---x
Ikatlong araw na nila sa outreach program at so far, maayos naman ang takbo niyon. Napaka-cooperative ng mga nanay at tatay na tinuturuan nila ng livelihood skills. Separate ang mga ito depende sa skills, at napunta kay Berry ang pagtuturo ng handicraft kaya mga babae ang natututo sa kanya. Ang mga bata naman ay paminsan-minsan, binibisita niya sa pangangalaga ni Dominique. Makukulit ang mga ito at maiingay ngunit hindi naman matitigas ang mga ulo.
Payak ang pamumuhay sa Siocon sa Bogo. Na malapit lang sa dagat kung saan doon kumukuha ang mga ito ng pangkabuhayan. Malago ang mga puno't halaman roon at malayo ang mga bahay sa isa't isa. Malayo sa hitsura sa siyudad. Napakapayapa at iilan lang ang mga tao. Ang maganda sa provincial people, may pagkakaisa sa kanila. Bayanihan. Kaya nga, madali na sa kanilang makibagay sa mga ito. Ang gigiliw pa at kung minsan niyayaya silang kumain sa bahay ng mga ito.
"Kape?" Dominique offered to her and she obligedly accepted it. Umuusok pa iyon. Nakatanaw silang dalawa sa may balcony ng bahay ng kapatid ng barangay captain. Makikita nila roon ang payapang asul na karagatan. "Work and pleasure. Pinagsama. Hindi ko to nararamdaman noong may office job pa ako. May mga team building naman pero hassle para sa akin."
Naiintindihan niya ito dahil siya man, minsan ipinapalanangin na magkasakit siya sa araw ng team building. Kung saan, luluwas sila ng siyudad at gawin iyon sa kung anumang resort. Ayaw lang talaga niya sa socializing part, na mukhang ayaw rin ni Dominique at nagkasundo sila roon.
"Yeah, ang ganda rito. Kailanma'y hindi ako nagsisi na nag-quit ako sa corporate life. Ang hectic."
"At ang daming power tripper. Naku lang, masakit na nga ulo makatikim ng sermon sa mga magulang ko tungkol sa pagbo-boyfriend. Pati ba naman sa opisina? Wag na lang. Unlike dito, naging instrument pa tayo upang tulungan ang mga musmos. Di man kalakihan ang suweldo, priceless naman ang emotions na involve. Di ba?" And Berry silently agreed to it. They were both sitting now on the chair, admiring the scenery below.
"Yeah, ang cooperative ng mga tao rito. Hindi ako nahirapan masyado sa pagtuturo since tinuturuan ng iba yung mga kasamahan nila." Sumimsim siya ng mainit na kape.
"Ang kyu-cute ng mga bata. Hindi ako magsasawa sa kanila."
"Mismo." Nag-usap pa sila tungkol sa trabaho nila at bumalik na sa may sala upang maghanda sa pagtuturo nila ngayong araw.
Pagdating nila sa venue, malapit lamang sa barangay hall ay nandoon na ang mga ito. Tinuruan niya ang mga ito tungkol sa crocheting at mabuti na lang may sponsor silang nag-provide ng materials.
"You can make a living for this. Bibigyan ko kayo ng mga patterns. Para makagawa kayo ng bags, clothes, and even bikinis at ibenta ninyo. For now, we are coordinating with the city's move on the livelihood kung saan doon niyo ibebenta ang mga gawa ninyo. Pandagdag sa pangkabuhayan ninyo. Maganda 'to for moms out there, na habang abala kayo sa pagbabantay ng mga bata. Pag may free time, puwede n'yong gawing libangan ito. Madali lang naman. May mga tanong kayo?"
Isa-isang nagtaas ang mga ito ng kamay. May nagtanong kung saan sila makakabili ng materials at kung sino ang makakabili ng mga gawa nila. May kaalaman naman siya tungkol doon, as a Business graduate kaya nakakasagot siya sa mga tanong nito. Buti na lamang, cooperative ang mayor ng mga ito sa kanila. Na gustong makatulong sa mga ito.
Papalubog na ang araw nang makatanggap siya ng tawag mula kay Daisy, nakatitig lamang siya sa kahel at pulang kalangitan, sa harap ng karagatan.
"Berry, free ka ba sa Sunday? May mini getaway tayo with the gang. Sumama ka na. Since tayo-tayo lang naman," yaya nito sa kanya. Naglakad-lakad muna siya sa buhanginan.
"Patapos na rin naman kami rito sa outreach program namin. Sa Sat matatapos. So free ako sa Sunday. Sino ba mga kasama natin?"
"Sina Noah, Shawn at Lirio. Pati din si Clyde, Henry, Marc at Klint. Isama mo na rin si Jin at Kei saka si Garnet. Sa may bayan tayo ni Shawn." Expected na niya na nandoon si Lirio at tanong ay sasama ba ito? Ayon kay Fourth, mukhang busy ito sa opisina nito. "Sa border lang, malapit sa dagat. Small gathering lang."
BINABASA MO ANG
Scarlet's Letters
Aktuelle LiteraturWhat if the book you've written for a certain person and your memory with him flashed before your eyes? It was a nightmare for Raspberry to discover that her manuscript which was only for a memento was published - revealing her feelings and long-for...