Noah's POV
"How is she?" tanong ni Noah kay Lirio nang maupo ito sa katapat niyang upuan doon sa cafeteria. Nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin kaya naging matamlay ito.
"She's not getting better," malungkot nitong imporma sa kanya. Tila ba pasan-pasan nito ang buong mundo. "I was hoping."
"The least you could do is stay by her side." Naaninag niya ang resentment sa mga mata nito. Lirio leaned his arms on the table. Hindi kagaya sa ibang tables na pagkain ang nasa mesa ay mga libro, papel at isang tasa ng kape ang nandoon sa mesang inokupa ni Noah.
Doon siya madalas sa isang sulok at ang mga estudyanteng nakakilala sa kanya dahil expose siya sa extra-curricular activities. Isa siyang working scholar doon at may mine-maintain siyang grades.
Napahilamos si Lirio sa mukha nito. "Pinalabas ako ng prof sa Management dahil lutang ako sa klase kanina. Gusto kong magalit kay Eden dahil hindi man lang niya sinabi sa 'king lumala na pala ang lagay niya. Kaya pala, napapansin kong absent siya sa mga klase niya. Matigas kasi ang ulo ng babaeng 'yon. Sabi ng hindi siya puwedeng mapagod ng husto," himutok nito at hinayaan lang ito ni Noah. Itinabi na muna niya ang binabasa niyang by-laws at nakinig kay Lirio.
"Ayaw lang niyang mag-alala ka pa," pagsasalita niya. "Huwag mong dagdagan ang sama ng loob niya. Masama 'yon sa puso niya. Sa puntong ito, ikaw ang higit na uunawa." Bahagya pang napangiwi si Noah sa sinabi niya dahil sa napapansin niya. Higit na umuunawa si Lirio sa girlfriend nitong si Eden Sofia. He was the giver. Bagama't nag-mature ito sa paglipas ng mga taon dahil sa karelasyon nito si Eden Sofia pero may bahaging naaawa si Noah rito.
Napabuntong-hininga ito at bumagsak ang mga balikat. "Pagod na rin akong magkunwaring hindi ako naaapektuhan sa lagay niya. Baka mas lalo siyang lulungkot."
Lagi na lang nitong iniisip ang mararamdaman ni Eden Sofia. "'Wag mo ring pabayaan ang sarili mo," payo niya rito.
Umangat ang ulo nito mula sa pagkakahagod nito ng buhok. "Oo nga pala. Narinig ko lang kay Marc na hindi na niya nakikita sa univ nila si Daisy. Ikaw ba, alam mo ang dahilan?"
Saglit siyang natigilan. Ang naalala lamang niyang huling pagkikita nila ni Daisy ay ang highschool graduation nila kung saan may lungkot ang mga mata nito. Lalapitan sana niya ito upang kausapin pero hinila na siya ni Kara Jecille. Napakurap-kurap na lamang siya sa nalaman.
Bahagyang kumunot ang kanyang noo. "Di ba kayo ang mas malapit?" Napakamot na lang ito sa likod ng tainga nito.
"Wala na akong balita sa kanya. Hindi siya nagbakasyon sa Golden Valley," sagot nito.
Napaisip tuloy si Noah kung hindi na ito nag-aaral. Isa iyon sa mga posibilidad kung bakit wala na ito sa university.
* * *
Katabi lang ni Raspberry si Lirio na katulad niya ay nag-aabang ng jeep. Kanina pa siya nito hindi napapansin at diretso lang ang tingin nito sa harap. Maaaring may bumabagabag rito.
Napabuntong-hininga si Raspberry at napahawak sa sentido niya nang pumitik iyon. Halos wala siyang pahinga sa pag-intindi ng mga financial statements at parang mabibiyak na ang utak niya anumang oras.
Tumigil ang isang jeep na halos walang pasahero at kapwa sumakay roon sina Lirio at Raspberry. Nasa tabi lang ng pinto ng jeep si Lirio samantalang nakaupo sa gitna si Raspberry.
Napapaisip si Berry kung kakayanin pa ba niya ang pressure na nakaatang sa mga balikat niya. Pabigat iyon ng pabigat sa mga nagdaang araw. Nakatulala pa rin sa kawalan si Lirio, iniisip nito ang mga worst case scenarios at napapailing na lang ito nang lihim. Napansin ni Berry na bumaba na ito kahit hindi iyon ang babaan nito. Nauuna kasi siyang bumaba rito.
BINABASA MO ANG
Scarlet's Letters
Genel KurguWhat if the book you've written for a certain person and your memory with him flashed before your eyes? It was a nightmare for Raspberry to discover that her manuscript which was only for a memento was published - revealing her feelings and long-for...