Juu Ichi

2 0 0
                                    

Xena POV

"Maalikabok naman!" ano ba naman kasi yan ! Hinanap ko na sa lahat ng sulok yung Tela wala naman akong makita.

Malawak kasi itong Bodega na to. Sa pinakadulo naman, medyo wala ng sinag ng araw doon. Kaya hindi ko masyadong makita

Pero kung hindi naman ako bumalik doon na may dalang tela, baka lamunin na talaga ako ni Nythia.

Kaya kahit labag sa loob ko ay pumunta ako sa pinakadulo, at may nakita ako roong mga Coco lumbers na nakasandal lang sa pader at nakapahiga, mga Gagamba at sapot, at Cabinet.

Binuksan ko yung Cabinet at kinuha ang ilang tela na nandoon. May Blue at Yellow na tela.

Mahaba ang mga ito. Siguro gagamitin para sa Table ng guests. Kinuha ko na ang mga ito at akmang aalis na sana ng mapuwingan ako.

Useless naman ang salamin na to. Bahagya kong kinamot ang mata ko habang patuloy na naglalakad hanggang sa ..

*****

Ano yung puti na nakikita ko ? Bakit ang liwanag ?

Ano bang nangyari sakin ? Inalala ko ang mga nangyari sa akin nang biglang pumasok sa utak ko ang nangyari sa Bodega.

Natapilok ako at natabunan ako ng mga Cocolumbers. Oh well siguro nga Patay na ako. Baka panahon ko na.

Huminga ako ng malalim, "ARRRAYY!!" napalingon ako sa kung sinong pumingot sa tenga ko. Hindi ba niya nakikitang nagmomoment ako ?

"So what do you think your doing ?" maski ba naman dito Ace ??? Pero ibang Ace ang kaharap ko ngayon.

Magkamukha sila pero Blonde lang ang buhok nito at may pakpak. Di bagay.

Mas bagay kung sungay at malaking tinidor ang hawak niya. Hahaha.

"Look who's talking, ikaw nga diyan eh naninira ng moment." sagot ko sa kanya.

"Hindi mo pa oras okey. Mag ingat ka kasi ! Hindi mo pa nga nararanasang main love mamamatay ka na ?" hirit niya sabay ngiti.

"So sinasabi mo panaginip lang to ? Sino ka ba ??"

"Secret ! Basta ! Bumangon ka na nga ! Kasi may isang taong sobra ng nagaalala sayo." Nagpeace sign siya at pinitik ang noo ko.

Napamulat ako , maliwanag parin naman dahil sa Fluorescent Light. Napatingin ako sa kabilang gilid ko at nakita ko si Ace na bahagyang nakahiga at nakapikit ang mga mata.

Kung hindi siguro ako nag-ehem baka hindi na niya ako mapapansin.

"Oh sa wakas gising ka na akala ko kung ano ng nangyari sayo." Tumayo siya at nagpunta sa bed side ko. "Okey ka na ba?" tanong niya.

"Medyo ?! Medyo masakit lang yung noo ko !" kinapa ko naman ito at napansin kong may malaking bandage ito at .. at .. YUNG BANGS KO !!

Kinuha ko yung kumot at nagtalip ng mukha. Without my Bangs I feel naked. Huhuhu

"Wag ka ngang OA. Pinagilid lang yung bangs mo kasi may sugat ka kanina." Wow Ha ?! natatawa pa siya sa kalagayan ko.

Nakahair pin lang pala yung bangs ko hehe. Akala ko kasi tuluyan ng nawala.

Inalis ko ang Hair Pin at bahagyang ginulo ang bangs ko para naman kumalat ito.

Inalis ko na ang kumot "Anong oras na ba ?? Kailangan ko ng umuwi !" tumayo na ako.

"Teka ?! Hindi mo ba nakikita na -- NAKIKINIG KA BA SAKIN ?" kinuha ko na ang mga gamit ko at Hindi ko siya pinakikinggan.

May Dinner kami nila Lolo't Lola ngayon, Patay ako pag di ako pumunta. Badtrip naman kasi tong nangyari sakin.

Napatingin ako sa Cellphone ko .. 7:30 na .. Late na ako !! Hahabol nalang ako ..

*SHOOOSSHHHHHHH*

The Chary SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon