Thirteen: FLASHBACK Pt.2

940 41 7
                                    

||CHANYEOL at the multimedia|| Park ChanYeol

ENJOY READING.
A/N: Continuation po nung Last Chapter.

-------
Chanyeol's POV

"C-chanyeol h-hyung..." Hirap na bigkas ni Sehun sa pangalan ko. Niyakap niya ang sarili niya. Wala na siyang tshirt. Tanggal na rin ang belt niya at nakabukas na rin ang pantalon niya. "H-hyung.."

Lumapit ako sa kanya. Nakaupo pa rin siya sa semento. Lumuhod ako para magkapantay kami. Hinawakan ko ang mukha niya. "A-anong... P-paanong.." hindi ko alam ang sasabihin ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko din siya pabalik. Nanginginig siya, naaawa ako sa kanya. Tangina lang, sana pala hindi ko na pinatakas yung mga hayop na yun. Tangina nilang lahat.

Umiyak lang nang umiyak si Sehun. May nakita akong pahabang upuan sa may gilid. Binuhat ko si Sehun hanggang dun at inupo siya.

Kumalas ako sa yakapan namin. Hinubad ko ang jacket kong suot at pinasuot ko sa kanya. I zipped the jacket just to cover his naked body. I also fixed his pants.

Tinitigan ko siya sa mata. Nag iwas naman siya nang tingin bago magsalita. "D-don't.... D-don't look at me that w-way. I-i know h-how disgusting I-i am right now. Y-you don't have to pity me."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. I pity him? Maybe I am but disgusting? No. Never. "Tell me what happened." Sabi ko sa kanya. "Tell me how you ended up like this." Dugsong ko.

"I-I'm.. j-just.. I-it's already past eight w-when I leave at my g-groupmate's house. N-Naglakad na lang ako kasi malapit l-lang naman yung b-bahay nila sa may c-convenience store, g-gusto kong ibili kayo ng p-pasalubong kasi a-alam kong h-hinihintay niyo ako. H-hindi ako n-nakapagtext kasi lowbatt n-na ang c-cellphone ko. P-pagkabili ko, n-naisipan ko n-na lang l-lakadin m-mula convenience store hanggang sa bahay.. N-nang malapit na ako jan sa may kanto, b-bigla na lang..." tumigil siya sandali. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Shhhhhh. Tahan na, nandito na ko." Pagpapakalma ko sa kaniya.

"H-hyung... n-natatakot ako.." Mas lalong humigpit ang yakap niya.

"Shhhh. Tahan na. Huwag ka nang matakot, andito ako, okay? Tahan na. Magiging okay din ang lahat." Pag aalo ko sa kanya.

"S-sina hyung.. s-sina suho h-hyung.. p-pandidirian nila a-ako.. l-lalayuan na n-nila ako... a-ayoko.." sabi niya habang umiiling.

"Hindi ka nila pandidirian, okay? Alam mong hindi sila ganun. Maiintindihan ka nila, itong nangyari. Huwag kang magisip nang kung anu anong walang kwentang bagay. Kilala ko sila, kilala mo sila, alam mong kaya ka nilang intindihin. Hindi mo ginusto ang nangyari. Okay?" Medyo kumalma na siya. Tumango naman siya sa sinabi ko.

"S-salamat hyung." Nginitian ko lang siya.

"Tara na." Aya ko sa kanya.

End of flashback

Mula nang gabing yun, hindi na kami hinayaan ni Suho hyung na magpaabot ng sobrang gabi sa labas lalo na't mag isa lang. Hangga't maaari o kaya kapag talagang kinakailangang umalis sa dis oras ng gabi dapat may kasama na isa sa amin. At simula nun, hindi na namin hinahayaang malowbatt ang mga cellphone namin.

And this time, Sehun is the one again. He forgot his phone, he didn't remind us where he is. Kaya hindi ko masisisi sina Suho hyung kung bakit ang cold nila kay Sehun.

Natapos na akong maghugas, tinulungan ko kasi si Kai. Pagkalabas ko nang kusina nakita ko si Sehun sa dining table. Hindi ko siya pinansin kasi naiinis pa rin ako at the same time, nagseselos pa rin ako. Pero kasi, si Sehun yan.

Nilagpasan ko siya nang tawagin niya ako. "Hyung.." Tumigil ako sa paglalakad pero hindi ko siya nilingon. Nakita kong nakatingin na rin sa amin ang iba. Pati sila naghihintay ng sasabihin ni Sehun. "I'm sorry. Chanyeol hyung, hayaan mo naman akong mag'explain oh." Pakiusap niya.

Humarapa ako sa kanya. Tumingin ako sa mga mata niya para madama niya ang bawat sasabihin ko. Nakatingin lang din siya sa akin, namumula na ang mga mata niya ibig sabihin nagpipigil lang siyang umiyak.

"Hindi ko naman kailangan ng explanation mo.." Nakita ko sa mga mata niya na medyo nabigla siya, yung malungkot niyang mukha mas lalo pang lumungkot. Magsasalita pa sana siya nang unahan ko siya. "..kasi kahit anong mangyari, hindi naman kita matitiis." Sabi ko bago ngumiti. Lumapit ako sa kanya.

"Hyung naman ehhhh~" Umiyak na siya nang tuluyan. Itinayo ko siya at niyakap. Wala akong pakialam kung makita man kami nang iba.

"Nag alala ako ng sobra, alam mo ba yun?" Bulong ko sa kanya habang magkayakap kami.

"Sorry talaga.. Hindi ko na uulitin, promise." Aniya.

Bigla namang nagsalita si Chen, "Kung hindi mo kailangan ng explanation, Chanyeol. Pwes kami kailangan namin. Explain now, Mr. Oh."

Humiwalay sa pagkakayap sakin si Sehun. Bitin. Pinunasan niya ang mga luha niya bago magsalita.

"Nung hinatid ko si Daeun sa may kanto, bigla na lang may tumawag sa kaniya, yung Mama niya, nalaman din ng mama niya na kasama niya ako. Kaya pinapunta ako ng mama niya sa bahay nila, di na ako nakaangal kasi bigla na lang ako hinila ni Daeun... Mula nung makarating kami sa bahay nila, kinausap na ako ng kinausap mg mama niya, hanggang sa di ko na namalayan yung oras tapos dun na din nila ako pinakain.... Sorry mga hyung.." Paliwanag ni Sehun.

"Basta huwag nang uulitin ha? Nag alala talaga kami ng sobra e." Sabi ni Suho hyung at tumango naman si Sehun.

"Okay na tayong lahat. Group hug!!" Sigaw ni Chen. Nag group hug nga kami. Ganito naman kami palagi eh, pipilitin naming maayos ang problema bago matapos ang isang araw.

"Osige na. Magpahinga na tayong lahat. Chanyeol at Sehun, mag uusap pa tayo bukas. Hala! Sige, pasok na sa kanya kanyang kwarto." Paalala ni Suho hyung.

-

Kinabukasan, nagising ako dahil sa tunog nang cellphone ko.

*kringgg*kringgg--

"H-hello?" Antok kong sabi pagkasagot ko nga cellphone ko.

"Hello. Son, goodmorning. I'm sorry if I wake you up." Sabi ni mama sa kabilang linya.

"Hmm. Okay lang, Ma. Bakit po ba kayo napatawag?"

"Gusto kasi ni Mr. Lee na ma'meet ka, na ikaw yung magdala nung proposal."

Si Mr. Lee ay isa sa mga business partner nina mama sa resto.

"Okay po. Kelan daw po ba?"

"Today. At 10am sharp at the XXX Restaurant. Nasend ko na sa email mo yung proposal, iprint mo na lang." Tumingin ko sa wall clock. 8:48 am na pala.

"Osige po. Mag aayos na ako. Tetext ko na lang po kayo. Bye Ma. By the way, goodmorning po." Nagba'bye lang din si Mama at ako bumaba na ako sa kama ko. Wala na si Sehun sa kama niya, baka nasa labas na.

Binuksan ko muna laptop ko at kinabit ang printer. After ilang minutes, sinimulan ko ng iprint. Pumasok na ako sa banyo. Naligo, nagtoothbrush, nagbihis at nag ayos. 9:41 am na. Kinuha ko yung bagong folder sa drawer ko at dun ko nilagay yung proposal. Di ko na kailangan basahin yan. Bakit? Kasi gwapo ako. Anong konek? Hanapin mo. Hahaha!

Lumabas na ko. Kainis. Wala man lang akong goodmorning kiss mula sa Baby ko. Nakita ko sila sa sala. Sarap buhay talaga ang mga 'to.

"Oh, Yeol, bihis na bihis ka ah?" Bati ni Umin hyung sa porma ko.

"Ah, may lakad kasi ako ngayon, makikipag meet ako sa isa sa mga kabusiness partner ni Mama. Paalis na ako."

Bigla namang tumayo si Sehun. "Ganun ba hyung, Pasaan ka ba? Sabay na lang tayo." Nakabihis na rin siya. Aalis din pala siya?

"Dyan lang sa XXX Resto." Sagot ko.

"Tamang tama, dun din ang punta ko eh,..

...magkikita kami ni Daeun."

---To be Continued---

✔️|BOOK I| Oh Sehun's PAIN [EXO ChanHun] [BOYxBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon