---x
Nakahinga nang maluwag si Raspberry nang maupo na siya sa jeep. Tumunog ang pager niya at natigil ang jeep sa isang jeepney stop. Binasa niya ang nakapaloob na mensahe roon.
Mauubusan ka na ng paborito mong lasagna. Niluto pa naman to ni Tita Isabel.
- Ian
Nang maalis ang mga mata niya sa pager ay napatda ni Raspberry na sumakay sa jeep na iyon si Lirio. Dahil hindi siya umusog ay naupo sa bakante si Lirio, katabi. Akala niya may kaunti pa ring espasyo sa pagitan nila ngunit may mga bagong pasahero na nagsipasok sa jeep. Mariing ipinikit niya ang mga mata niya nang magdikit silang dalawa ni Lirio. Base sa pagkakahikab nito, wala itong kaalam-alam na kaklase nito ang katabi nito. Oo, natutulog ito ngayon sa jeep at malamang pagod sa buong araw na klase nila. Napapagod rin pala ito na makulit at tila nakalaklak ng energy vitamins sa klase.
Bangag si Lirio kanina at kung saan-saan lumipad ang utak kaya sinaway ng adviser nila. Ang walanghiya, natulog lang sa klase at tinakip lang ng nakatayong libro ang nakayupyop nitong mukha. Wais rin. Lihim na lang na natawa si Berry nang mapansin ito.
Kung susumahin, hindi naman siya natataranta o hindi mapakali kagaya ni Daisy kay Noah kung nasa malapit lang si Lirio. Mild lang kasi ang paghanga niya kay Lirio at parang wala lang iyon sa kanya. Di nga siya apektado na nakikita niya sa campus ito na kasa-kasama ang girlfriend nito.
Umikot ang jeep sa Fuente Circle nang mapansin ni Raspberry na nakalaylay na ang ulo nito at nakapikit na ang mga mata, tanda na natutulog na ito. Nagpreno ang jeep kaya muntik na siyang tumilapon sa unahan ngunit napakapit siya sa sabitan. Ngunit nasubsob naman ito sa kanya kaya naitulak niya ito. Mukhang hindi naman nito iyon napansin dahil sumandal lang ito sa jeep dahilan na lumabas ang ulo nito sa bintana.
Napapatingin na ang mga pasahero rito at hindi alam ni Raspberry kung ano ang gagawin kay Lirio.
Ano ba ang pinaggagawa nito sa gabi at puyat na puyat ito? Bumaling ulit ang ulo nito sa harap at nagulat na lamang si Raspberry nang sumandal ang ulo nito sa kanyang balikat.
Ginawa na siya nitong unan. Aalisin na sana niya ang ulo nito sa balikat niya pero gumalaw lang ito at nagsumiksik pa na ikinagulat niya. Wala sa oras na sinamaan niya ng tingin ang dalawang schoolmates nila sa kabila na tuwang-tuwa pa yata sa sinapit niya. Tumikhim lang ang mga ito at iniwas ang tingin niya. Minsan talaga, mas tsismoso pa ang mga lalaki kaysa sa mga babae.
Kinalma lang ni Raspberry niya at napasimangot na lang nang maamoy niya ang mabangong shampoo sa buhok ni Lirio. Ipinaligo ba nito ang bote ng lemon? Uncomfortable na siya sa kinauupuan niya ngayong nakasandal ang ulo ni Lirio sa balikat niya. Oo, wala itong malay na ginawa na siyang unan sa puyat pero kahit na. Ni hindi nga sila nag-uusap sa klase at kung lumalapit ito, naka-on ang kanyang taray mode bagay na ikinataka nito. Lumalayo tuloy ito sa kanya. Wala naman itong ginagawang masama sa kanya pero iyon ang paraan niya para di mapalapit ang loob niya rito. Ayaw kasi niyang magulo ang tahimik niyang mundo.
Nang mapansin niyang malapit na siya bababaan niya ay nagpara siya. Tumayo na siya at yumuko bagay na parang nalaglag ang ulo ni Lirio sa pagkakasandal sa kanya. Wala nang pakialam si Raspberry kung magising ito basta makababa siya ng jeep na iyon.
* * *
"Sarap ng tulog mo kahapon ah. Dahil ba maganda yung sinandalan mo?" Iyon ang bungad sa kanya ng basketball player na si Edwin na kabilang sa Special Sports Curriculum.
Nangunot tuloy ang noo ni Lirio at naibaba ang pamphlets na tinititigan lang niya. Dahil simula ng Nutrition Month ay pakalat-kalat lamang ang mga estudyante upang maghanda sa program bukas na tutulugan lang niya. Alas siete kasi ng umaga at inaantok pa siya ng mga oras na 'yon.
BINABASA MO ANG
Scarlet's Letters
General FictionWhat if the book you've written for a certain person and your memory with him flashed before your eyes? It was a nightmare for Raspberry to discover that her manuscript which was only for a memento was published - revealing her feelings and long-for...