Twenty Four: Sex Buddy

1.1K 41 6
                                    

Sehun's POV

Isang linggo na mula nung nangyari sa hospital at isang linggo na rin akong naandito sa bahay namin at isang linggo na rin akong hindi pumapasok at isang linggo na rin akong kinukulit nina Baek, Luhan at Kai. Bakit pati si Kai? Well, Kai is also my bestfriend lalo na nung panahon na umaalis si Luhan papuntang China, si Kai lagi ang kasama ko nun.

*Beep-beep Beep-beep

Napairap na lang ako sa kawalan. Isa kay na Luhan na naman yang nagtext. Tamad kong kinuha ang cellphone ko, kahit naman nakukulitan na ako sa kanila, binabasa ko pa rin ang mga text nila pero minsan lang ako nagrereply.

Chanyeol
1 message received

Halos mabitawan ko ang cellphone ko. Nagtext siya! Letse. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Namiss kong magpop out ang pangalan niya sa cellphone ko.

Nasaan ka? Saan ka nag-i-stay? I won't tell them. -Chanyeol

Halos tumalon ang puso ko. Bakit niya gustong malaman kung nasaan ako? Gusto na ba niyang maayos ang namamagitan sa amin? Hindi na kaya siya galit sa akin? Mahal na kaya niya ako? Pupun--

Naputol ang pag iisip ko ng biglang magring ang cellphone ko.

*Ringgg *Ringgg

Chanyeol calling...

Shit. Sasagutin ko ba? Letse. Kinakabahan ako. Pero wala din akong nagawa. Dahan dahan kong pinindot ang answer button.

"H-hello?" Tangina. Nauutal ako. Eh sa kinakabahan ako eh.

"Where are you?" Kalmado lang ang boses niya. Namimiss ko na siya.

"H-ha?"

"I said, where are you!!??" Sigaw ni Chanyeol hyung sa kabilang linya. Sa sobrang taranta ko eh bigla akong tumayo at umakyat pataas bago ko siya sagutin ng hindi ko namamalayan.

"Nasa bahay namin. Bakit ba!?" Pero bigla na lang naputol ang tawag.

*toot toot toot toot toot

Binabaan ako!? Gago talaga yung malibog na yun. Tss. Bahala siya dyan.

*knock *knock

"Sehun" pagtawag ni Donghae hyung sa labas ng kwarto ko.

"Bakit!?"

"Tara ng kumain ng dinner! Hindi daw makakauwi ngayon si Mama eh."

"Okay."

*

Katatapos ko lang magdinner at naandito na ulit ako sa kwarto ko. Ayoko kasing maiwan na kami lang ni Donghae hyung. Bakit? Huwag mo nang alamin kasi wala din akong balak sabihin. Tss.

Nakahiga ako ngayon dito sa kama ko malamang, alangan namang sa sahig di ba? Tanga lang. Tss.

Kamusta na kaya sila sa bagong bahay nila? Masaya kaya sila? Nakaramdam ako ng inggit at panghihinayang. Kung... Kung nagpakabait lang siguro ako, kasama ko pa rin siguro sila hanggang ngayon.

Naramdaman kong parang may tao sa may veranda ng kwarto ko. Shit. Sino yun? Magnanakaw? Langya. Aga pa para magnakaw ha. Halos magna'9pm pa lang. Hindi ako gumalaw. Pinapakiramdaman ko lang siya. Hindi kaya...multo 'to? TANGINA. Pumikit ako ng mariin ng bumukas ang sliding door ko. Letse. Sehun, magmulat ka ng mata at harapain mo yung magnanakaw! Huwag ka babakla bakla!

Naramdaman kong unti unti nang lumalapit sa kama ko yung magnanakaw. Langya. Binalot na ako ng takot ko kaya di ko na nagawang gumalaw. Paano kung rapist 'to? Mauulit na naman ba ang nangyari noon? Mas lalo akong natakot dahil sa naiisip ko.

Nakaramdam ako ng palad na tumakip sa bibig ko, lalo kong diniinan ang pagpikit ng mata ko. Natatakot na talaga ako. Kumapit ako ng mahigpit sa bed sheet ng kama ko.

"Sehun~" Bulong nung magnanakaw sakin. Teka.. parang pamilyar yung boses niya. "Huwag kang sisigaw. Ako lang 'to, si Chanyeol hyung mo."

Unti unti kong minulat ang mata ko at nakita ko siya. Sobrang lapit ng mukha niya. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Mukhang nataranta siya ng makitang umiiyak ako. Tinanggal niya ang kamay sa bibig ko.

"S-sorry. Di ko naman sinasadyang takutin ka eh." Sabi niya habang pinupunasan ang luha ko.

Niyakap ko siya at umiyak lang ako ng umiyak habang nakasubsob ang mukha ko sa balikat niya. Namiss ko siya. Yung amoy niya. Yung boses niya. Yung yakap niya. Lahat ng tungkol sa kanya namiss ko.

Ilang minuto rin kaming magkayakap. Dun ko lang naramdaman ang hiya. Ang tanga mo talaga kahit kailan Sehun.

"Bakit ka nga pala naandito?" Tanong ko sa kanya pagkatapos kong humiwalay sa yakap niya.

Siya naman ang sumubsob sa leeg ko at hinalik halikan ako dun bago bumulong. "Namimiss na kasi kita..." Namimiss niya ako? Bigla akong napangiti pero agad ding nawala dahil sa mga sumunod na sinabi niya,

"Remember, we have a deal, that you'll be my sex buddy at isang linggo na akong nagtitiis." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Oo nga pala, may utang na loob nga pala ako sa kanya.

Huwag ka nang umasa ng higit pa Oh Sehun. Katawan mo lang ang habol niya sayo. Tandaan mo yan.

---To be Continued---

Feedbacks, kailangan ko ng feedbacks. hahahaha. Comment and Vote kayo. Thankyou.

✔️|BOOK I| Oh Sehun's PAIN [EXO ChanHun] [BOYxBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon