---x
* * *
Inaasikaso ni Berry ang kanyang agahan nang biglang may kung sinong kumatok sa pinto ng bahay.
"Sino naman kaya 'yan?" bulong niya sa sarili sabay tali ng kanyang buhok na di pa nasayaran ng suklay. Kagigising lang niya at una niyang inasikaso ay ang kanyang breakfast. Sino naman kaya ang gagambala sa kanya ngayong umaga? It's still six in the morning. Iniwan na muna niya ang ni-reheat niyang adobo at hininaan ang apoy roon. Hindi siya kagalingan magluto ngunit marunong naman siya. Natuto na siya nang maging independent na siya at nagsimula nang magtrabaho.
Tinungo niya ang pinto at buksan iyon. Nabitin sa ere ang ngiti sana niya at bati nang makilala ang Poncio Pilato sa harap niya. Basa pa ang buhok na mukhang kakagaling lang sa shower at nakasabit sa balikat nito ang handtowel. Nakangiti kung kaya't lalong sumingkit ang mga mata nito. Nakasuot ito ng printed white shirt at black jogging pants na may white stripe sa gilid. Kakulay rin ng damit niya, white oversized shirt at black shorts.
"Anong ginagawa mo rito?" maang niya. Oo, magkapit-bahay sila pero hindi niya naisip na maaari siya nitong puntahan dito sa bahay niya.
Dumako ang mga mata nito sa kanya. Did he just check her out? Pinandilatan niya ito. And he just chuckled. "Visiting my neighbor. Nakaamoy ako ng pagkain eh."
Bago pa man siya makahirit ay inimbita nito ang sarili nito sa pamamahay niya.
"Ganito ka ba sa umaga?" He stopped midway and turned around to her, with that infuriatingly bright eyes. Na parang tuwang-tuwa pa ito sa nakita nito. Saka lang niya napansin na hindi pa niya naayos ang sarili niya, maliban sa nakapaghilamos siya.
"You just can't barge in, in your neighbor's house without asking for permission." She crossed her arms. Sa kusina ito dumiretso na madali lang naman makita sa bungad pa lang ng pinto ng bahay. Umarko lang ang kilay ni Berry nang mismong si Lirio na ang nagpatay ng apoy sa stove.
"Nakakapangit magsungit sa umaga. Alam mo ba 'yon?" Inirapan lang niya ito at hinayaan na lang itong isalin ang adobo sa bakanteng plato na nakalatag lang sa kitchen table.
"Let me guess, hindi ka naghanda ng breakfast mo?" Ito pa talaga ang kumuha ng mga kubyertos. Binuksan pa nito ang rice cooker at kumalat ang mabangong amoy niyon. Hinayaan na lang niya ito. Kailan ba naging manipis ang mukha nito? Feel na feel at home ito sa bahay niya.
"Medyo?" he grinned. Inamoy nito ang bagong lutong kanin. "This is good."
"Galing pa 'yan sa CDO." Sukat sa sinabi niya ay napalingon ito sa kanya.
"Kung saan mo ako unang nakita? Nasa libro iyon di ba?" Napairap na naman siya at naghila ng upuan.
"Yeah, dahil sa katakawan mo. Inatake ka ng allergy mo," sabi na lamang niya at tinanggap ang kutsara't tinidor rito.
"Naalala mo pa pala. Ang engot ko noon."
"Hanggang ngayon," sabi niya sa seryusong tono. Umakto lang itong nasaktan ngunit nakangiti pa rin. Tinikman lang nito ang adobo at napapikit pa.
"Masarap ah. Ikaw nagluto?" Berry was confused. Bakit ganito ang nangyayari? Na para bang normal na senaryo lang ito para kay Lirio? Eating breakfast together early in the morning, as if they've done it many times. Tumango lang siya.
"Thanks," simple niyang sagot saka sumubo ng kanin.
"May trabaho ka ngayon?" kaswal nitong tanong sa kanya.
"Oo." Gaganapin ang isang outreach program sa North Area ng Cebu, at isa siya sa mga nag-aasikaso niyon. Mamayang hapon ay ime-meet niya 'yung isa sa mga sponsors nila. Siya ang inatasan ng boss nila. "I'm working in an NGO."
BINABASA MO ANG
Scarlet's Letters
General FictionWhat if the book you've written for a certain person and your memory with him flashed before your eyes? It was a nightmare for Raspberry to discover that her manuscript which was only for a memento was published - revealing her feelings and long-for...