SL: Twenty Six (2)

12 1 0
                                    

---x


"Lirio!"

Nagulat ang lahat nang may babaeng tinalunan si Lirio at kumapit pa talaga dito nang napakahigpit. Maging si Berry ay napatabi sa akalang matatabig siya ng babae.

"Yel! Mahiya ka naman!" saway ni Lirio rito na sinikap na mabaklas ang babae na parang tuko na nakakapit rito. May ibang naeskandalo, lalo na ang matatanda roon sa ball. May iba namang natutuwa pa sa nakikita, na kadalasan mga kaedad lang nila.

The woman just grinned. Napansin siya ng babae na parang hindi ito nakakapit kay Lirio na ngayo'y bumitaw na. Maganda ito at halos magkasingtangkad sila. Mukhang may iba itong lahi at natural na mapula ang mga pisngi.

"Oh, hi! You must be the only lady he danced with." The woman introduced herself to her. "I'm Yelena Cache Engelhart."

Bago pa makahuma si Lirio ay nakabawi na si Berry. "Raspberry Luzano." tipid niyang sambit.

"Lirio's ex-fianceé here. You?" Natigalgal siya. Maging ang mga taong within earshot. Napangiwi si Lirio na hindi nagustuhan ang narinig. As usual, the San Miguel cousins snickered which earned scowls and glares from the elders.

"Oops. Ex-fianceé. He was really rude and kind of ruthless in appearance. And cold like a friggin fern in Antarctica from Jurassic Period. So I don't have the hots for him, no big deal," Yelena said with a scowl. Muntik nang matawa si Berry. Napaka-animated ng paglalahad nito.

"Really? Nakilala mo ba siya noong nagluluksa pa siya?" Berry asked, now smiling. She liked this woman. She's not afraid to speak her thoughts.

Bahagyang umawang ang mga mata nito. "OMG! Iyon na nga. Nakilala ko siya noong pinagsakluban siya ng langit at lupa. How do you know?"

"I figured it out. I've seen having a meeting with some guys I don't know in some Cafe. Coincidence. Probably, from work. Ang seryuso niya at mukhang masungit." Hindi na lang pinansin ni Berry ang pagtingin ni Lirio sa kanya nang banggitin niya iyon.

Siniko ni Yelena si Lirio bagay na ikinadaing ni Lirio. Mukhang matulis ang siko ng babae o di kaya'y malakas lang talaga ang pagkakasiko nito. "Naku! Naku! Lirio San Miguel. Marami kang ikukuwento sa akin mamaya! And nice to meet you, Berry! I think I will meet you soon!"

At kung paano ito sumulpot ay ganoon din ang paglaho nito na lumapit sa kung saang table. She's such a sunshine. Tiyak na magkakaroon ng allergy ang mga taong parang buwan sa lumbay.

"Hey, di ko alam na nakikita mo pala ako sa cafe meetings ko. Kailan ba 'yan?"

Binalingan niya si Lirio. "At kailan ka pa nagka fianceé? She's nice. Tiyak na ang ingay-ingay ng bahay ninyo pag kayong dalawa ang nagsama." she casually said that but Lirio didn't like it. Napasimangot lang ito.

"Ex-fianceé. Pinagkatuwaan lang ata kami ng board noon. Hindi ako pumayag at hindi rin ako tumutol. Hanggang sa naglaho ang kasunduang iyon at matuloy pa rin naman ang business venture." pag-amin nito. Lumapit ito sa kanya. "And you? Gaano mo ako kadalas na inoobserbahan?"

Berry rolled her eyes for the nth time. "You happened to be at the same place. And at the same time."

Kumunot ang noo nito. "Bakit di kita napapansin?"

Hindi nga siya nito napapansin noon kahit nasa iisang convenience store sila. Iisang classroom. Iisang jeep. Iisang cafe. Dahil abala ito sa pagnu-nurse ng broken heart at grief nito. At naiintindihan iyon ni Berry. "That's because your heart is too broken. The effect of the grief and loss was so overwhelming that you didn't notice your surroundings. It took a big chunk of your life. And you just didn't care."

Scarlet's LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon