----x
Lumakad na sa stage si Berry, kalkulado ang kilos nito at nakangiti. Nakasuot ito ng baby pink gown na may sash na 'Miss Japan' na siyang bansang nire-represent nito. Katabi nito ang kanyang girlfriend na si Eden Sofia na ang sash ay 'Miss Vietnam'. Di-hamak na mas matangkad si Berry kaysa sa girlfriend niya. Kumakaway si Eden Sofia samantalang nanatiling nakatayo si Berry sa tabi nito, may kiming ngiti sa mga labi.
Naalala tuloy niya kung paano siya ang dahilan kung bakit nasa stage ngayon si Raspberry.
"Bakit hindi ikaw na lang ang mag-represent ng klase natin, Raspberry? Tutal bagay naman sa 'yong sumali. Ayaw na ni Sabrina dahil siya na ang representative natin noong third year," katwiran ni Lirio nang unti-unti nang nagturuan ang mga kaklase niya kung sino ang ilalahok nila sa Miss UN.
Halata sa mukha ni Raspberry na labag sa kalooban nito ang suhestiyon niya na ito ang lalaban sa Miss UN ng section nila. Pinagkrus niya ang mga kamay niya at mataman itong tiningnan.
"Hindi tayo lugi sa question and answer portion pa lang, di ba class?" Sumang-ayon naman ang mga kaklase nila. Nagsasalubong na ang mga kilay ni Raspberry. "Dahil kaya mo naman sagutin. Matalino ka. Pagdating naman sa kagandahan..."
Napapitlag si Raspberry nang sikuhin ito ni Klint na seatmate nito.
"Buweno, sino ditong gusto na si Raspberry ang sasali sa UN? Itaas ang kamay." Nagsitaasan naman ng kamay ang mga kaklase nila bagay na ikinangisi niya't bumaling kay Raspberry na hindi na maipinta ang mukha. Namulsa si Lirio at lumapit kay Raspberry.
Hindi rin niya maipaliwanag ang sarili niya kung bakit si Raspberry ang gusto niyang lumaban sa Miss UN. Kailangan lang nitong ilabas ang nakatagong qualities nito. Tahimik lang kasi ito sa klase. "Di mo naman kailangang ipanalo ang Miss UN. Gusto lang namin may mag-represent sa 'tin. Paano, ikaw ang gusto ng lahat. Ano? Payag ka na?"
Mukhang ito lang ang napilitang sumali sa mga contestant pero maayos naman nitong naitawid ang pageant hanggang sa nasali na ito sa Top 10 ay masaya na silang lahat kasama na doon ang kanyang girlfriend.
Napatunganga silang lahat nang masaksihan nila ang talent portion ng Miss UN dahil akala nila ay kakanta lang ito o sasayaw gaya ng ginawa ng iba. Sa gulat nila, umakyat ito sa stage na may bitbit na violin at tinugtog iyon. Para siyang nabato-balani nang pumainlanlang ang klasikong musika at ramdam niyang ganoon din ang mga kaklase niya.
Sabi na nga ba, may itinatago itong katangian na hahangaan nilang lahat.
Totoo nga ang kantiyaw ng mga kaklase niya sa kanya na malilito talaga siya kung saan siya kakampi. Sa girlfriend niya o sa representative ng section nila kaya nanatili na lang siyang tahimik. Sumapit ang question ang answer portion na siyang hinihintay ng iba.
"Miss Japan," tawag ng emcee na si Shawn. Sinenyasan nito si Raspberry na pumunta sa harap para sa question nito.
"In the Disney movies, which character that best describe you?" tanong ni Shawn sa mikropono hawak ang flash card niya. Ito ang nagsilbing host sa UN. Nagsimula nang magbulong-bulungan ang mga estudyante roon sa magiging sagot nito na inaasahan na ay sasagutin nito ang mga Disney Princesses. Ano pa ba? 'Yun din ang inaasahang sagot ni Lirio.
Hinarap ni Raspberry ang audience at tinanggap ang mikropono na inilahad ni Shawn. Inilibot muna nito ang tingin sa kanilang audience, tumikhim at nagsalita na sa mikropono.
"The villains in the Disney movies," walang-gatol na sagot nito sa mikropono na umani ng atensiyon sa kanila maging ang mga judges na mga guro. "Because they're flawed, have shortcomings and insecurities, and you are one too. Princesses are almost perfect, and I am not, not a damsel in distress waiting to be rescued by a prince but an independent lady who wants to achieve things in my own way. Thank you."
BINABASA MO ANG
Scarlet's Letters
General FictionWhat if the book you've written for a certain person and your memory with him flashed before your eyes? It was a nightmare for Raspberry to discover that her manuscript which was only for a memento was published - revealing her feelings and long-for...