----x
Nagulat na lamang si Berry nang may isang itim na SUV na pumarada sa labas ng shelter. Doon napunta ang atensiyon ng ilang kababaihan at mga bata. Ang security guard ang unang lumapit sa kotse at pagbukas ng pinto niyon ay nagtaka siya dahil si Lirio iyon. Naniningkit ang mga mata sa sinag ng araw. He's in his business suit and he looks like he's in big trouble.
Lakad-takbo niyang nilapitan ang mga ito. Her eyebrows arched when he sighed, relieved when seeing her. From his formidable and serious face a while ago, he flashed his chinky-eyed smile.
"Berry! Thank God, I found you," he said when he saw her approaching. Napunta ang mga mata nito sa hawak niyang crochet ball at hook na siyang libangan ng mga babae na nasa shelter. Siya ang nagtuturo sa mga ito ng crochet.
"Why are you here, Lirio?" she asked. Paano nito natunton ang shelter? Nagtanong ba ito sa pinsan nitong si Fourth. But that uptight man is a busy man.
Naglikot ang mga mata nito. Parang nahihiya pang nagkamot sa leeg. Napansin iyon ng guard na napangiti na lang. Open ang shelter kahit kanino at istrikto lang sa mga suspicious na mga tao ang guard nila. "I have a favor to ask."
Biglang may kung anong ingay silang narinig sa loob ng kotse. It was a shout of glee and a grumbled voice. From two kids, boy and girl. Mukhang may ideya na siya kung anong pabor nito.
"I cannot leave them to people I don't trust. And there's an emergency in the office. I have to sort it out or else, Fourth will cut my neck." Napangiwi na lamang ito sa nasabi.
"You mean, I will babysit them?" Thalassa was a handful and Juan Ibarra was a quiet kid. And she could handle them. "You can trust me with kids, San Miguel. They won't be a problem. Payag ba silang iwan dito?"
He nodded vigorously. "Payag sila as long as it's with you. Even the Ibarra kid agreed. I guess, you earned his trust yesterday."
Hindi naman mahirap pakisamahan ang mga bata. They're innocent and playful. Patience at compassion lang talaga ang kailangan. Children could also sense the genuine nature of a person. "I'm glad."
Unang bumaba ang batang babae na si Thalassa na ngayo'y nakalugay na ang wavy na buhok. Maging ang bangs nito'y medyo kulot. Sumunod si Juan Ibarra na may bitbit na bag. Curious ang mga matang tumingin ito sa loob ng shelter, nakita ang mga matang naglalaro. When Thalassa saw it, there's an excitement in her eyes.
"Dami nila, Kuya! I wanna join them! Wanna play!" Thalassa beamed. Hinigit pa nito ang braso ng pinsan nito nang tumalon-talon ito.
"Hi, Ate Berry," bati ni Ibarra sa kanya. May tipid na ngiti sa mga labi. She pat his head lightly.
"Hello, Ibarra," nakangiting bati niya rito. Nakita niyang may inilabas na dalawang bag si Lirio. Ang guard na mismo ang nagbitbit niyon.
"Mga gamit nila. Bimpo, mosquito repellent lotion, mga damit at iba pa," sabi nito at napatango na lamang siya. Bumaling ito sa mga bata at umuklo sa harap ng mga ito. "Pakabait kayo kay Ate Berry ninyo ha? You can play with the kids here. Even talk with the women politely. Susunduin ko kayo mamaya. Are we okay with that?"
Nag-thumbs lang si Thalassa sabay 'okay!' at tumango lamang si Ibarra. Marahang tinapik ni Lirio ang ulo ng dalawang bata at lumulan na ng SUV. Saka naman ito bumaling sa kanya.
"I won't be long. Kapag inabutan ako ng gabi. Treat them to dinner. Babawi na lang ako sa bahay." Dahil sa huling sinabi nito ay nagsinghapan ang mga babaeng kakapasok lamang sa shelter na pagsamantalang nakatira roon. Pinandilatan tuloy niya si Lirio na ngumisi lang sa reaksiyon ng mga ito.
* * *
"Coming from a wealthy family, they have good manners and are not picky," Elsie said, one of the women who stayed there away from their abusive husbands. She belonged to a middle-class family.
BINABASA MO ANG
Scarlet's Letters
Aktuelle LiteraturWhat if the book you've written for a certain person and your memory with him flashed before your eyes? It was a nightmare for Raspberry to discover that her manuscript which was only for a memento was published - revealing her feelings and long-for...