Pagkaalis ni Yale ay madali kong kinuha ang mga gamit ko at umuwi na.
Hindi sa Bahay namin, kundi sa Condo nila Kuya.
******
"Oh napa bisita ka ?" Frustrated na tanong ni Kuya.
Pumasok na ako at kita ang kalat sa sahig. Mga Pinggang hindi nahugasan at ang sobrang bahong sala na garbage dump na ata.
Kita sa mukha ni Kuy Xyle na mukhang di pa naliligo at puputok na ang eyebags sa sobrang laki.
"Urgh! Wala na kong masagot. I hate this kind of work." itinapon ni Kuya Xyle yung notebook niya.
Napansin niya na ako nung napunta sa paanan ko ang notebook niya.
"Oh Hi Bunso ? Anong ginagawa mo dito ?" tumayo siya at akmang yayakapin na ako kaso ..
"Eww kuya maligo ka muna." Mabilis akong umiwas sa kanya. Mangangamusta sana ako kaso sa busy ata kayo.."
"Alam namin din yan ang ipinunta mo. Kailan ka pa nagkaroon ng concern saaming mga kuya mo?"
"Grabe ka naman Kuya. Syempre concern ako sa inyo di lang halata."
"Sus. Wala kaming pera ngayon Bunso. Next time ka nalang manghiram."
Nainis naman daw ako. Hinampas-hampas ko tuloy.
"Array. Kita mo to di mabiro. Pero ano nga bang ipinunta mo dito ?"
"Next time ko nalang sasabihin, pag natapos natapos nyo na yang ginagawa nyo." Nagwave na ko kina Kuya at lumabas na ko sa unit nila at dumeretso na rin ako Elevator.
Ako nalang ang haharap ng problemang to. Akala ko pa naman matutulungan ako nila Kuya.
Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko kayang magpakatatag sa problemang ako naman ang gumawa.
Naglakad na ko papasok ng elevator. Pagkababa ay lumabas na ko ng building nila at nagpunta sa mini-grocery, yung pinagbilhan ko ng ice cream.
Pre-occupied ako masyado na hindi ko na napansin na may tao pala sa harapan ko.
Nauntog ako at napaupo. Ang sakit sa pwet ano ba yan!
"A-Ayus ka lang ba Mis- Xena!!!" napatungo ako at nakita si Ondre at tinulungan niya akong tumayo.
"Ondre ? what are you doing here?"
"Oh Im probably hunting elephants Xena." Sabi ko nga, pahiya ako ng konti.
"I missed you. I really thought nasa States ka na." ngumiti lang ako sa kanya.
"Do you want an ice cream ? Halika samahan mo kong kumain. Para makapagkwentuhan naman tayo." Hindi pa man ako nakapagdecide e hinila na niya ko palabas ng mini-grocery.
Tumawid kami at nagpunta sa malapit na ice cream parlor.
"Reserve a table for us. Ill go get our orders. You want vanilla right ?" I nodded, ano pa nga bang magagawa ko gusto ko rin naman ng ice cream.
Pagkabalik niya ay nawindang naman ako sa laki ng Ice Cream niya Banana Split na kalaki ata ng isang serving tray.
He handed my ice cream and he happily smiled. "So how are you ? Long hair ka na ngayon a." napangiti ulit ako.
At least hindi nagkaroon ng gap ang friendship namin. Masaya na ko dun even though I know the mare fact that I dont deserve this treatment.
"O-okey lang naman ako. Ikaw ? Ang Banda nyo?" sumubo ako ng ice cream.
"Heto awesome pa rin" Self-Proclaim patayin na to Joke. "Yung banda .. medyo uhm hindi na ganun sa dati. Malamig na ang pakikitungo ni Louise samin."
"Dahil ba to sa nangyari dati? Is it all because of me." napahinto rin siya sa pagkain.
"Nako, wag mo ng isipin yon! Change topic n----"
"Tell me Ondre. Its my fault anyway."
Nagdadalawang isip pa siya pero sa kakapilit ko, nagsalita na rin siya. Medyo masochist lang ang peg ko.
"Siguro-- Ewan ko. Kasi ilang buwan din kaming di nagjamming simula nung namatay yung kapatid niya."
Napayuko ako "Buti na nga lang at kinausap siya ni Nythe na tumugtog uli kami, Nung una ayaw niya pero napilit din namin siya."
"I really think kailangan nyo ng magusap. To fix the mess you've done. Kasi I think he already forgave you." Itinaas niya ang mukha ko at nagbigay ng comfort smile.
"Im still scared pero I'll try." Ngumiti na rin ako sa kanya.
"Teka, nasan ang mga kabandmate mo ? Di ba dapat nasa School pa kayo ?"
Pagkapaalala ko sa kanya ay tumayo siya agad "Tumakas lang pala ako. Ang tagal kasi nila e, Gutom at naiinitan na kasi ako."
Mafeeling kasi paleather leather jacket pa kasi kayo. Hays.
"Sige, Ill get going. Baka mapatay pa ko ni Louise. Bye See you tomorrow." Niyakap niya ako at umalis na.
I missed them. Alam kong dahil sakin kaya sila nagkakaganito. If ever possible I hoped naging matatag nalang sana ako. To face the consequences Ive made and not to run away.