Chapter 2

7.5K 80 8
                                    

Chapter 2

"Nak! Nakahanda naba yung mga gamit mo? Andito na yung service ng Takahashi Academy" wow bonga may pa service service pang nalalaman.

"Opo tay!"

"Sige magiingat ka ha!"

"Opo kayo rin po." iyak iyak konti. Emote emote din. Syempre next week ko pa ulit makikita tatay ko. Sa tana ng buhay ko ngayon pa lang ako mahihiwalay sa tatay ko. Promise! Swear! ^.^

---------------

"Andito na po tayo!" sabi nung driver nung service.

"Yey!"

"I'm so excited!"

"Gusto ko na ulit makita si Prince Curt!" wow bonga talaga may Prinsipe dito. Hahahahaha.

Pagbaba naming lahat ng service pinadiretso na kami sa isang malaking field tapos may biglang nagsalita sa stage.

"Good Morning students of Takahashi Academy. I would like to give you a warm welcome by having a party by the end of the week before you go home to your families. But as of now I want you to familiarize yourself here in Takahashi Academy." speech nung lalaki. Siguro siya yung may ari ng school.

"Mr. Craig Takahashi is really good at speaking just like his son Prince Curt." siguro Craig pangalan nung may ari nitong school. Sino kaya yung Prince Curt na yun kanina pa nila pinaguusapan yun eh. Talaga bang may Prinsipe dito? Ibig sabihin hari yung Craig Takahashi. Eh bat di ko sila kilala kung Royal Family sila? Naku! Ang gulo naman. Tignan ko na nga lang kung saang room ako nakaassign matulog. Nakalagay sa isang malaking board ang list kung saang kwarto kami matutulog. Magkakahiwalay ang boys at girls kaya for sure puro girls ka room mate ko. Sa Room 32g ako na assign.

"Uy Girl! Swerte mo ha! Katabi mo ng room at kaklase mo si Prince Curt." sabi sakin nung isang babae na tumitingin din sa listahan. Maganda siya at mukhang mabait.

"Sino ba yung Prince Curt na yun? Prinsipe ba talaga yun?"

"Hindi. Si Prince Curt ay Hearthrob dito sa school. Maraming nagkakagusto sa kanya at siya ang kaisaisang anak ng may ari nitong school. Ang family business nila na 'Takahashi Industries' ang pinakamayan dito sa bansa. Kaya tinawag siyang Prince Curt."

"Ah ok. ^.^" ang korni naman. May pa prince prince pang nalalaman. -,-. Yuck! Kadiri!

"Osige Girl una na ako Room 31g ako. Di tayo mag ka room at mag kaklase eh."

"Sayang naman osige -,-"

"Btw what's your name?"

"Samy!"

"Ok Samy! Bye!"

"Ay! Wait lang!" hindi ko man lang nalaman pangalan niya. Hindi siya lumingon nung tinawag ko siya at nakapasok na din siya sa room niya.

Pumasok na ako sa room ko after nun tapos may pumasok na babae. Mukhang Facilitator siya dito.

"Good Morning students of Room 32g I'm Ms. Khelly Esguerra your facilitator for the whole school year. You are classmates with the boys in the Room 32b. Their facilitator is Mr. Rigs Delos Reyes. Mag start na ang klase niyo the day after tomorrow. Sa Room32 sa 3rd floor St. Monica's Building ang classroom niyo. Every weekdays you are required to stay and sleep inside the school and by the end of the week, friday tsaka palang kayo papalabasin ng school. Pagdating ng Monday required ulit kayo na bumalik dito sa school exactly 8 am." wow mukhang mabait facilitator namin at mukhang bata pa yung mukha niya ang age niyan ay around 21-24. Diba bata pa. Swerte ko naman *•*

"Mayrong sampung babaeng estudyante sa kwartong ito. No boys allowed here ganun din sa room ng boys bawal ang girls doon. May sampung kama at sampung banyo ang kwartong ito. Hahayaan ko na kayong mag decide kung saang kama kayo pepwesto at kung aling banyo ang inyo." grabeee! Ganun ba talaga kayaman tong Takahashi Academy?

I fell with Mr. Demon (Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon