Hiniga ko na sa kama, sinubukan ko ng matulog dahil hindi ako nagbibiro sa sinabi ko kanina na nahihilo ako.
Nakuha ko na ang tulog ko nang .. Tumalon si Daddy sa Likuran ko. ARRRRAYYYY ! Wala ako sa mood ngayon.
"Daddy !!!!! Ang Gulo niyo talaga" tinulak ko siya, nahulog siya sa kama. Nakadapa siya noon at ngayon ay kinuha ko ang isang binti niya, umupo ako sa likuran niya sabay Hila ng paa.
"AGGGGGRRHHHHH ! Tama na Xena, I give up, I give up !" Napupumiglas na si Daddy.
Hmp ! Binitawan ko na nga, kahit kailan talaga ang Lampa ni Daddy, ako pa hinamon.
"Grabe ka talaga Bunso, ang lakas mo kahit patpatin ka" tinulungan ko siyang tumayo dahil napuruhan ko ata siya. Hehe
"Sorry Dad, kasi naman nahihilo talaga ako eh. Dinaganan nyo pa ako, yan tuloy" sabay kaming nagtawanan ni Dad.
Daddy's Girl kasi ako samantalang sila Kuya Mommy's Boy. Mas lagi ngang kasama ni Mommy sila Kuya kaya minsan napagkakamalang mga Bading ang mga kuya ko.
"So how's this" sabay turo sa noo ko. Psh, pesteng Ace kasi yan. Nakoo.
"Hay nako Dad okey lang ako. Konting Sugat lang yan tsaka malayo yan sa bituka." sinuntok ko sa braso si Dad.
Halata naman eh, Worried siya. Hay nako eto na nga bang sinasabi ko.
"After sabihin ni Ace yung nangyari sayo, I was planning to transfer you in a private school, doon mas maiingatan ka." sumeryoso ang mukha nila.
"Daddy, napagusapan na po natin to. Di ba ? Tsaka mas gusto ko po sa public kasi doon ko nararamdamang normal ako. Na hindi ako iba sa kanila. Mas Totoo para po sakin."
"You know that I love you so much dear. Ayoko lang na may mangyaring masama sayo." Niyakap ako ng mahigpit ni Dad.
"Bukas ng umaga, papupuntahin ko ang Family Doctor natin dito, baka kasi nag-Crack yung buto mo, o baka nagkaroon ng infection yang sugat mo o -- "
"Exag na Daddy." Hinalikan ko siya sa cheeks.
"Dont worry about me, okey ? Masyado naman kayong praning Haha tsaka ano ka ba Daddy, parang di ako amazona " Nagmake face ako, for him to be secured with my promise.
Habang nagFafather and daughter talk kami bigla kong naisingit si Ace sa usapan.
"Daddy ? Sino ba talaga si Ace ?" I asked innocently.
"Gusto mo talagang malaman, why dont you ask him" I guess wala namang masama kung tanungin mo siya di ba ?
Nagisip akong mabuti "Okey, kakausapin ko nalang siya bukas. Kaya labas na Daddy, Ingat sa paguwi." sabay tulak ko kay Daddy palabas ng Room.
*****
"Maaga ka ata ngayon, Xena ?" bungad sakin ni Yale, habang nalalakad ako papuntang SC Room.
Sabay na kaming pumasok at naupo. "Oo gusto ko na kasing matapos ang mga Responsibilities ko". Aabutin ko na sana yung mga kartolina ng ..
"Its okey kung di mo na kami tulungan, Xena. Pasensya ka na napahamak ka pa." Hindi siya nakatingin sakin, nakatingin lang siya sa Laptop niya habang nagtatype na kung ano.
Natawa naman ako "Ay naku Yale, Okey lang ano tsaka buti na to at least may ginagawa ako." tuluyan ko na ngang inabot ang mga kartolina.
"Alam ko ang nangyari sayo nung nakaraan, dahil kay Nythia and Im really sorry alam mo --"
"Wag ka ngang praning. Teka nga, kinausap ka ba ni Daddy?" napakunot noo na ako habang tinatanong siya.
Ngunit hindi siya sumagot. Nanatili siyang tahimik ng napakatagal.
"Inencourage ka nanaman ba ni Daddy na sabihin sakin na lumipat nalang ako ng ibang School ?"
"Yes. I think its better for you to transfer to a better school." tinitigan niya ako.
"No, I wont and I dont like. Ayokong mabuhay sa Pekeng mundo na itratrato kang prinsessa ng mga tao sa paligid mo." Napailing ako at malakas na inilapag ang mga kinuha kong gamit.
"You're my friend, Yale dapat sinusoportahan mo ko sa kung anong gusto ko." Hindi ko na nakayanan, ewan ko ba napaka-sensitive ko.
Lumabas muna ako upang maglabas ng init ng ulo. Medyo sumasakit na rin kasi ang Ulo ko, nakakainis nga e kagabi pa to.