Chapter 20

3.6K 43 4
                                    

Yey! 1000 reads na!! Thank you sa inyong lahat.. Super appreciate ko :)

_________________________

Chapter 20

Andito ako ngayon sa basketball court. Kasama ko si Kuya Darryl.

Sinusulat kasi namin yung mga nangyayari sa practice nila eh.

Pumito na yung coach sign na break na nila.

Nagmadali akong tumakbo palapit kay Curt kahit medyo hirap ako. Sinigawan pa nga ako ni Kuya Darryl na mag dahan dahan daw ako.

"Uhmmm Curt tubig..." sabi ko sa kanya tapos inabot ko ang isang bottled water. Kahit nahihirapan akong iangat yung kamay ko pinilit ko.

Hindi niya lang ako pinansin.

Lumapit naman bigla sa amin si Queen.

"Curt bottled water oh!" abot niya kay Curt.

"Thanks!" nakangiting sagot ni Curt tapos kinuha kay Queen yung water.

Ano kayang problema nito?

"Uy! Samy para sa akin ba yang water na yan? Thank you! Bait mo talaga." bigla namang sumulpot si Ethan tapos kinuha sa akin yung bottled water.

"Thank you talaga!" sabi ulit ni Ethan tapos bigla niya akong niyakap.

"A-aray..." mahina kong sabi.

Meron namang biglang tumulak kay Ethan palayo sa akin akala ko si Curt si Kuya Darryl pala.

"Wag mo muna siyang yayakapin makakasama sa kanya." mahinang sabi ni Kuya Darryl.

"Bakit? Anong nangyari? Samy ok ka lang?" biglang lumapit sa akin si Ethan tapos inalog alog ako tapos tinatanong kung ok lang ako.

"Ano kaba? Ok lang a---" di ko na natapos yung sasabihin ko kasi may sumabat.

"Ano ba kayo? Ok lang siya syempre! Ang tanda na niya! Kaya na niya ang sarili niya!" nagulat nalang kami ng biglang sumigaw si Curt.

Buti nalang kaming Old Tiey at si Queen at Kuya Darryl lang ang nandun.

"Diba ok kalang? Nagawa mo pa ngang makipagdate at flirt kahapon eh." sabi ni Curt.

Ouch. Anong sinasabi niya?

"Kaya ka wala kahapon kasi diba nakipagflirt ka?" ngumiti pa siya.

Di ba niya alam nasasaktan ako. Sa dinami dami ng pwedeng magsalita nun sa akin siya pa.

Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Nagulat na lang ako ng biglang suntukin ni Kuya Darryl si Curt.

Hindi gumanti si Curt sa halip may kinuha siya sa bag niya at binagsak sa floor.

Nakita ko nalang na nakakalat yung pictures sa floor.

San nanggaling yan? Sinong kumuha niyan?

Lahat kami nagulat. Tumingin sa akin sina Zyrenz, Ethan, Lexa, at Gene na parang naghihintay ng sagot.

Alam na kasi nila Brianna at Alex ang nangyari kaya di na nila ako tinignan ng masama.

Yung pictures...

Puro kuha namin ni Kuya Darryl kahapon.

Nung inangat niya yung palda ko. Nung sinubuan niya ako. Nung nasa kwarto kami at hawak hawak yung part ng beywang ko.

Ba't ganun? Ang unfair naman ng kumuha nito? Ba't yan lang yung nakapakita? Ba't di nakapakita yung nalag lag ako sa monkey bar?

"Ano ipaliwanag mo sa akin yan!" sigaw ni Curt sa akin.

"Ka-kasi y-yang mga pictures na yan ano kasi nangyari niyan nun ano..." medyo nabubulol bulol pa ako.

"Ano?" sigaw ni Curt.

"Nagkasugat ako niyan ginamot lang ni Kuya Darryl..." nanginginig kong sabi.

"Ginamot? Pwede ka ng pang best actress!" sigaw ni Curt.

"Ayaw mong maniwala? Di wag mo! Di naman kita pinipilit eh! Sabagay totoo naman lahat ng nandiyan sa pictures! Totoong tinaas ni Kuya Darryl yung palda ko! Totoong sinubuan niya ako! Totoong hinawakan niya yung beywang ko! Pero ang unfair naman ng nagpadala niyan! Ba't yan lang ang nakuhanan? Nakakatawa nga naman oh..." tumawa ako ng fake.

"Kung tutuusin di naman ako dapat nagpapaliwanag sayo kasi di naman talaga TAYO diba? Walang TAYO!" sigaw ko.

"Oo nga pala noh... Nakalimutan ko... Sige bahala ka na sa buhay mo. Kahit i flirt mo pa ang kung sinong lalaki diyan." nag smirk siya saka tumalikod palabas ng court.

Si Queen naman nagulat ako ng bigla nalang niya akong tinulak.

The next thing I knew bumagsak ako sa floor at umumpog ang ulo ko.

Nakita ko rin ang malakas na pagsampal ni Alex kay Queen.

Naramdaman ko rin na binuhat ako ni Kuya Darryl after that black out na...

_____________________________

Samy --->

I fell with Mr. Demon (Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon