Bukas na ang Anniversary, okey na lahat kaso yung Stage nalang.
Actually naaasar ako, Stage decoration lang dapat ang hawak ko kaso sa sobrang sipag ni Nythia, lahat ng trabaho niya ay napunta saakin.
After an hour. Sa wakas natapos na rin ako. Hay makakauwi na rin ako. Sa wakas :)
Ngunit bago pa man ako makalabas ng School Gate. Tinawag ako ni Yale at magkakaroon daw kami ng Meeting.
Wala akong nagawa kundi sumunod. Nagtaka lang ako at may 4 na lalaking nakaleather jacket. E ang init kaya ?
Hindi ko masyadong nakita ang mukha kasi dinumog sila ng mga Babae na members ng Student Council at dahil na rin busy kong kinakausap si Yale.
"Yale , I can't come tomorrow ha ? May bonding time kasi kami nila Lolo't lola e" pamamaalam ko sakanya habang paupo na ko sa isa sa mga mono blocks na malapit sa table ni Yale.
Tumango siya "Okey, maraming salamat sa pagtulong samin, I hope na hindi ito ang huli" nagFake smile ako.
Syempre, ayoko na no ? Ni hindi na nga ako nakakapagsulat ng update -.-
"Anyways, before you leave magkakaroon muna tayo ng meeting with the Xynz." Xynz ? Weird name.
"Council, please sit down already." medyo tumino na ang mga babae at nagsiupo na sila.
"Okey Everyone lets all welcome the Hikuo-Satsuki Academy's Band representative -- Xynz. Nythe, Ondre, Ian and Louise .." nung pagkasabi ni Yale ang pangalan ni Louise .. tumayo lahat ng balahibo ko. "What brings you here gentlemen ?"
"Gusto lang naming tanungin kung paano ang set-up ng stage ? kasi baka mahirapan tayo pagdating sa pagaayos pag tutugtog na kami." si Nythe.
Walang pumapansin actually saakin pero alam kong nakatitig ngayon si Louise saakin, I know for sure he's staring at me.
"We wanna talk to your Stage Decorator to settle things for awhile." sabi naman ni Ian. Kilala ko sila .. silang lahat.
Napatingin ako kay Yale, gusto kong sabihin sa kanyang wag .. wag .. pero huli na ang lahat.
"Oh okey, she's actually here" sabay turo saakin "She's Xena Zarzuela".