Juu Ni

2 0 0
                                    

*Ding Dong*

Maya-maya pa ay may nagbukas na ng napakalaking Gate nila Lolo Peter.

"Bat ngayon ka lang Bunso ? Tsaka ---" sabi nung House Keeper/ Gardener/ Cook / Butler nina Lola Sheila.

Oo Pang modern ang Pangalan ng Grand Parents ko, Feeler kasi hihi.

"Kuya Mark, Later na tayo magChikahan kasi baka mapagalitan na ko ng sobra nila Lolo. Sige po" at madali akong tumakbo papunta sa Mansion.

Nagmadali na talaga ako at pagdating ko sa Dining Table. Naghahanda palang pala sila ng Pagkain.

Nagsayang ako ng Energy dun a ! Pero buti na rin yon. Hindi ako masasabon.

"Why are you so early my dear ?" Napalingon ako sa likuran ko, sa may Sobrang habang hagdan, nakita ko ang Lola kong naka semi-formal na damit

"Lola --"

"Grandma ! Ano ba yan Xena, ilang beses ko bang sasabihin sayo na Grandma ang itawag mo sakin!" Yea Whatever.

Nilapitan ko na siya at agad niyakap. Miss na miss ko na sila kahit na masusungit tong Grand Parents ko.

"San po si Lolo -- I mean Grandpa ?, Are you doing good in US ?" nakayakap parin ako sa kanila.

"Let's talk at the Balcony, you'll find your Grandpa there. And of course we have a surprise for you" sabay evil smile ni Lola.

Nanginig ako sa takot, ayoko talaga pag sila ang nagsusurprise sakin. Ayoko talaga.

Last time, ang Gift nila sakin Trip to Paris kasi daw magaaral akong mag ballet !!!!!

Mala-impyerno ang bakasyon ko noon, halos mabali ang buto ko.

Sumama lang naman kasi ako para may magawa akong Plot ng story by observing people there. Kaso, muntik na talaga akong mamatay doon.

Umakyat kami at pumunta ng Balcony, nakita ko si Lolo na nagiimagine. Habit niya yan. Malawak ang imagination di ko mareach.

"LOLO !!!!" niyakap ko ulit siya ng super higpit.

Nagehem naman si Lola, Kontrabida ! "I mean Grandpa pala, I miss you so much, how are you ? Kayong dalawa ni Grandma ?"

"We're doing Great, Ikaw ? kamusta ka ? Dalagang dalaga ka na ah ?" Lolo kissed me at my forehead.

Ngunit bago pa ako makapagsalita, tinawag na kami ni Lola dahil nakahanda na raw ang pagkain, nasa baba na rin sila Mom at Dad pati sila Kuya.

Hawak ko ang isang kamay ni Lolo at Lola habang pababa kami ng hagdan hanggang sa matanaw ko ang mukha ni Ace, kasama sila kuya.

Napabitaw ako sa kamay nila "AND WHAT DO YOU THINK YOUR DOING HERE ?"

Napatingin silang lahat saakin, habang ngumiti pa ng pagkatamis tamis si Ace saakin. Nakakaumay.

"Oh Im just explaining the injury you've got behind those bangs." ANO ? Sinabi niya, nakooo Grounded nanaman ako nito. Pahamak ka Ace.

"Is that you Aloise ? Wow you've grown, your a fine man now ?" sabi naman ni Lola sa kanya.

Lumapit naman ito sa kanya, kinuha ang isang kamay at hinalikan ito. Sipsip. "Good Evening Mrs. Zarzuela, youre looking young as ever" napahagikgik naman si Lola

Uto-uto talaga, pero teka nga bat kilala nila ang isat-isa ? Hmmmmmm ?????

Lumapit rin ito kay Lolo at nakipagkamay "Good Evening Sir." ngumiti naman sakanya si Lolo at niyakap pa siya.

Nagpunta na ako sa Dining table, Nagdadabog ? Hindi naman. NaoOP lang naman ako.

Nagsipunta na rin sila dito. Nagpray at nagkainan na kami. Akala ko paaalisin na nila si Ace yun pala katabi ko pang kumain.

"So magkaclassmates ba kayo ni Xena ?" tanong ni Mom sa kanya.

Sumagot naman si Kuya "Mom, magiging future son-in-law nyo na yan Haha" nagsitawanan din naman yung iba.

"Totoo ba yon hijo ? So ibig sabihin your in a relationship? Talagang dalaga na si Xena, wala na yung bunso natin" kumain lang ako ng kumain.

Kasi kung magrereact ako baka sabihin nila Guilty o Defensive kaya Lamon nalang ako ng lamon.

"No sir we are not in a relationship yet, but soon? I guess kung sasagutin na niya ako!" WHAT IS HE TALKING ABOUT ??

Nagsi-ASUS naman silang lahat. "Sagutin mo na kasi Xena, pakipot ka pa eh !" nakisali na rin si Dad.

I Hate This, I really Hate this Day. I WANNA DIE or maybe I WANNA KILL THEM.

"Haha Sir I was just Joking po, but I think there might be a tendency na mahulog ako sa kanya" then ngumiti nanaman siya sakin.

*DUG BUG DUG BUG*

Gusto ko ba tong nararamdaman ko ? I mean .. Crush ko na ba tong Malansang to ?

The Chary SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon