Roku

5 0 0
                                    

*Xena's POV*

"Oh bat di ka makasagot ?" Hindi ko makita ang itchura niya, wala nga din akong makita.

Ang Dilim, kung may makikita man ako eh malabo naman. Nakoo dumudugo pa tong siko ko pati yung malapit sa pulso. Lalampa-lampa kasi ako.

Hindi pa rin sumasagot si Ace. Hala ! Baka nahimatay na ! Mas lalo akong Tumawa ng malakas.

"Hahaha sana makita ko ang mukha mo ngayon para naman mas mapagtripan pa kita" Sabi ko sa kanya.

Hay sayang hindi ko makita ang Facial Expression niya . Hohoho Siguro mamamatay na ko sa kakatawa.

"Let's Go" sabi niya sakin sabay hawak sa BUHOK KO !

"Arrraay ! Arrrayyy Ace, Grabee ka .. Arrray ?" kung makahila naman to. Parang gusto na niya akong ipadapa kakahila.

Pinakawalan na niya sa wakas ang buhok ko, SALAMAT NAMAN !!

Wala talaga akong makita, siguro iniwan na niya ako dito sa may daanan. Nararamdaman ko pa kasi ang pagpatak ng ulan mula sa Ulo ko.

Pero mali pala ang inisip ko, Imbis na ang buhok ko ang hawakan niya instead He grabbed my hand at sabay kaming tumakbo.

"Dalian mo nga, baka mamaya magkasakit ka pa" nagulat naman daw ako sa sinabi niya.

Dum Bum Dum Bum Dum Bum

Ginugutom nanaman ako Hay nako kailan kaya makukuntento tong tyan ko ? Tas ang weird niya o ganun lang talaga siya, Ganyan din naman pala sa Kuya sakin. Normal siguro lang yan.

"Saan ka nakatira ?" tanong niya sakin.

Kung sasabihin ko ang bahay na tinutuluyan ko eh baka magulat siya, isipin pa niyang Sobrang Yaman ko pano nalang yung plano ko ?

"Yung Kanto malapit sa School" sabi kp.nalang sa kanya. Sa Condo nalang nila kuya.

Hawak-kamay kaming naglakad. Wala talaga akong makita. Wala naman kasi kahit isang Post Light dito.

Bum Dum Bum Dum Bum Dum

Ayan nanaman! Sus Naduduwal na nga ako Ginugutom pa ako. Tss

"Nakatira ka sa isang Condo ?" tanong niya sakin.

Tumango nalang ako, Medyo hindi pa ako nagkaroon ng Grip doon sa Ice Cream. Napasobra ata ako.

Nasa Lobby na siguro kami, maliwanag na kasi yun nga lang malabo pa rin talaga ang nakikita ko.

"Iwanan mo na ako dito, kaya ko na" Sabi ko "Salamat sa paghatid" Bumitaw ako sa pagkakahawak niya at tumalikod na ko sa kanya.

Medyo naaawkward na kasi ako sa ginagawa niya.

Hahakbang na sana ako ng pigilan niya ako "Muntik ka ng Mabangga sa Pader !!! Sabi nang ihahatid na kita sa Condo Unit mo." Hinawakan niya ako sa Braso at siguro ay sumakay na kami sa Elevator dahil narinig kong *ting*.

"213 ! 6th Floor " ilang kong sabi sa kanya.

Ano ba naman kasi yan, Anong weird feeling ang nararamdaman ko. Parang Kinakabahan ako. Eh wala naman akong Itetake na Exam ?

The Chary SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon