SL: Five

11 1 0
                                    

----x

Crowded ang canteen nang maabutan iyon ni Raspberry. Natagalan tuloy siya sa pagpila upang bumili ng paborito niyang cassava cake.

"Ha? Sinong nabarangay?" bulalas ng isang lalaki na umagaw sa atensiyon ng mga tao sa loob sa lakas ng boses nito.

Binatukan lang ito ng isa sa mga kaklase yata nito. Kung hindi niya kilala ang naturang lalaki ay nuncang pansinin niya ang mga ito o sadyang talagang nakaw-atensiyon lang ang mga ito sa ingay nito.

"Sira-ulo. Sabi na nga ba, hindi ka nakikinig. Ang sabi ko, magsisimula na ang liga sa barangay sa susunod na buwan. Ano, sali ka?" kausap ng kaklase rito.

Lirio San Miguel. Kilala niya ito samantalang hindi naman siya nito kilala at maiging hanggang doon na lang iyon. Maiging hindi nito alam ang existence niya.

"Oo naman! Ipaalala mo sa 'kin pag malapit na. Nakakalimot ako e," sang-ayon ni Lirio. "Naks! Amoy na amoy ko na ang bango ng bagong baked na tinapay!"

Napa-'yes' sa loob si Raspberry nang mapagtantong mukhang bibili ito ng tinapay base sa sinabi nito. Nakita kasi niyang isa na lang ang slice ng cassava cake sa estante sa may counter.

"Ate, dalawang pandesal at isang cassava cake," kausap ng lalaki sa tindera. Wala sa oras na napasimangot siya. Mukhang nakalimutan niyang malakas itong kumain sa kabila ng payatot nitong katawan.

Kung nahalata man ng tindera ang bugnot niyang mukha ay pinili na lang nitong ibalot ang banana cue na binili niya. Mag-isa siyang kumain niyon sa cement bench sa ilalim ng punong mangga habang abala ang mga estudyante sa paligid niyang maghuntahan at magkuwentuhan.

Para sa iba, mukha siyang snobber at nakaka-intimidate ang aura dahil nga seryuso ang ekspresyon na nakapaskil sa mukha niya. Katwiran ni Berry, kalmado lang naman siya at pormal tingnan. Hanggang academics lang naman ang interaction niya sa mga naging kaklase niya. May ibang estudyante na nakakaramdam na medyo off siya pagdating sa mga social interactions kaya hindi na ito nagpumilit na makipag-interact sa kanya. Kinantiyawan na siya ni Ian na baka mas fit siya sa Sci High atmosphere kung saan pawang matatalino ang mga estudyante roon. Maaari nga pero kahit pa man noong nasa magandang elementary school siya ay mas gugustuhin niyang mag-isa at magbasa lamang ng libro.

Nang mag-ring ang bell, hudyat na papasok na siya sa susunod na subject. Naglipit na ng mga gamit si Berry. Palipat-lipat sila ng section niya tuwing hapon kapag Makabayan subjects kaya malaya silang tumambay kung saan kapag vacant time at doon sa cement bench niya naisipang tumambay.

Discussion at panibagong seatwork ang ginawa ng klase sa Aral-Pan. Bitbit niya ang mga gamit niya patungo sa library nang may mapansin siya. Mga phamplets iyon at inayos niya muna saglit.

"Miss!" May kung sinong tumawag. Hindi na sana iyon papansinin ni Berry habang binibilang kulang ilang phamphlets ang dala niya. May tumawag ulit at mukhang siya ang pakay dahil kinalabit pa siya. Nang lumingon naman siya at natigilan siya nang makilala niya ito. Bahagya siyang napaatras nang mapansing masyado itong malapit.

Lirio? Ito ang may hawak ng kanyang panyong kanina pa niya hinanap.

"Sa iyo ba ito?" Inilahad nito ang panyo niyang may burda pa ng pangalan niya. Tumango siya't kiming sumagot.

"Salamat." Bago pa man ito makapagsalita ay tumalikod na siya. Well, so much for their first interaction. From her pheripheral vision, nakita niyang may nilapitan itong babae sa plant circle at kakamot-kamot pa sa ulo. Mukhang nagpapacute ang loko at lihim na lang na napangiti si Berry sa inakto nito.

Hindi niya ma-explain kung bakit madali na lang sa kanya ang mapansin ito. Ilang metro ang layo ay pansin na niya ito at kahit na nasa grandstand siya ay namamataan niya ito sa baba, malapit lang sa oval at magkaagapay na naglalakad kasama 'yong babaeng crush ata nito. Last class kasi niya ay MAPEH kaya doon siya sa grandstand tumatambay.

Scarlet's LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon