Thirty Nine: KIM MINSEOK and OH SEHUN

820 51 10
                                    

A/N: Katulad ng pangako ko a while ago. Here's my update again. ENJOY READING.

Sehun's POV

"Can we talk?" Nag aalinlangang tanong ko sa kanya. "Please, Hyung..." Tiningnan niya ako sa mata bago niya binuksan ng malaki ang pinto ng kwarto niya. Pumasok ako, hinarap ko siya, "Hyung... Ano bang.. Ano bang problema?" Kalmado kong tanong sa kanya. Kahit may ideya na ako kung ano bang problema talaga, gusto ko lang na sa kanya manggaling at maipagtanggol ang sarili ko mismo sa kanya.

Hindi siya nagsalita, nakatingin lang siya sakin na parang hindi siya interesado. Naiinis na ako pero pinakalma ko ang sarili ko.

"Ikaw ang pinakamatanda satin at ako ang pinakabata, may mga bagay na hindi ko agad maintindihan na kaya mong intindihin ng walang pag aalinlangan. Sa mata ng madami, bata pa ko, na madami pang mga bagay na hindi ko maiintindihan at isa na 'tong sitwasyon na 'to. Hindi ko kita maintindihan. Kung galit ka pwede mo naman akong diretsahin, hindi yung binibigyan mo ko ng cold treatment mo. Iintindihin kita kahit mahirap kasi hyung kita pero ako si Oh Sehun, maikli lang ang pasensya ko, masama ang ugali ko, wala akong pakialam sa ibang tao pero ikaw hyung, hindi ka na kasi iba sakin, kapatid na yung turing ko sayo at sa iba, kaya nasasaktan ako kapag ganito tayo. Kung hindi ka pa handa na sabihin sa kin ang lahat, maghihintay ako pero sana nga may hinihintay ako. Ayokong habambuhay na ganito tayo..." Pinigilan ko ang sarili kong maiyak. Masakit kasi eh, kahit naman ganito ako may nararamdaman pa rin ako, nasasaktan pa rin ako.

Huminga ako ng malalim bago siya lampasan, ng malapit na ako sa pinto sinabi ko ang mga salitang hindi ko dapat sabihin pero alam kong kailangan. "I'm sorry, hyung..." Tapos nagpatuloy ako sa paglalakad, hawak ko na ang doorknob ng magsalita siya. "Hindi ko alam..."

Binaba ko ang kamay kong nakahawak sa doorknob, napansin ko rin na hindi pala nakasara 'tong pinto. Tiningnan ko siya. Nakatalikod siya sakin habang nakatungo.

"Hindi ko alam kung bakit ako nagseselos sayo.." Hindi ako nagsalita, naghintay lang ako ng mga susunod niyang sasabihin. Humarap siya sakin at nakita ko ang mata niya na namumula na, pinipigil niya ang pagiyak niya.

"Alam kong bestfriend ka niya pero hindi ko maiwasan.. Wala akong karapatan kasi hindi naman siya akin pero hindi ko maiwasan lalo na't may nararamdaman ako. Lagi ka niyang pinagtatanggol, laging ikaw yung bukang bibig niya, ikaw lagi. Masakit yun para sakin kasi ako naman yung laging naandyan para sa kanya, ako lagi yung kasama niya pero bakit para sa kanya ikaw pa rin? Ex na lang naman kayo di ba? Bakit ang lakas pa rin ng epekto mo sa kanya? Bakit hanggang ngayon.. ikaw pa rin?" At nakita ko ng tumulo ang luha niya. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Huminga ako ng malalim. Kailangan ko na ring ilabas lahat ng dala dala ko.

"Hindi ko alam kung manhid ka o talagang tanga lang siya. Ikaw.. Ikaw ang dahilan kung bakit kami nagbreak noon. Ikaw ang dahilan kung bakit ako iniwan noon ni Luhan. Ikaw kasi yung pinili niya. Mas pinili niyang maging magkaibigan kami, mas pinili niya na bestfriends na kami. Halos mabaliw ako noon pero pinakita ko na balewala lang yung siya, nambabae ako, kaya ang lumabas ako yung nanloko, na ako yung nang iwan, pero yung totoo, wala kayong alam, wala kayong alam sa lahat ng sakit na naramdaman ko noon, si Chanyeol hyung siya lang yung nakaintindi sakin, pinilit pa niya ako na sabihin sa inyo yung totoo, pero ayoko, ayokong magmukhang kawawa sa harap niyo...

Tiniis ko ang sakit kahit pakiramdam ko hindi ko na kaya, gustong gusto kitang kamuhian noon pero hindi ko magawa kasi hyung kita, hindi naman kita masisisi kung mas pinili ka niya. Ngayon, sabihin mo sakin hyung, sino bang... sino bang tama satin? Sino ba ang dapat mas nasasaktan satin?

Wala na akong nararamdaman para sa kanya pero bakit masakit pa rin? Bakit ang bigat bigat pa rin?

Sa totoo lang, hindi na dapat ako babalik dito eh, kaso yung puso ko sinasabing bumalik ako kasi may pamilya ako dito, na naandito yung mga hyung ko. Ngayon, hindi ko alam kung dapat ba akong magsisi at umuwi na lang ulit samin o panindigan ang desisyon ko. But somehow, I prefer the latter. I'll stay, hindi para saktan ka pa dahil sa kanya kundi dahil yun ang alam kong tama." Tumalikod na ako at binuksan ang pinto. Lumaki ang mga mata ko sa nakikita ko, silang lahat naandito sa tapat ng pinto ng kwarto ni Xiumin hyung, nakatungo lang sila. Rinig na rinig ko ang paghikbi ni Luhan hyung.

Ang sikreto kong tinago ko ng mahabang panahon, nalaman na nila. "S-Sehun.." Rinig kong pagtawag sakin ni Luhan hyung pero hindi ko siya tiningnan. Bumalik kasi lahat ng sakit, galit, lungkot.

"Not now, Luhan." I said coldly. Naglakad na ako papuntang kwarto ko. Pagkapasok ko humiga agad ako sa kama ko at sinubsob ang mukha ko sa unan. At dun na naglabasan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigil.

Bakit ganun, bakit masakit pa rin? Sabi nila gagaan yung nararamdaman mo kapag natanggap mo na ang sitwasyon at kapag nalabas mo na lahat, pero bakit ang bigat bigat pa rin?

Mahal ko pa ba siya? May nararamdaman pa ba ako sa kanya? Luhan bakit mo ginagawa sakin 'to?

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at ang pagsara nito. Narinig ko din na nilock nung pumasok yung pinto. Hindi pa rin ako gumagalaw. Nakadapa pa rin ako. Ayokong bumangon, paano kung siya yun? Hindi ko pa ata kaya.

Hinawakan niya ako sa braso at inangat niya ako. Napaupo ako at nakita ko siya. Bakit nawala siya sa isip ko? Niyakap niya ako at yumakap din ako ng mahigpit sa kanya at sa dibdib niya ako umiyak ng umiyak.

Hindi ko na mahal si Luhan. Yung taong naandito ngayon sa tabi ko, siya.. siya ang mahal ko. Sigurado ako.

"C-Chanyeol..."

---To be Continued---

Vote and comment kayo! TYSM ^^

PS. Nararamdaman ko na. HAHAHA! #10

✔️|BOOK I| Oh Sehun's PAIN [EXO ChanHun] [BOYxBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon