Happy New Year guys!
At dahil naka 500 reads na eto long update... :D
___________________________
Chapter 17
Pagdating ng lunch sabay sabay ulit kaming kumain. Sa PR na kami laging naglalunch.
"Guys CR lang ako ha!" sabi ko.
"Sige bilisan mo ha. May kekwento pa ako sayo!" sigaw ni Brianna.
Malapit na ako sa CR ng biglang humarang sila Margarette sa dadaanan ko.
"Anong problema niyo?" tanong ko.
"Wala naman. Tuturuan ka lang naman namin ng leksyon."
Tatakbo sana ako kaso nahawakan ako ni Matilda at Nicole.Si Margarette naman naglabas ng lighter.
"Anong gagawin mo?" nangingig kong tanong.
"Wala naman. Susunugin ko lang naman ang buhok mo para hindi kana makapanglandi."
Sisigaw sana ako kaso tinakpan nila ang bibig ko. Wala na akong laban. Malapit na yung apoy ng lighter sa bohok ko.
*Boogsh* natumba si Margarette. Sinipa siya ng isang babae.
Sinampal sampal niya yung tatlo. Bubugbugin nga dapat niya kaso sabi ko wag na."Sa susunod gawin niyo namang patas ang laban! Alis!" tumakbo naman yung tatlo.
"Thank You." mahina kong sabi.
"Walang anuman. Ako nga pala si Queen anong pangalan mo?" ang cute naman nito.
"Samy. Anong room mo ba't di kita nakikita?" tanong ko.
"New student lang ako. Room 31g."
"Kaya pala. Salama't ulit ha. Sige mauuna na ako." tapos tumakbo na ako.
-Alex's POV-
Pagkalabas ni Samy bigla rin akong naihi kaya nag paalam din ako na mag c CR muna.
Paglabas ko may nakita akong isang babae hindi ko siya gusto masyado maarte. Nakatayo lang siya sa likod ng isang puno. Mukhang nagtatago.Ayun! Nakita ko na si Samy! Nasa panganib siya lalapitan ko na sana siya kaso naunahan ako nung babae. Ang weird ha! May something dito sa babaeng to. Pagkatapos nun nakita ko si Samy tumatakbo na pabalik sa PR.
Nag CR muna ako tsaka ako bumalik sa PR.
Tahimik lang si Samy. Mukhang di niya kinwento sa mga kasama namin ang nangyari. Kasi kung kinwento niya yun edi sana sinugod na nila sila Margarette.-Samy's POV-
Uwian na nauna na silang lahat sa room.
Naiwan kami ni Zyrenz dito cleaners kasi kami eh.Naglalakad na kami ni Zyrenz pabalalik sa dorm ng nakita ko si Curt nakayakap kay Alex.
Tumakbo kami agad ni Zyrenz sa kanila."C-curt?" tanong ko.
"Samy." ngumiti pa siya siguro wala namang nangyari. Pero ba't niya niyakap si Alex? Teka pake ko ba? Wala naman akong karapatan kay Curt ah. Di naman kami eh.
Si Alex sobrang nakasimangot. Parang nagagalit.
Umalis siya sa pagkakayakap ni Curt."Ikaw!" sigaw ni Alex sa isang babae. Teka kilala ko yun ha. Siya yung nagtanggol sa akin kanina kila Margarette. Si Queen.
"Nakita kita! Tinulak mo ako! Buti na lang at nasapo ako ni Curt!" sigaw ni Alex sa kanya.
Nilapitan ko si Queen. Umiiyak na kasi siya."Alex dahan dahan sa pananalita." malumanay kong sabi kay Alex.
BINABASA MO ANG
I fell with Mr. Demon (Romantic Comedy)
RomancePano kung nagbigyan ka ng chance makapasok sa pinakasikat at pinakamayaman na school sa buong bansa. Tatanggapin mo ba? At sa pagpasok mo sa school nakilala mo ang pinakakinaiinisan mong lalaki sa buong mundo. At kailangan mo magpanggap na girlfrien...