi naman kawalan sa akin yun."
"Ha? Anong di kawalan? Twenty three thousand din yun bill ko ah!" medyo nagulat ako kasi malaking halaga na yun para samin.
"Haha! Kami may ari nitong hospital kaya hindi kawalan sa amin ang twenty three thousand pesos!"
"Ha? Ganun ba? Pero babayaran pa rin kita. Maghintay ka lang unti unti babayaran talaga kita."
"No need. Btw (by the way) san ka nakatira?"
"Sa may di mahanap street (hahaha! Wala pong maisip na matinong street yung author ~.~)."
"Ganun ba? Ihahatid na kita."
"Naku nakakahiya na sobra sobra na tinulong mo sa akin."
"Hindi na ihahatid na kita."
"Wag na!"
BINABASA MO ANG
I fell with Mr. Demon (Romantic Comedy)
RomancePano kung nagbigyan ka ng chance makapasok sa pinakasikat at pinakamayaman na school sa buong bansa. Tatanggapin mo ba? At sa pagpasok mo sa school nakilala mo ang pinakakinaiinisan mong lalaki sa buong mundo. At kailangan mo magpanggap na girlfrien...