I came to school at exact 7 in the evening. Sobrang daming tao na pati ata yung Gate magigiba na.
I can say Im okey now. Kailangan ko lang siguro siyang kausapin. To settle our past.
Maraming Booths, sa sobrang dami halos wala ka na ding madaanan dahil sobrang haba ng pila. Kailangan mo pang isiksik ang sarili mo bago ka makarating sa other side.
At dahil ito lang naman ang daan patungo sa Gym. Oh well, I hope I can survive.
Isiniksik ko ang katawan ko sa sangkatutak na taong nakapalibot sa mga Booth.
Kulang na nga lang magpalitan kami ng hiniga sa sobrang lapit e. At dahil hindi ko na kaya ang kawalan ng oxygen. Binilisan ko na lang ang paglalakad ko hanggang sa mabunggo ko na ang isang mamang may dalang kwek-kwek.
Natapunan ko tuloy yung damit niya. "Ay sorry mama, nako pasensya ka na." kinuha ko ang hanky ko at pinunasan ko ang damit niyang punong-puno ng sauce.
"Tama na, okey lang." hinawakan niya ang braso ko pinigilan akong magpunas.
"Okey lang Mama, sorry talaga. Ang clumsy ko kasi e."
Napahinto na ako nung sinabi niyang "Yes. I know."
Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang mukhang gustong-gusto ko ng titigan ang ngitian.
Tumayo siya at nagmamadaling umalis. Ngunit bago pa man mawala ang tyansang to e hinabol ko na lamang siya.
"L-Louise teka, magusap tayo." hindi pa rin siya tumitigil.
Sumunod-sunod nalang ako, naanoy na siguro siya kaya naman huminto siya at humarap saakin.
"Ano pa bang kailangan mo ? Sinabi sakin ng Daddy mo na wag na raw kitang lalapitan. Ayaw mo pa ba yon ?" Hindi maganda ang aura na ipinakita niya saakin.
"Gusto ko lang namang magusap tayo."
******
Umupo muna kami sa isang tabi, I offered him some rubbing alcohol pero tumanggi lang siya.
"Make it fast, magpeperform na kami." tumango na lamang ako.
Teka, san ko nga ba uumpisahan ? Ano nga ba ang dapat kong sabihin ?
"K-Kamusta ka na ?" tanong ko.
"Okey lang."
"Ang banda nyo, kamusta ?"
"Okey lang."
"Yung school marami na bang pinagbago?"
"Oo."
Walang kwentang paguusap naman to o. Nakakainis naman. Alam ba niyang pressure to sakin ? Psh.
"Okey, Louise pagkatapos kong sabihin to. Pwede ka ng umalis."
Napatingin lang siya saakin, prenepare ko naman ang sarili ko sa speech na gagawin ko. Pero medyo kinakabahan ako. Hindi ko ata kaya.
"O ano na ?" naiiritang tanong niya.
"Wait lang. Bumebwelo lang ako."
"Psh." Tumayo na siya at akmang aalis na ng ..
"Okey .. okey .. Sorry, kung umalis ako ng walang paalam. Sorry sa nagawa kong mali. Natatakot kasi akong saktan mo ako uli. I dont deserve your forgiveness dahil sa nagawa kong mali but I am hoping we could still bring back the relationship we have in the past." napatingin uli siya saakin.
"Its already said and done. Still, you're the least person I cant forgive. You know how much I treasure you." napangiti ako.
Niyakap niya ako at medyo ayaw ko pa dahil baka mamantsyahan din ang damit ko pero okey lang. Ang importante, nagkaayos na kami.
******
Gwyneth POV
Kanina pa tong si Ace na balisa. Halatadong naiinis at badtrip. Problema ng taong to ? Hayaan na nga lang.
Nagpreprepare lang kami para sa Event mamayang 9 pm. Dapat nga nagprapractice kami ni Ace pero ayoko muna siyang istorbohin at baka masapak pa niya ako.
Bigla nalang pumasok si Nythia sa Back Stage. Lumapit siya kay Ace.
"Ace, halika daliii. May marriage booth sila doon. Let's get married na. Come. I am supe---"
Namangha ako sa ginawa ni Ace, itinulak niya ng marahan si Nythia at ipinagtabuyan. Ayan tuloy nagwalk out ang contrabida. Hahaha
"Around of Applause to Aloise Ciel Erl. Hahaha" Bet na bet ko talaga yung gunawa niya kay Nythia.
"Oh dont you dare mess with me Gwyneth. Im not on the mood" He's now glaring at me.
Whoa "Okey, okey." High blood naman to. Hindi naman to ganito a ? I wonder bakit kaya siya ganito ?
******
Ace POV
Hindi ko alam kung bakit ako nanditi ngayon at nakikichismis sa pinaguuspan nila ni Xena at yung Vocalist ng Bandang pumunta dito sa School.
Bibili lang dapat ako ng bottled water ng makita kong hinahabol ni Xena yung lalaki. Tatawagin ko lang sana siya dahilan kailangan maayos ang deco. sa stage. Nagulo kasi siya noong morning event.
Hanggang sa eto nga. Nakikinig na ko sa private conversation nila.
"K-Kamusta ka na ?" si Xena.
"Okey lang." sagot nung lalaki.
"Ang banda nyo, kamusta ?"
"Okey lang."
"Yung school marami na bang pinagbago?"
"Oo."
Ano ba naman tong usapang to. Napakawalang sense. Pero naghintay pa rin ako.
"Okey, Louise pagkatapos kong sabihin to. Pwede ka ng umalis."
Ano kaya yung sasabihin niya ? Pinakinggan kong mabuti kung ano yung sasabihin niya pero .. wala. Anv tagal.
"O ano na ?" naiiritang tanong nung lalaki.
"Wait lang. Bumebwelo lang ako."
"Psh." Napatingin ako at akmang aalis na ang lalaki.
"Okey .. okey .. Sorry, kung umalis ako ng walang paalam. Sorry sa nagawa kong mali. Natatakot kasi akong saktan mo ako uli. I dont deserve your forgiveness dahil sa nagawa kong mali but I am hoping we could still bring back the relationship we have in the past." napatingin siya kay Xena.
"Its already said and done. Still, you're the least person I cant forgive. You know how much I treasure you." napangiti silang dalawa.
Walang Hiya. Hindi nasubukang mainlove ? E ano tong nakikita't napapakinggan ko ngayon ? Rebound ? Ako ? Nakakainis. Akala ko pa man din .. Nakakainis talaga !
Padabog akong umalis sa lugar kung saan sila nagusap. Naiinis ako. Hindi ko aakalaing ako ngayon ang naloko.