SL: Twelve

20 0 1
                                    

May choice naman talaga siyang magmukmok sa suite nilang dalawa ni Daisy o di kaya'y maglibot-libot sa resort, malayo sa mga batchmates niya ngunit hindi niya matanggihan ang pagkuyog sa kanya ni Daisy. Idagdag pa na ayaw niyang magmukhang rude sa may-ari mismo ng resort na si Jenny at ang pinsan nitong si Daphne.

Kaya nagkasya na lang siya sa pagbabantay muna ng ihawan habang nagkakasiyahan na ang mga ito sa may cottage. Ang iba namang batchmates nila ay parang mga bata na naglulunoy sa dagat, ang iba nama'y nasa mga bangka. Tila ba'y kasama niyon ay nagbalik silang lahat sa nakaraan, sa kung paano sila noong mga araw na iyon.

"Have you heard?" Binitin pa sa ere ni Klint ang sasabihin sana nito. Pinaypayan niya ang iniihaw na pusit, di alintana ang usok nito. That's her eay of avoiding their catching up. Para saan pa? Wala naman siyang maikukuwento dahil si Daisy lang naman ang malapit sa kanya at umiikot lamang siya sa academics noon.

"What? Are you talking 'bout the book? Magmula nang dumating ka rito. Bukam-bibig mo na 'yon. Naririndi na ako." Humigpit ang hawak niya sa skewer nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

"I bet you're dying to know who the writer is." Klint said. Kahit kailan talaga, panira ito sa kanya.

"I have the book. Daisy gave me." Doon na siya tuluyang napalingon. Sa gawi ni Daisy na katabi si Noah. Napangiwi si Daisy at pinandilatan naman niya ito. Mukhang napansin iyon ni Noah kaya napaiwas ito ng tingin at dahil sa gesture na iyon ay mukhang napick-up na nito ang tinginan nila ni Daisy. Si Noah naman ang sinamaan niya ng tingin na patay-malisya na nakatitig na lang sa hilera ng mga pagkain sa harap nito, ngunit may hint ng pagngiti nito. Naasar tuloy siya. Kahit nag-usap na sila tungkol kay Daisy at nagkasundo na ay hindi pa rin ito makakaligtas sa kanya kapag nagloko ito.

Sinasabi na nga ba. May mali talaga at si Daisy na ang pakana niyon. Kahit naman pigilan niya ang pagkalat ng libro ay may mga circumstances pa rin na makakarating iyon kay Lirio.

"Di ko alam na may stalker pala ako. All the way from childhood." Tumawa pa talaga ito na siyang ikinangitngit niya. Ibinalik niya ang mga mata sa iniihaw. Siya? Stalker? Ang lakas naman ng loob nito.

"Don't flatter yourself, mister." Jenny said. Hanggang ngayon, naninira pa rin ito ng ilusyon ng mga lalaki. Before, she looked like a man-hater but the truth was, she's just through with boys. Nakompirma na niya ito noon nang mag-rant na lang ito bigla sa cr at siya ang nakarinig niyon. That's her first interaction with Jenny Evangelista. "You don't know. Baka kapamilya mo lang pala."

Nagtawanan ang iba sa kanila. Binaliktad niya ang ilan sa mga pusit. Itinuon na lang niya ang atensiyon niya sa pag-ihaw ng mga pusit.

"Malabo. Kaunti lang ang mga babae sa pamilya namin but a handful. Not even writers." Lirio spoke. Mukhang naaliw ito sa kakain ng salad na tila ba balewala lang dito ang takbo ng usapan. He looked like it's not a big deal to have his name in a fiction book.

"Childhood friend? Hey, Kristal. You're a writer, right? Kasali ka sa school paper natin." ani Marc kay Kristal na kaibigan ni Jenny. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Kristal sabay ngiwi nang kunti.

"I'm a journalist. Nagsusulat ako ng articles. Hindi ako fiction writer at di ako baliw na baliw kay Lirio noon. Si Henry." Napaubo naman ang kanina pang nananahimik na si Henry sa isang tabi. Nakasandal lang ito haligi ng cottage. Kaugali ito ni Jenny na prangka talaga.

"Mabuti na lang kay Henry ka baliw na baliw. Hindi sa 'kin. May luluha ng bubog." Lirio lightly laughed. Natahimik tuloy 'yung iba dahil may ideya kung ano o sino ang tinutukoy nito. Lirio cleared his throat and smiled again. "So what are your theories?"

Di ba puwedeng mag-change topic na ang mga ito? Kung magwa-walk out naman siya ay tiyak na mahahalata siya ng mga ito. Naraanan ng mga mata niya si Klint na prenteng nakaupo katabi ni Marc, tuwang-tuwa sa takbo ng usapan.

Scarlet's LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon