---x
Mula nang dumating siya sa resort ay hindi siya masyadong lumalabas pagkat malaki ang tsansa na makasalubong niya ang mga batchmates niya. At numero uno doon si Klint at noong makita niya ang naghuhumiyaw nitong kulot na buhok ay hindi na siya pumasok sa pasalubong center sa labas ng resort na iyon.
Nang tumambay muna siya sandali sa may beach front ay hindi siya mapalagay nang makita niyang may isa sa batchmate nila ang nagbabasa ng kanyang libro habang nags-sunbathing.
Bumalik siya sa suite upang maghanda sa gaganaping event para sa reunion nila ngayong gabi. After fixing herself up, she went to the beach staring at the afternoon sea. Doon muna siya nagpalipas ng oras bago pumasok sa function room. Halos walang nakapansin sa kanyang pagpasok bagay na ikinahinga niya nang maluwag.
Nag-isang linya ang kanyang mga labi nang inanunsiyo na may magaganap na Love Hotseat kung saan pupunta sa stage ang naging magkasintahan at nagkatuluyan. Uncomfortable na siya nang maabutan niyang kumakanta si Daisy sa stage at nakitang may kasamang bata si Noah sa baba at ngayo'y nadagdagan pa. Lalo na noong patakbong lumabas si Daisy. Hindi siya makalapit dahil isa sa mga humarang kay Daisy ay si Klint. Hindi pa siya nakikita nito sa suot niyang beret.
Bukod-tanging si Berry ang nanlalamig sa nangyayari sa harap niya habang siyang-siya ang mga tao sa dalawa. The scenes were unfolding now that Daisy and Noah was reunited. They're expecting this but she couldn't just make herself comfortable of the idea that it was happening again. Hanggang ngayon, hindi pa rin nauubusan ang mga pakulo ng mga ito. Why did they have to push this again? Humigpit ang hawak niya sa champagne flute.
Ito na ang pagkakataon niya. Tumayo siya't nagtaas ng kamay. Naglingunan ang mga tao sa kanya na nagulat yata sa pagsulpot niya. Bago pa man pumayag si Noah inagaw na ni Raspberry ang mic kay Klint na mukhang susunod na magtanong kay Noah. Wala tuloy itong nagawa at naupo na lang.
Naniningkit ang mga matang nagsalita siya sa mikropono, "Speaking of sinaktan, umiyak si Daisy pagkatapos ng 'gapos booth' ng mga lintik na tinamaan na section 1. Bakit ka mukhang galit sa nangyari, Sagara? I know, it's a very long time ago but she's really hurt that time and if I remembered it right, it happened in February 28, the year 1997. Matagal bago siya tumigil sa pag-iyak. The class were taking advantage of her transparent feelings and trying to compensate it with that so-called booth that is beyond values? Pakiusap, softie 'yang kaibigan ko. Nagpakatatag lang 'yan sa harap ninyo pero nasasaktan na 'yan deep inside. Kung gusto mo na talaga siya noon pa, pinursue mo na siya. Lalaki ka, kaya alam mong may gusto ang babae sa 'yo, Noah. Sorry to burst your bubble, but please kilalanin mo siya nang mabuti. For years, she's fixing herself. Alam kong alam mo kung bakit. Huwag mong ipamukha sa 'king matagal kang naghintay dahil kilala ko 'yan, hinayaan ka niya. Hindi ka niya kinulong para sa sarili niya. She's so selfless sometimes that it irks me. Sorry Daisy pero gusto ko lang sabihin ang totoo. I am not that cynical but it's the truth."
Pumainlanlang ang isang patlang sa pagitan nila. Natigilan si Noah at hindi na nakaimik sa kinauupuan nito. Ibinigay ni Raspberry ang mikropono kay Klint at nagmartsa palabas ng function room.
Wala siyang pakialam kung tingin ng mga batchmates nila ay kontrabida siya sa dalawa. Gusto lang niyang ipahayag ang ipinupunto niya.
"Rasps?" Raspberry heard Daisy the moment she went out of the huge door of the function room.
* * *
Nalukot ang mukha ni Lirio sa nangyari. There goes that cold queen of the batch again, ruining the moment. Nagulat na lamang silang lahat nang habulin ni Daisy si Berry na lumabas matapos ang sinabi nito sa microphone. The tension died down when the next pair was on the hot seat yet Lirio's attention was on his bestfriend who's now sitting on a table, lost in his thoughts.
"Noah?" pukaw niya rito at bahagya lang siya nito tinapunan ng tingin. "You and Daisy are still okay, right? I know her, she just wants to assure Berry. Mahal ka niya. Mahal mo rin siya. The issue was buried in the past now. Jecille made it clear."
"I understand her," seryusong pahayag ni Noah. Dinampot nito ang isang basong may lamang tubig. He's just staring at the half-full, half-empty glass of water. "She knows what her friend was going through when we were in highschool."
Oo, naalala ni Lirio kung paano ay tila may distansya na sa pagitan nina Daisy at Noah nang dumating na sa buhay ng huli si Kara Jecille.
"Protective siya sa kaibigan niya. Ayaw niyang masaktan na naman si Daisy and I admire her bestfriend for that. I won't do it again. To hurt her," patuloy nito.
"Bothered ka dahil hindi buo ang tiwala ni Berry sa iyo," sambit ni Lirio. Tiyak na nakahilata na si Lirio sa sahig nang tinaliman siya nito ng tingin. Lirio just smirked and leaned on the chair, crossing his arms.
"That woman has guts," Lirio pointed out, the side of his eyes crinkled.
"That woman didn't like your guts before. Maybe until now because of this freaking loveseat," Noah rebutted and it left him speechless for seconds.
Kung noon ay magtatahi siya ng mga dahilan kahit walang kuwenta, ngayon natahimik siya dahil totoo naman ito. The least he could do now was to argue with the attorney.
Lumipas ang oras, bored na bored na si Lirio at kahit masaya siya na nakikitang magkasama na sina Noah at Daisy ay may kahungkagan siyang nadarama. Pansin niyang nakikiramdam lang ang mga batchmates niya at kahit hindi pa magtanong ang mga ito, may ideya ang mga ito kung bakit mag-isa lang siya ngayon.
Nagpahangin lang muna siya sa labas ng resort, saktong gabi na at kumukuti-kutitap ang mga bituin sa kalangitan. His eyes squinted when he saw Klint. Papunta ito sa kanya at nakangisi pa.
"I have to call my fianceé. Baka na-miss niya kaguwapuhan ko kaya ako na ang nagkusa," pagkukuwento pa nito.
"Wala akong pakialam," walang-gatol niyang sambit.
Natawa lamang ito at namulsa, nakatingin sa harap. "Aminin mo nang naiinggit ka sa dalawa," tukoy nito kay Noah at Daisy na ikinarolyo lang ng mga mata niya.
"Masaya ako para sa kanila. May kanya-kanya kaming panahon. Matagal nang lipas sa 'kin." Ang mga mata naman niya ang dumako sa karagatan. May kapayapaan siyang nadarama sa humahampas na alon doon. "You and others who are close to them knew what they're going through these years."
"Wala kang plano?"
"Plano saan?"
"Mag-girlfriend. It's been what? Eleven years?" Naipilig niya ang ulo sa sinabi nito. Eleven years. Ang tagal na pala, hindi na niya namalayan sapagkat subsob siya sa trabaho.
Kahit hindi constant ang komunikasyon niya kay Klint, ay kilala niya itong nangsasagap ng balita kung kani-kanino. Kaya nga, nagkasundo sila noon pang highschool. Na-bribe niya sa nintendo niya pero alam niyang higit pa sa game kung bakit nag-stick ang dalawang surot.
"My friends and family sets me up to some dates." Tinapunan niya ito ng tingin nang maalala ang palpak na blind date na ito ang may kasalanan. "Wala namang nagw-work out."
"Who knows? Dito sa reunion mo matatagpuan." makahulugang sabi nito. Kulang na lang magningning ang mga mata nito. Kilala niya ito pag naglilikot ang mga mata nito. Ibig sabihin, may tinatago ito.
"Okay, spill."
"Pag nag-sponsor ka sa second branch ng restaurant ko," straight-forward nitong sambit. Bahagya siyang natawa. Sinasabi na nga ba, lahat talaga may kapalit.
"What's the catch?" Sa pagtataka niya ay bigla na lamang itong humalakhak. Ano bang tinatago nito? Para silang nagbalik noong highschool na mga immature pa.
"Kailangan mo munang hugutin ang sarili mo sa pagtatrabaho." Klint raised his forefinger. "Clue. Like a Rose ng A1. Naalala mo 'yung kanta na nakatulala ka lang? Somewhere nasa gym lang tayo nun, graduation practice. I am wondering kung ano ang iniisip mo nun."
He stared at him in disbelief. "What the hell? Naalala mo pa?"
"Oo naman." Tinapik lang nito ang balikat niya. "Balik na ako sa loob."
May tinitingnan ito sa harap kung kaya't napunta ang mga mata niya doon. From far away, there's a lady in jeans and black blouse walking on sands, while hugging herself. Kanina pa ba ito roon sa dalampasigan?
"Baka kailangan mo ng fresh air." Kinindatan pa siya nito bago bumalik sa loob ng hotel na nakapamulsa.
BINABASA MO ANG
Scarlet's Letters
General FictionWhat if the book you've written for a certain person and your memory with him flashed before your eyes? It was a nightmare for Raspberry to discover that her manuscript which was only for a memento was published - revealing her feelings and long-for...