---x
Dear Lirio,
Maybe, I'm denying. Or maybe, I'm good at hiding. When I think about the possibility of harboring more than admiration feelings, it caught me off guard. I didn't think it that way when it comes to you. Your personality. Your disposition in life. How you were so free, from the shackles of the norms. That's what I admire because I couldn't be that kind of person. I am calculated. I think before I act. I made sure I made a few mistakes.
I have lots of pressure in me. Minsan, ako pa ang may kasalanan kung bakit nararamdaman ko ang pressure. Absurd. But seeing you shine, parang biglang mawawala na lang iyong bigat na nararamdaman ko in a little bit. Even though, it's a short period of time. Even though you're being too silly and goofy.
And I wish that I can see the real happiness in your eyes again. That only time could tell happiness can strike you again. I'm still confused. In so many years. The definition of admiration, bordering on something you have with a person years ago. I am a rational being. Doesn't dwell too much on being irrational. But I am susceptible to it. Humans are.
I'm afraid. I have to admit that I'm struggling. It could be a passing one. A possibility of not forgetting it. A possibility of fading. If only.
Scarlet
P.S. It will take a long time to write a letter to you. Maybe, I won't. Maybe, I'm all over it.
Mariing naipikit ni Berry ang kanyang mga mata. The Scarlet's Letters notebook was glaring in front of her. Pinagkaisahan na naman siya ng tadhana dahil natagpuan na naman niya ang notebook niya.
Naglilinis siya ng bahay. General cleaning.
Apart from it, may kasalanan si Lirio roon. Kung ano-ano kasi ang pinagsasabi noong gabing lasing ito. Inaasikaso nga niya ngunit iniwan naman niya kaagad na natutulog sa sofa. Hindi niya alam kung paano ito tingnan nang diretso sa mata na hindi niya iisipin ang mga salitang inusal nito kagabi. Sira-ulo. Bakit ba naglalasing ito at bigla-bigla na lang sumulpot sa bahay niya? Akala mo ay walang bahay. Ganoon ba ito pag nalalasing? Naliligaw sa ibang bahay?
Marahan niyang ibinalik ang notebook sa ilalim ng coffee table na natatabunan ng mga magazine. Doon lang muna dahil maglilinis pa siya. General cleaning. Isa sa mga paraan para hindi siya mag-overthink. Isipin pa lang niya na makakaharap niya si Lirio ay parang mauubusan siya ng enerhiya.
Mga ilang oras din ang itinagal ng general cleaning niya at halos baliktarin na niya ang buong bahay dahil may binago siya sa placements ng mga furniture. Tagatak na ang pawis niya sa noo sa pagtutulak at paghihila ng mga bagay roon. Nairita lang siya lalo dahil ang laman ng isip niya ay ang damuhong lasing kagabi.
Sa susunod na linggo pa magpapasama si Daisy para asikasuhin ang magiging kasal nito kay Noah at ayaw niya rin namang bulabugin ito sa Balamban. Si Dominique? May mga raket ang katrabaho at kaibigan niyang iyon. At hindi habang-buhay na tatakbuhan niya ang binata. Nagmana talaga siya kay Daisy, di man literal na mabilis tumakbo, nagagawa namang magtago.
Dahil nga pagod na siya ay diretso na siyang natulog pagkatapos niyang kumain ng dinner. Maaga siyang nagising kinabukasan at napag-isipang mag-jogging. Kumain lang siya ng mainit na carrot na pandesal na pinaresan niya ng cocoa drink na binili niya sa isang bakeshop. Doon na rin siya kumain.
Papasikat na ang araw nang magsimula na siyang ikutin ang lugar nila. Napadpad siya sa lugar kung saan matatagpuan ang isang tribe center at nasa baba ang malawak na patag na puro damuhan at mga puno pati sa gilid ng mga kabundukan. Malamig ang dampi ng hangin sa kanyang balat.
BINABASA MO ANG
Scarlet's Letters
Fiction généraleWhat if the book you've written for a certain person and your memory with him flashed before your eyes? It was a nightmare for Raspberry to discover that her manuscript which was only for a memento was published - revealing her feelings and long-for...