Another BORING day , walang masyadong bagong nangyayari. Parang gusto ko ng Ice Cream tuloy, Hindi pa rin kasi ako nadadala noong nagpumilit ako na bilhan ni Ace.
Anyway, Ilang araw na rin kaming di nagkikita dahil busy na sila sa Up coming Anniversary ng School.
Hindi naman kasi basta-bastang pipitchuging school ang pinasukan ko no !
Marami akong Vacant Subjects dahil may mga Seminars at kung ano-ano pa mang kaechosan ang ginagawa ng mga Teachers namin.
Andito ako sa may CC, nagmumuni at sinusubukang maging inspired.
Nilabas ko ang Laptop ko ang sinimulang magtype.
I dont see him that much now, I guess he's too busy preparing himself for the up coming Campus Journalism.
I cant explain why but .. I kinda feel something weird. Its like .. I wanted to see him .. or hear even his voice.
Suddenly my phone rang, I looked at it and in my surprise its Him.
"H-Hello .. K-Kamusta ka na ?" Nginig ang boses ko.
I dont know parang kinakabahan ako or what. Basta Masaya akong maririnig ko na rin ang boses niya.
And Im Glad tinawagan niya ako.
Inayos ko ang bagong glasses ko, medyo pahilom na rin ang mga sugat ko. Napatingin ako sa Relo ko.
Nilagay ko na ang Laptop ko sa Bag at madaling tumayo. Dahil Lunch Time na pwede ng umuwi. Yay !
As I walk towards the Gate nakita ko si Yale. Kumaway ako para makita niya ako.
Nilapitan naman niya ako "Haggard ka ? Gusto mong sumabay maglunch?" tanong ko sa kanya.
"Actually ikaw nga yung yayayain kong maglunch. Im having a Lunch Meeting kasama ang mga members sa SC. Wanna join us ?" napaisip ako.
Wag nalang ata baka kasi hindi sila makakain dahil saakin.
"No thanks, Wag na .. Nakakaabala lang ako .. Si--" hindi na niya ako pinatapos.
"No you should come. Tutal staff ka naman sa paggawa ng Decorations sa Stage." Hinawakan niya ako sa braso at dali-dali kaming tumakbo.
****
Nakatinggin lang sila saakin, ayaw nilang galawin ang nakahandang pagkain.
Kahit Gutom na gutom na ako may hiya parin ako, Hinihintay kong sila ang mauna.
Narinig ko nalang na may bumulong "Why is she here ? Paano na kaya tayo makakakain ?" iritadong sabi nung isang babaeng may Ribbon ang buhok.
"I dont even know. Pss She's so Creepy.. Her Eyes " Napahinto nalang sila ng dumating si Ace.
"Good Noon Everyone ! Hay Sa Wakas makakakain na rin tayo !" Parang may sparkles at flowers sa background niya.
Nahumaling nanaman yung mga babae, napailing ako.
Kung alam lang nila ang Baho at Lansa nitong Tilapiang to. Ewan ko lang.
Napatingin siya sa Direction ko at akmang nagulat. " So Xena's here, how could we possibly eat" Lahat sila nagtawanan.
BULLY !! Gusto niya atang Patayin ko siya ? Badtrip !
I Glared at him, Napahinto siya .. Buti naman ano ! Naaalibadbaran na ako sa boses niya.
"Easy, Joke lang naman yun ?!" Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako.
YUCK YUCK ! GERMS NHO ! Hindi ko sinabi sa kanya na dito sa harap nila kami magexperiment ng Love Love na yan.
Para na akong nagiging awkward dito. Naiirita na ako sa presensya niya. Ito ba ang Love ? Nakakairita ?
Siya na ang unang kumain, but the moat shocking Scene was .. Siya na mismo ang naglagay ng Kanin at Ulam sa Plato ko.
I guess he's just being considerate. Napansin niya siguro yung both Hands ko na may Bandage.
Pero iba ang tingin ng mga kasama namin sa Table. Lalo na si Nythia.
"Ako nalang Ace" I told him.
Kinuha ko na ang Gulay at ako na ang nag serve sa srili ko.
"What can you suggest about our up coming Anniversary. Hindi pa kasi ito settled and I think marami pa
ng kulang." He said with his mouth full of rice.
"I think we should have some booths. Mga Simpleng Booths lang to attract elementary students na magenroll sa ating school." The President Yale said.
Tumango naman ang iba. "We should also have our Horror House na mabenta sa mga Studyante ngayon . Andiyan naman si Xena?" Suggestion naman ni Nythia.
Everyone Laugh except Yale and Ace. "What are you trying to imply here, Thia ?" sabi ni Ace medyo lumukot ang mukha pero hindi mo naman mapapansing galit siya.
"I dont mean to offend her but .. Magiging mabenta ang Horror House kung mayroong White Lady. Na Suited sa Kanya." and with that Ace Agreed, kasama ang buong Council Members.
Akala ko Magdedecorate lang ako, bat dumami ang kailangan kong gampanan ? Sus Ginoo. Sakit sa Ulo naman ito.