Chapter 26

3.7K 46 9
                                    



Chapter 26

-Samy's POV-

"Tara dito naman tayo!" yaya ko kay Curt.

Andito kami ngayon sa Arcade dito sa mall.

Gaya nga ng sabi ko susulitin ko na tong araw na to kasama siya.

Kasama si Mr. Demon.

"Pambata naman masyado yan eh! Dun tayo sa malaki oh!" sigaw niya sa akin.

Hinila ko kasi siya dito sa may basketball. Pero yung pambata yung maliit lang.

"Syempre para maka shoot ako!" sigaw ko naman sa kanya.

"Kaya mo din naman dun eh! Ang tanda mo na kaya!"

"Palibhasa kasi magaling ka!" sigaw ko tapos hinampas ko siya sa dibdib.

"Aray naman! Tara dun na tayo for sure kaya mo yun!" tapos nilagay niya yung braso niya sa leeg ko.

Yung parang nakaakbay pero di sa balikat.

Yung parang sa mag kakaibigan.

"Di ko nga kaya eh!"

"Kaya mo yan!"

"Hindi nga sabi."

"Sabing kaya mo eh!"

"Wag kang makulit! Sinabi ng hindi eh!"

"Kaya mo nga sabi eh! Ako nga may tiwala sayo na kaya mo kaya sana naman magtiwala ka din sa sarili mo!" yeah tama nga siya.

Natameme ako dun ah.

Pero anong sabi niya?

May tiwala siya sa akin?

Wahhhh!

Tiwala lang yun na makashoot ka Samy wag OA. -_-

"Oh ano? Tara na!" napatigil ako sa pagiisip ng bigla akong hatakin ni Curt.

Sumunod na lang ako sa kanya.

Ang saya nitong moment na to.

Holding hands kami.

Nananaginip ba ako?

Kung oo wag na sana ako magising.

Kung pwede lang itigil ang oras.

Ginawa ko na...

Para lang makasama siya...

"Huy! Tumira ka naman!" natigil ang pag eemote ko ng pinitik ni Curt ang noo ko.

"Aray naman! Akin na yung bola!" sigaw ko sa kanya.

Binigay naman niya sa akin yung isa.

This is the moment...

Hinagis ko na yung bola and...

"Isa pa!" sigaw ko.

Hindi ko kasi na shoot yung bola eh.

:(

Kinuha ko yung isang bola.

Sana ma shoot...

"Kaya mo yan! Isa pa!" sigaw sa akin ni Curt tapos inabot ang isang bola.

Hindi ko na naman kasi na shoot eh.

Ilang beses ko na tinry pero wala pa din.

"Ayoko na nga! Sabi ko sayo di ko kaya eh!" sigaw ko.

I fell with Mr. Demon (Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon