Sehun's POV
"Jongdae! Tangina mo ka! Saan mo nilagay ang sapatos ko?!" Sigaw ni Baek sa 2nd flr.
"Bakit sakin mo hahanapin?! Shoe mart ba ako?! Tangina mo ka din!" Sigaw pabalik ni Chen hyung na nasa living room.
"Tao! Yung eyeliner ko, nasaan na?!" Sigaw ulit ni Baek.
"Gague ka! Tingnan mo sa boxer ni Kris-gege! Letse!" Dali dali namang lumapit si Baek kay Kris hyung na katabi ko at tangkang titingnan nga sa loob ng boxer ni hyung.
"Get out!" Halos mabingi ako sa sigaw ni Kris hyung at si Baek naman ay lumapit kay Tao at pinagsasabunutan.
Napamental face palm na lang ako dahil sa katangahan ng mga kasama kong gago. Tss.
Nandito kami ni Kris hyung sa dining area at kumakain malamang. Late na kami pareho nagising kaya ngayon palang kami nakain ng breakfast.
"Hoy! Sehun-ah! Kris-hyung! Baka gusto niyong magmadali dyan. Malelate tayo sa wedding ceremony kapag nagbagal pa kayo lalo!" Sigaw ni Suho hyung. BAKIT BA LAHAT SILA NAKASIGAW?! Psh.
Ngayon na ang wedding nina Chanyeol at Gayoung. At mamaya, tuluyan na siyang mawawala sakin. Ayokong pumunta pero may kung ano sa loob ko na nagsasabing pumunta ako. Ang hirap kapag broken hearted.
Tumayo na si Kris hyung, "Bilisan mo na dyan. Tama na yang pag iisip mo ng kung ano ano." Nakatitig lang ako sa kanya.
"What?!" Medyo naiirita niyang sabi.
"Ang haba ng sinabi mo tapos nagtagalog ka pa. Keep up the good work hyung." Sabi ko ng medyo natatawa. He just patted my head and leave.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako at pumasok sa banyo para maligo. After an hour ay natapos na ako, nakabihis na rin ako, just a black tuxedo . Nakapag ayos na rin ako ng buhok.
"Sehun! Ilang oras pa?! Malelate na tayo." Sigaw ni Kai sa baba.
I looked at the clock, it's 9:58am and 10:30am ang wedding ceremony.
I glanced at the mirror for one last look at my reflection ng kontento na ako ay bumaba na ako.
Nagsilabasan na kami at dumiretso sa garahe. Dumiretso ako sa sasakyan ko, nagpresinta kasi ako kagabi na isa ako sa magdadrive. Saka in case of emergency.
Sina Baek, Luhan at Xiumin hyung ang kasama ko sa sasakyan at yung pitong natitira ay sa van.
Tahimik lang kami buong biyahe, mali kami lang pala ni Umin hyung ang tahimik kasi itong si Luhan at Baek ay nagkwentuhan na ng nagkwentuhan.
10:24am na kami nakarating sa simbahan. Sakto lang kasi nakapila na ang mga abay. Pumila na kami kasi kami na lang pala ang hinihintay.
Nakita ko Chanyeol hyung. Ang gwapo niya sa suot niya. Naka all white tuxedo siya, sobrang pormal ng itsura niya. Napadako ang tingin niya sakin, biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi pa rin nagbabago ang epekto niya sakin.
Nagiwas ako ng tingin kasi baka bigla na lang akong mageskandalo dito para hindi matuloy ang kasal. Bumuntong hininga ako at bigla na lang may tumunog na soft harmony. At nagsimula ng maglakad si hyung papuntang altar at sumunod na ang mga abay.. Nang ako na ay sobrang bigat ng mga hakbang ko. Parang gusto ko ng tumakbo palabas ng simbahan pero hindi ko sisirain ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ni hyung.
At ng makalakad na lahat ng abay ay biglang nagsara ang malaking pinto ng simbahan at ilang segundo rin lang ay bumukas ito at niluwa nito ang isang napakangandang babae. Si Gayoung. Ang ganda niya, bagay na bagay sa kanya ang white tube wedding gown niya.
BINABASA MO ANG
✔️|BOOK I| Oh Sehun's PAIN [EXO ChanHun] [BOYxBOY]
Fanfic∽♥찬훈♥∽ WARNING. BOYxBOY. BL. GAY. YAOI. BROMANCE. -CHANYEOL x SEHUN- [150425] "Are you.. are you really inlove with me?" I don't know what to say. Wala na akong kawala. "Kapag ba sinabi kong oo, iiwasan mo ko?" "No." "Pandidirihan mo ba ako?" "No." ...