--x
"Dude, galit ka pa rin ba na nakisabit kami?" nakangisi ang walanghiyang si Rory.
Kulang na lang arkilahin nila ang ship dahil ang ingay-ingay nila doon. Sumama ang mga walanghiyang Rory, Nylon, Skip, Shone, at napilitan naman si Randall Earl na nakatulala lang sa dagat.
"Malay ba naming nakaplano na pala ang pagsalubong mo kay Berry sa terminal?" singit pa ni Skip na ginawang headband ang sunglasses nito. Wala ba itong commitments sa Thailand at pinatulan nitong magbarko?
"Naks. Stalker na stalker ang datingan, insan." Si Nylon talaga itong mala-waterfalls ang bibig. Nagpatulong lang naman siya kay Freya kung kailan babiyahe pabalik ang Ate nito. Oo, naging malapit na silang dalawa ni Freya na ang kuwela-kuwela, kaibahan sa Ate nitong mala-Ice Queen minsan.
"Shut up." Nagsipagbalikan sa puwesto ng mga ito ang mga walanghiya. Hinayaan siya doon sa upper deck dahil nilapitan ng mga ito sa Berry. She looked so pretty and refreshing in her light blue sweater and white jeans. Napasimangot siya nang ngitian nito ang pabling na si Nylon.
Sa kanya dapat ang ngiting iyon. Nakakabuwisit talaga ang mga asungot sa biyahe.
* * *
Back to normal ang lahat. Berry got back to work and her mind was occupied by the shelter's events like parties and an upcoming outreach program in the South.
Sana'y di mahalata ni Lirio na iniiwasan niya ito. She was making sure she went out of the house at five in the morning. Para hindi siya maabutan nito.
Magulo pa kasi ang utak niya. Unti-unti pa niyang tinatanggap na malalim na ang pagkakahulog niya. Pakiramdam niya'y nasa isang kumunoy siya. Wala na siyang takas. Kahit tanggihan niya iyon, lulutang pa rin. She's not Daisy who could wholeheartedly accept it and she had doubts. Sanay siyang walang returned thing sa bagay na nararamdaman niya at naninibago pa rin siya.
Nakipagkita si Daisy sa kanya sa Ayala. They dined in an outdoor restaurant somewhere in Terraces. Sa city ito nag-celebrate ng holidays kasama ang pamilya ni Noah.
"Is it me or may iba talaga sa iyo, Berry?" Daisy noticed. Her best friend really knew her.
"Ano?" Although, she already suspected why. But she wanted to hear her best friend's observations first.
Naipilig nito ang ulo. "Like you're blooming of something I don't know. Or I know." naniningkit ang mga mata nito.
Bahagya siyang napangiti. Makahulugan. Kung alam lang nito kung ano o sino ang gumugulo sa kanya nitong mga nakaraang araw.
"It's hard to accept things that are so new to you but somehow a bit familiar." She was trying to be subtle and Daisy understood it the way she smiled. Telling her with her eyes that she experienced it too.
"Bakit? You'll runaway for so long? Di ba matagal mo na 'yang ginagawa noon?"
"So you really have an idea what I'm trying to say. Hindi na nakakagulat," nasabi na lamang niya.
"Bakit? Wala man tayong contact sa isa't isa noon. Ramdam kong may hindi ka talaga sinasabi sa akin noon. Halata namang ayaw mong i-confront iyon. I've been there. At first, confuse ako. Dahil baka normal lang ang lahat pero hindi. Nagpapakanormal lang ako. And you, dahil ba magkapit-bahay na kayo kaya may nararamdaman ka?" tanong nito.
Umiling lamang si Berry at inikot ang tinidor sa pasta na in-order niya. "I think I am comfortable with my conclusions before. And yes, I'm dodging it. Naninibago lang ako dahil wala naman akong ini-expect na matatanggap."
"Promise, Berry. Hindi ka talo sa kaibigan ko. Walang panalo at talo. Ang importante, sinubukan mo. May reasons kung bakit pinaglalapit kayong dalawa. Sinabi mo nang lagi mo na lang siya nakakasalubong at nakikita."
BINABASA MO ANG
Scarlet's Letters
General FictionWhat if the book you've written for a certain person and your memory with him flashed before your eyes? It was a nightmare for Raspberry to discover that her manuscript which was only for a memento was published - revealing her feelings and long-for...