Chapter 12

5.5K 64 3
                                    

Chapter 12

Pagdating namin sa Parking Lot ng bahay nila Curt napanganga ako. Ang daming nakapark na mga kotse, motor at kung anu ano pa. Pero may isang motor na nakaagaw ng pansin ko. Parang yun yung motor nung lalaking nakabunggo sa akin. Pero hindi dapat ako mambintang kaagad, hindi ko pa naman nakikita yung plate number eh.

Dahan dahan kaming lumapit doon sa motor. At yun nga! Eto nga yung motor na nakabunggo sa akin. Parehas sila ng Plate Number.

Pero malay mo hindi naman siya yung may ari nun. Baka may nakipark lang.

"Eto ang pinakapaborito kong motor sa lahat ng mga motor ko. Kaya di ko to pinapahiram sa iba." sabi ni Curt sabay hawak dun sa motor.

So siya nga yun. Kaya pareho sila ng mata at boses.

"Ikaw?" pasigaw kong tanong.

"Anong ako?" tanong niya.

"Ikaw yung nakabunggo sa akin nun!"

"Kelan?"

"Mga isang linggo bago nagsimula ang klase."

"So ikaw pala yun?"

"Oo! Ako nga!" pinaghahampas ko siya.

"Sorry na! Sakay na."

"Anong sakay sakay pinagsasabi mo? Sakay mo mukha mo! Pagkatapos mo akong bungguin tapos di mo pa ako tinulungan!"

"Sorry na nga diba? Atyaka nagmamadali ako nun! Ikaw din naman may kasalan nun!" aalis na dapat ako pero bigla siyang nagsalita.

"Bahala ka may tumawag pa naman sa cellphone mo kagabi habang tulog ka. Kaya yun sinagot ko. Lalaki pa nga yung nakausap ko eh mukhang daddy mo." humarap ako sa kanya at nakangiti siya na parang nangaasar.

Oo nga pala si Tatay. Lagot ako dun.

"Ano sasakay kaba o hindi?" tanong niya.

"Eto na nga oh!" no choice ako kundi sumakay. Para may mag explain ba't ngayon lang ako nakauwi.

Mabilis lang ang biyahe kaya agad din kaming nakadating sa apartment.

"Tay nandito na po ako." sabi ko pagpasok ko ng bahay.

"Anak andiyan kana pala. May mga bisita ka." pumunta ako sa sala para tignan kung sino habang sumusunod naman sakin si Curt.

Ba't parang di ata galit ang tatay ko? Hayaan mo na nga.

"Ethan? Brianna?" gulat kong tanong. Pagtingin ko sa orasan 1:30 pm na pala. Late ako ng 30 minutes.

Pero mas nagulat sila. Oo nga pala kasama ko si Curt.

"Siya ba ang boyfriend mo anak?" tanong ni Tatay sa akin.

"A-anong boyfriend pinagsasabi mo Tay?"

"Let me explain later." bulong sakin ni Curt.

"Opo, ako nga po. Nice to meet you po." aba! Loko to ah! Lagot sa akin to mamaya! Girlfriend daw! Ako? Duh!

"Tay sandali lang ho. Kakausapin ko lang ho si Curt."

"Sige anak. Entertain mo muna yang boyfriend mo. Paghahanda ko muna tong mga bisita mo."

Hinila ko si Curt palabas ng apartment.

-Curt's POV-

Hinila ako ni Samy palabas ng apartment nila.

"Anong pinagsasabi ni Tatay na boyfriend kita? At anong pinagsasabi mong girlfriend mo ako?"

"Ganto kasi yun...

*FlashBack*

Pagkahiga ko kay Samy sa kama ay itatabi ko sana yung bag niya pero biglang nagring yung phone niya sa loob ng bag. Kinuha ko agad.

I fell with Mr. Demon (Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon