Chapter 14

3.1K 78 1
                                    

Jema's

I know your eyes in the morning sun
I feel you touch me in the pouring rain
And the moment you wander far from me
I wanna feel you in my arms again. 🎶

And you come to me on a summer breeze,
keep me warm in your love then you softly leave
And it's me you need to show 🎶

"How deep is your love?
Is your love how deep is your love?
I really mean to learn
'Cause we're living in a world of fools, breaking us down when they all should let us be.
We belong to you and me
I believe in you 🎶"

Hindi ko mapigilang sumabay sa tugtog na nanggagaling sa radyo.

Nasa kotse kami ngayon at papunta na ng Mytho's.

Wala akong ibang magawa kung hindi kumanta na lamang dahil hindi naman ako iniimik ng katabi ko.

Naninibago ako kay Deanna. She's not in her usual state. Hindi siya nag-iingay or kinakausap man lang ako.

Naka-focus lang ang mga mata niya sa kalsada at parang hangin lang ako na nandirito kasama niya.

Hindi lang siya ngayon ganito, actually kanina pang umaga. She looks distracted na parang ang lalim ng iniisip. Napapansin ko din ang malalim niyang buntong hininga at mga patagong sulyap sakin na nahuhuli ko din naman.

Hindi niya ko pinapansin pero hindi din naman niya ako pinapabayaan. Inaasikaso niya pa din ako at sinusundan kung saan man ako magpunta kagaya na lamang ngayon.

Hindi ko tuloy sure kung dapat ba akong matuwa dahil sa hindi niya ko iniinis o dapat ba akong mainis dahil sa naninibago ako sa mga kilos niya.

"Deanna" mahinahon kong pagtawag sa kaniya pero hindi man lang ako nakarinig ng kahit na anong sagot mula sa kaniya.

"Deanna" tawag ko pa ulit. Nakakainis naman tong babaeng to! Kung kelan gusto ko siyang kausapin ng matino, siya naman etong hindi matino kausap!

"Deanna Alvizo!" sigaw ko sa kaniya na ikinagulat niya.

What the? Is she driving na wala man lang ang isip sa ginagawa?

Alam niya bang delikado yun?

"Ayokong makipag-away sayo pero ikaw naman ata ang may gusto ng gulo. Kanina pa kita tinatawag pero feeling mo ata mag-isa ka lang sa kotse na ito." saglit niya akong tinignan bago binalik ang tingin sa daan.

Napipikon na ko sa kaniya dahil hindi man lang niya ako sinagot.

"Hoy Deanna! Iniinis mo ba ako? Gusto mo na naman bang artehan kita kaya ginaganito mo ako?!" sigaw ko sa kaniya dahil I swear, kanina pa ko nagtitimpi sa kilos niya.

Naramdaman kong huminto ang sasakyan.

"Calm down Jema, okay? Hinintay ko lang mag-stop sign para makausap kita without putting your safety at risk."

Kahit papaano ay kumalma ako. Iba talaga ang epekto ng mga titig niya sakin, minsan gusto ko na lang itong dukutin chaar.

"I'm sorry, hindi ko talaga narinig na tinatawag mo ako." mahinahon niyang saad at parang nagungusap ang mga mata niyang nakatingin sakin.

"Kasi nga lumilipad yang isip mo."

"Ano bang sasabihin mo?"

Ano nga bang dapat kong sabihin sa kaniya?

Can't Unlove HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon