Juu Go

1 0 0
                                    

"May important announcement po tayo." sabay kaming naghintuan sa ginagawa namin.

May binuksang envelope ang President namin at madaling binasa ito "Alright, it say's here Students from other school will come here to visit us during our Anniversary... ". Patuloy lang siyang nagbasa. Pasuspense -.-

"Okey, dagdag pa nila kailangan daw kasi nilang makita ang mga improvements within our school, kung yung donations daw nila ay nagagamit natin." napailing si President.

Maski ako, ano yan binabantayan talaga nila ? Donation ba talaga yan ? Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Letterings for the Stage, malapit ko ng matapos. Distribution of invitations ? Tapos na rin Wahaha ako na talaga.

"So pupunta dito si Honey ko ?" sabay Tili lahat ng mga babae. Except ako tapos si Gwyneth.

"Ibig sabihin rin ba Kakanta ang mga Xynz dito ?" Ows ? may Banda ?

Konting Glitters nalang matatapos na ! Magsasaya na ako ----

"Yes pupunta ang mga Hall of Famer ng Hikuo-Satsuki Academy dito". nabingi ata ako sa narinig ko.

Natulala rin ako, nabitawan ang glue at nagbounce ang mga glitters saakin.

Nung nagkaroon na ako ng Grip sa sarili ko, Napasalamat ako't walang nakapansin sakin.

Lumabas ako saglit kasi Feeling ko kailangan ko ng hangin. Medyo madilim na rin kasi, hindi na namin napansin ang oras sa sobrang dami ng ginagawa.

Sa makalawa na kasi yung event. At marami pang kulang, todo galaw na nga kaming lahat, exept kay Nythia na lagi nalang absent.

Wala ng mga studyante nagsiuwian na rin, kaya nagpunta ako sa stage, madilim na rin dito. Tsaka kung hahanapin nila ako at least may palusot ako.

Hindi ako makahinga ng maluwag, hindi ko alam kung yun ba talaga ang nararamdaman ko o sadyang takot lang ako.

Takot na bumalik ang nakaraan. Para guluhin ang buhay ko ngayon.

Unti-unti na pala akong umiiyak. I wasn't able to control my Emotions. Why should I be affected ?

The Chary SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon