EPILOGUE

990 51 23
                                    

A/N: Eto na.. :( Nasa dulo na tayo ng kwento.. yung mga #hashtag kung mapapansin niyo ay nagsimula sa #10 up to #01-00, BILANG PO YUN NG NALALABING CHAPTERS BAGO ANG EPILOGUE. JUSME.

SORRY KUNG NAG EXPECT KAYO NA MAHABA PA 'TONG OSP. </3

Basahin niyo sana ang A/N na kasunod nito.

ENJOY READING.

Sehun's POV

5 years later...

"Hun! Dalian mo nga dyan! Baka malate tayo!" Rinig kong sigaw niya mula sa labas ng kwarto ko.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang mukha niyang sobrang laki ng ngiti.

"Ang bagal bagal mo naman Hun eh. Paano kapag malate tayo?" Sabi niya habang nababa kami ng hagdanan.

"Wala akong KERR. Hahahaha" mapang asar kong sabi.

"Tangina mo, BABA ha!" Sigaw niya kaya lalo akong natawa. Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya

"Hindi ka na nasanay, Miranda. Joke lang naman yun eh. Atska itong BABA ko, ASSET ko 'to!"

"Hindi kaya yang baba mong mahaba, yung bulge mo kaya ang asset mo." Bulong niya pero rinig ko naman. Napailing na lang ako sa sinabi niya at hindi na yun pinansin.

Lumabas na kami ng bahay at sinalubong na kami ng driver namin. Sumakay na kami sa back seat papuntang airport.

This is it, babalik na ako makalipas ang limang taon. Mula nung wedding nina Chanyeol, wala na akong balita sa kanila. Pinutol ko ang communication ko sa kanila. Sinabihan ko din si Mama na kapag nagtanong sina hyung ay sabihin niya lang na nasa ibang bansa na ako, yun lang.

"Hun.."

"Hmm?"

"Magpapakita ka ba sa mga friends mo? Sa kanya?" Tumango ako.

Naeexcite na kinakabahan ako. Alam kong nakamove on na ako saka may pamilya na siya, sigurado ako, malibog yun eh.

Nung unang dating ko dito, inilayo ko talaga ang sarili ko sa mga tao.. Pero itong si Miranda, wala eh, sobrang kulit, araw araw niya akong kinakausap, sinusundan, kinukulit kahit hindi ko siya pinapansin. Pero isang araw, hindi niya ko pinansin, ewan ko pero ako yung unang nag approach sa kanya. Yun pala, plano niya lang yun para pansinin ko na siya. Baliw talaga 'tong babaeng 'to. Simula nun naging close kami, bestfriends kumbaga. Lahat kinuwento ko sa kanya.

May boyfriend si Miranda, huwag nga kayong mag isip ng kung ano dyan. Tss.

"Gusto mo bang sumama? Ipapakilala kita kay na hyung.."

"Ihhh~ nahihiya ako.."

"Ihhh~ hindi bagay sayo." sabi ko at ginaya ko pa ang tono at boses niya. Hinampas naman niya ako sa braso at tumawa lang kami ng tumawa.

Nang makarating kami sa airport ay saktong late na kami. Literal na sakto, dahil pagkaapak pa lang namin sa loob ay yung flight na namin yung tinatawag. Dali dali kaming tumakbo, buti nakaabot kami.

Pagkaupo sa eroplano ay napaisip ako bigla. Eto na talaga, makakaharap ko na ulit silang lahat. Makakaharap ko na ulit siya. Sino kayang kamukha ng baby nila? Sigurado akong kasama ako sa listahan ng mga ninong. Napangiti ako sa di ko malamang dahilan. Babawi na lang ako sa inaanak ko.

*

Namiss ko ang simoy ng hangin dito. Ahhhh. Grabe. Sa loob ng limang taon wala pa ring pinabago ang bansang 'to.

✔️|BOOK I| Oh Sehun's PAIN [EXO ChanHun] [BOYxBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon