||CHANYEOL and SEHUN at the multimedia|| ♡ChanHun♡ENJOY READING.
-------
Sehun's POVNandito kami ngayon sa living room namin. Nakaupo lang ako habang tinitingnan sina hyung na nagpapaalamanan sa isa't isa. Buti pa sila.
"Chanyeol-ah! Ano ba nasasakal na ko!!" Sigaw ni Baekhyun hyung kay Chanyeol hyung.
"Niyayakap ka lang e. Mamimiss kita e." Sabi ni Chanyeol hyung habang nakapout. Tss. Landi.
"Basta, Sehun-ah at Chanyeol-ssi. Lagi niyong ilalock ang pinto kapag umalis kayo, pati na rin sa gabi. Huwag na huwag kayong gagawa nang kalokohan ha. Lalo ka na Park Chanyeol. At ikaw Oh Sehun, kumain ka nang kanin huwag puro bubble tea. Maliwanag?" Bilin ni Suho hyung. Tumango lang kami ni Chanyeol hyung.
Nagbabye na silang lahat. Kaming dalawa lang ni Chanyeol hyung ang maiiwan dito sa dorm. Sembreak na kasi. Magsisiuwian sila sa mga bahay nila. Ako, wala naman sina Mama at Papa sa bahay, meron silang business trip sa Europe kaya mag'i'stay na lang ako dito sa dorm. Sinasama ako ni Suho hyung sa kanila kaso tumanggi ako. Bakit? Wala lang, pake mo ba. Joke.
Si Chanyeol hyung? Ewan ko kung bakit nagpaiwan yan, sabi niya wala daw dito parents niya kaya sa dorm na rin lang daw siya. At hindi ako sang-ayon dun. Jongina. Magkasama kami dito sa dorm nang kaming dalawa lang!! KAMING DALAWA LANG!! Paano ako kakalma kung kaming lang nang mahal ko dito?! Paano!? Sabihin mo!? Di mo rin alam di ba. Tss.
"Hoy. Maknae, anong gusto mong almusal?" Tanong ni Chanyeol hyung sakin.
Ikaw. Ikaw ang gusto ko.
"Kahit ano basta huwag bacon and egg." Sagot ko habang tumatayo at umakyat na papuntang kwarto ko. Bacon and egg. Bakit ba, e sa bitter ako e. Magagawa mo?
Si Baek hyung at Chanyeol hyung, compatible sila. Bacon and egg. Giant and smurf. Singer and rapper. Bagay na bagay. Napabuntong hininga na lang ako sa mga naiisip ko.
Nahiga ako sa kama ko at di ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising ako na parang may... humahalik sa pisngi at noo ko. Nagdilat ako nang mata at nakita ko ang nakangiting mukha ni Chanyeol hyung.
"Tagal mong magising. Napagod na ko nang kahahalik sayo. Hahahaha!" Sabi ni Chanyeol hyung habang nakaderp.
"Bangon na, Maknae. Nakaluto na ko, lalamig na yun. Bumababa ka na ha? Sumunod ka na." Tumango na lang ako at lumabas na nang kwarto ko si Chanyeol hyung.
Sana siya na lang lagi ang nanggigising sa kin sa umaga. Normal na sa aming magkakaibigan na manghalik kapag nanggigising. Si Luhan hyung ang laging gumagawa nun sakin kasi siya ang karoommate ko.
Bumaba na ko kasi baka magalit pa si hyung kung magtatagal pa ko. Nang makarating ako sa Dinning table nakita ko si hyung na nakaupo na.
"Tara na kumain." Sabi niya, nagsimula na siyang sumandok nang pagkain niya. Hotdog, tocino, itlog at sinangag. Saka hot choco. Nagsimula na rin akong kumain.
After few minutes, natapos na kaming kumain ni hyung tahimik lang kami nang magsalita siya.
"Oo nga pala Sehun, pupunta akong mall mamaya. Gusto mo bang sumama? Amboring dito sa dorm e. Sama ka?" Biglang sabi ni Chanueol hyung. Oo nga amboring dito. Sasama ba ko? Tiningnan ko siya bago sumagot.
"Osige."
---
||MALL||
Naandito na kami ni hyung sa parking lot ng mall. Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang oras. 1:42pm na.
BINABASA MO ANG
✔️|BOOK I| Oh Sehun's PAIN [EXO ChanHun] [BOYxBOY]
Fanfiction∽♥찬훈♥∽ WARNING. BOYxBOY. BL. GAY. YAOI. BROMANCE. -CHANYEOL x SEHUN- [150425] "Are you.. are you really inlove with me?" I don't know what to say. Wala na akong kawala. "Kapag ba sinabi kong oo, iiwasan mo ko?" "No." "Pandidirihan mo ba ako?" "No." ...