SL: Prologue

21 1 0
                                    

Christmas ball of the prominent families in CDO

That's when she saw him first in uncompromising situation. She's a five-year-old kid then and a silent yet intelligent for her age. Kadalasan sa mga dumalo sa ball ay mga matatanda. Christmas was for kids so they were included. Nakapagpalagayan na ng loob ang mga batang nandoon sa ball at ang batang may singkit na mga mata, magiliw na mga ngiti na kakikitaan ng kakulitan ay tila leader-leaderan sa mga ito. The kids there have their own universe on the two round tables beside each other. Nandoon sila sa Kid's Corner ng naturang venue.

Except her, a girl in her pigtails and pink small dress was sitting on a chair, her both feet dangling. Two tables away siya sa mga ito at katwiran ng batang isip niya, masyadong maingay at magulo ang mga ito. Mas mabuti pang magbasa na lang siya ng children's book na dinala niya doon upang basahin. Berry at a young age likes to read books and likes her own company instead of fitting in with other kids and played with them. Nagtataka ang pamilya niya kung bakit ganoon siya, iba sa normal na mga batang naglalaro sa labas ng bahay. It was her choice to stay at home at kung lalabas man siya ay maghahanap lang siya ng reading spot niya o kaya'y mag-isang mag-oobserba sa paligid niya.

Nakita niyang tuwang-tuwa ang mga bata kasama na ang makulit na batang lalaki nang ilapag ng waiter ang slices ng cake. Namimili siya ng sweets na kakainin niya at kasama na roon ang cake na sinimulan na ng mga itong lantakin. A waiter put down a plate with a slice of cake on her table and Berry thanked the young guy who only smiled. Bata pa lamang siya, in-training na siya pagdating sa good manners and right conduct kaya nga behave lang siya sa isang tabi, kaibahan sa ibang bata roon. Nature na sa mga bata na makulit at pasaway minsan, yet not her. She's too reserved for a child.

Umalis ang batang lalaki sa upuan nito at lumapit sa isang waiter. Kinausap nito ang waiter at nagulat na lang siya nang ito na mismo ang naglagay ng mga basong may lamang juice sa table ng mga ito. Then the boy noticed her because she was all alone in a table. Bumalik ito sa waiter at kinuha mula roon ang isang basong may lamang orange juice.

Berry was holding her book when the boy approached her with his glass of juice.

"Hi, I'm Lirio. Gusto mo ng juice? Heto." Maingat na inilapag ng batang Lirio ang baso sa table niya.

"Thank you," halos pabulong na sambit ng batang Berry. Ngumiti ito sa kanya, sumingkit lalo ang mga mata sa dulo at naging halata na ang dimple. Hindi na siya umimik pa kaya nagbalik ito sa lamesa nito kung saan napapaligiran ito ng mga bata. May biglang umiyak sa umpukan na iyon, a kid probably younger than them. Ang batang Lirio ang nagpatahan rito, doing some silly faces and even danced in front of the kid.

Berry ate the cake, tamang-tama lang ang tamis at malambot iyon sa bibig niya. Nalasahan niya ang peanut sa cake. Uminom na rin siya ng juice pagkatapos tinuloy ang pagbabasa. May graphics ang drawing book na dinala niya kaya mas lalo niyang naunawaan takbo ng kuwento. Simple sentences lang ang nandoon bagay na madali lang intindihin.

Minutes passed, someone dropped a spoon. Natuon ang atensiyon ni Berry doon at sa panggigilalas ng lahat. Natumba ang batang Lirio sa upuan nito, coughing. His breathings were getting heavier each passing seconds. Nakaluhod na rin ito sa sahig. Nag-panic ang mga batang nakasaksi. May ibang umiiyak sa tabi ni Lirio, may ibang tinawag ang parents nila. It stirred the adults' attention. Berry set aside her children's book and jumped from her seat.

Nagkukumahog na lumapit ang isang babae kay Lirio, kaedad lang yata ng kanyang ina. "Anak! May peanut ang cake. Bakit mo naman kinain? Allergic ka sa peanut. Jusko. Okay, breathe in, breathe out."

"Mom, masarap po e. Di ko naman po alam na..."Umubo ito. "may peanut."

"Ikaw talagang bata ka, pagdating talaga sa pagkain. Wala kang sinasanto. Kaya ka napapahamak."

Lumapit na rin ang isang matandang lalaki at base sa physical features nito, dito nagmana si Lirio. "Niza, 'wag mo nang pagalitan ang bata. Dalhin na natin siya sa hospital." Ito na mismo ang nagbuhat sa anak nito.

"Ang kati, Dad." Iyon na ang huling narinig niyang usal ng bata bago naglaho ang mga ito doon. The noise from the kids subsided. And the event goes back to its normal atmosphere.

Berry got uncomfortable with the incident so she went to the venue's garden and resumed her reading. One detail; an allergy, which she remembered from the viewpoint of her kid self.

She glared at the book which contained that detail. Hindi naman siguro siya madaling ma-trace. The memory was a long time ago, almost blurry, maybe for him because she couldn't forget memories easily. The earliest memory she had was when she was a three-year-old kid. 

Scarlet's LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon