SL: Twenty One

13 1 0
                                    

---x

"Shit! Kayo na?!" Nagulat sila sa biglaang pagsigaw ni Klint. Sinabayan pa iyon ng mala-baklang tilian nina Clyde at Marc. Magkahawak pa ang mga kamay nang makita silang sabay na dumating. Parang mga kiting-kiti na kinikilig sa mababaw na dahilan. Wearing similar clothes. Sinasabi na nga ba. Mag-iingay talaga ang mga tukmol.

Tanging ngiting may kasamang panunukso ang bungad ng iba sa kanila. Berry inwardly groaned and glanced at Lirio who seems to be amused of the guys's reaction. Pinaningkitan lang niya ito ng mga mata at sinagot lang nito iyon ng smirk nito. Napairap tuloy siya nang wala sa oras.

"I see that they have their own communication. Level up na pars!" Nag-apiran pa sina Clyde at Klint na nagtawanan lang na parang mga loko-loko.

"Tigilan n'yo kami," saway niya sa mga ito. Nasaan na ba kasi ang iba? Bakit ang mga ito lang ang nasa cottage? Ang kukulit, parang mga bata.

"May aabangan na ba kaming kasal?" panunukso ni Klint.

"Ang kupad-kupad mo naman, San Miguel. Hindi ka pa ba kikilos?" buska naman ni Marc kay Lirio na sinimangutan lang ng huli.

"Sabay pa talaga kayong dumating. So, totoong magkapit-bahay kayo?" usisa pa ni Clyde.

Parang iikot ang paningin ni Berry sa mga sinasabi ng mga ito. Idagdag pa na mainit ngayon at nakikita sa bubong ng cottage ang intensity niyon. Mabuti na lang may spare shirt siya. Kaya lang naman siya nag-sweater dahil bahagyang malamig sa parteng iyon ng village na elevated o uphill.

"Shut up, you two," saway ni Lirio sa mga ito ngunit nagpatuloy lamang ito sa panunukso. Maya-maya pa, dumating na sina Noah at Daisy. Sarong ang pantakip ni Daisy sa bikini nito at kagaya niya ay short shorts lang. Nakayakap pareho ang dalawa sa gilid ng isa't isa at may hawak na lemonade juice si Daisy.

"Oh? Couple clothes?" bungad ni Daisy sa kanya na sinimangutan lang niya. Noah tapped Lirio's shoulder that looked like he's confused with something. "Samahan na kitang magbihis. Ang init-init na pala rito. At November?"

"Malamig sa Busay," sabi na lamang niya. Hindi na ito nagtanong kung bakit sabay silang nakarating roon dahil alam na nitong magkapit-bahay silang dalawa ni Lirio. Dumating na rin sina Jin at Keisha at kasama nito si Jenny na nakasuot ng wide-brimmed hat. Sa likod nito ang bugnot na mukha ni Shawn na naka-topless lang.

"You shouldn't be here," Shawn said, irritatedly.

"What? Because you can't resist my charms? Just tell me, if you're threatened because I will do it the other way around. I accept any kind of challenge, Guillermo."

Shawn smirked in a mocking way. "Confident, aren't we, Evangelista?"

Ano ba ang bago sa dalawang ito? Lagi na lang may giyera sa pagitan nila. Tumanda na't lahat, mistula pa ring aso't pusa ang dalawa. Tinangay na siya ni Daisy palayo doon bago pa lalong uminit ang panahon dahil sa dalawang former officers nila sa SSG.

Nagpalit na siya ng beach wear at pinatungan iyon ng sarong. White ang upper maging ang lower niya, na short shorts. At tila inasar na naman sila ng tadhana dahil ang ipinalit na damit naman ni Lirio ay white shorts at white sando. Tinawanan tuloy sila ng mga kasamahan nila doon. Not to mention, they kept on pressing that they're neighbors.

"So? I think the book is the magnet for why you two are together," Jenny pinpoints while leaning on a wicker chair. Berry didn't know where that wicker chair came from.

"We are not together," giit niya at balewala lang iyon kay Lirio. Sinamaan tuloy niya ito ng tingin.

"Hey, black and white are clean colors. I don't know that your clothes were mostly black and white. Lagi rin kitang nakikitang nagsusuot, either of the two sa village."

Scarlet's LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon