SL: Twenty Three

7 0 0
                                    

---x

Bags. Clothes. Earrings. Ilan lang iyan sa mga nagawang crochet products ng mga babaeng nanatili muna sa shelter. It's their source of income and she's the one who introduce their products to a pasalubong store. Kilala ang pasalubong store sa mga handicrafts at handmade products na patok sa mga taong interesado rito. The one who manages the pasalubong store is Juliet, also a writer in the company who's interested in her writing. Wala pa siyang pinal na desisyon tungkol roon pero interesado siya sa offer ng publication company.

Bitbit ang bag na may lamang crochet products ay tinulak niya ang glass door ng establishment na iyon na malapit lang sa JY at sa hearth ng isang intersection. Binati siya ni Juliet na in-adjust lang ang eyeglasses nito.

"Thank goodness! Dumating na! Kanina may naghahanap ng crochet bag. Bestseller ang design. Meron ba diyan?" Maingat niyang inilapag sa counter ang bag at hinila ang zipper. Bumungad sa kanila ang samu't saring design ng crochet items.

"Nice. May naghahanap rin dito. They like the scarlet and royal blue color," Juliet said, referring to the summer sleeveless. Siya mismo ang naggantsilyo niyon.

"Naubusan kami ng hook kaya kaunti lang muna ang earrings. Mostly, bags at clothes. May baby clothes rin. Tingnan mo."

Kapwa sila abala ni Juliet sa pagtingin ng mga handmade products. Advance payment ang ginawa ni Juliet na ngayo'y inaayos na ni Dominique para isuweldo sa mga nasa shelter.

"By the way, tutuloy ka ba?" Juliet was referring to the writing career her pub company offered to Berry. Kiming napangiti lang si Berry, hawak ang isang crocheted beret at baby blue girl clothes. Ginawa niya iyon para kay Ibarra at Thalassa.

"I am not sure yet. But maybe I have the decision after the holidays," sagot na lamang niya. Ilang linggo na lang ay Disyembre na at mukhang uuwi na naman siya sa Cagayan De Oro. At hindi na siya pipiliting kaladkarin ng pinsan niyang si Ian dahil kusa siyang uuwi.

"I am more on contemporary romance and family drama so I guess, I can't count on a collaboration."

"Who knows?"

Matapos magpaalam kay Juliet na abala na sa pag-asikaso ng mga customers nito ay nanatili muna siya sa gilid ng kalsada. She frowned when she noticed that the jeepneys were full of passengers. So she waited for a vacant jeep to come by. May mga bumaba naman ngunit may mga pasahero namang katulad niyang sumakay roon. Ayaw niyang makipagsiksikan kaya nanatili siyang naghihintay roon. Ayaw rin niyang mag-taxi dahil malapit lang naman ang village.

Nanghahaba ang leeg niya sa uphill nang may mapansin siyang lalaking papalapit sa kanya. He was wearing a track pants and skyblue cotton shirt. May bitbit itong plastic na may grocery items. Kinawayan siya nito.

"Fancy meeting you here, Berry," nakangiting bungad sa kanya ni Lirio. Yes, Lirio. Kagabi, hinayaan nitong matulog si Thalassa sa bahay niya at tinabihan naman niya si Thalassa kinagabihan. Sa bahay naman nito natulog si Juan Ibarra. These days, hindi na siya nagugulat na makita ito kung saan-saan. Pakiramdam niya'y lumiit ng lumiit ang mundo nilang dalawa.

"Hi." Yakap-yakap niya ang crochet items. Dumako ang mga mata roon ni Lirio ngunit hindi naman nagtanong para saan iyon.

"Hindi ka agad makakasakay rito. Rush hour na at kadalasan ng mga tao ay pauwi o papasok na ng trabaho nila." Alam ni Berry iyon ngunit ninais niyang maghintay muna roon dahil hindi naman talaga siya nagmamadaling umuwi. "Gusto mong maglakad na lang tayo?"

"Ha? Lakad?" He just chuckled at her reaction. Napunta ang mga mata niya sa uphill. They have to defy the gravity of the hill.

"Bakit? It's a cardio exercise, Berry," kombinsi nito at bahagya siyang tumango. Kesa naman magka-varicose veins siya sa kakahintay ng jeep roon.

Scarlet's LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon