Chapter 40

4.1K 116 26
                                    

Jema's

"Can't you see? Nasasanay na ang utak mo sa presensiya niya that's why you're not retrieving all your memories back. Kapag lumayo siya hahanapin ng utak mo si Jema and definitely you'll retrieve everything."

"Kapag ba bumalik na ang alaala ko, babalik na siya sakin?"

"Yes. Babalik talaga siya sayo."

"I'm okay now, Dad. Can you tell her to come back?"

"What do you mean?"

"Naaalala ko na ang lahat, Dad. My memories are back."

"Huh?"

"Dad, nakakaalala na ko. Alam ko na lahat. Lahat lahat ng nangyari noon."

"Anak, you really remember everything?"

"Gusto mo pa rin makita si Jema?"

"Walang nagbago, Dad. I still love her."

---

I can't help but cry at the sheer joy my heart feels right now.

I'm watching the video that Bea sent me.

"Ate Jema, naka-ilang ulit mo ng pinanonood yan, umiiyak ka pa rin." I hugged Mafe.

"Si Deanna kasi eh, pinapaiyak ako."

"Nakailang ulit mo na rin yang sinabi." She laughed as she caresses my back.

Lahat na ng videos na meron ako kay Deanna naulit ko na. Wala naman akong ibang magawa dahil sa tagal ng biyahe ko pauwi sa Pilipinas.

I'm travelling from Paris, France back to the Philippines for 16 hours and 30 minutes. This is so boring actually but upon thinking that I'll be able to meet Deanna again, gives me so much hype.

Buti na lamang at may mga mata ako kay Deanna habang wala pa ako roon. Our friends update me all the time about Deanna's progress when it comes to her health.

The last time I heard about her she's not doing well. Hindi nakikipag-usap o nagbibigay man lang ng mga reactions.

Hindi ko maiwasang mapailing sa t'wing naaalala ko ang pag-iyak niya sa airport.
Halos gusto ko ng tumalon sa eroplano noon ng mag-sent sakin ng video si Mads. Hindi naman na ako makabalik pa dahil nasa loob na ako ng eroplano. Sobra sobra ang pag-aalala ko sa kaniya especially when she undergo a seizure.

Kung bakit ba naman kasi feeling niya agad iiwan ko siya samantalang 3 linggo lang naman ako sa Paris.

Gusto ko rin talagang batukan ang mga kaibigan ko dahil sa pagiging careless nila,alam naman nilang nandoon si Deanna, doon pa sila nagusap-usap.

I don't really have any plans to leave or go abroad, it's just happened that my Dad asked me for a favor to be a representative of Tito Dean for a meantime because he's too tired to go back and forth from abroad to the Philippines.

Isa pa, kailangan niyang mag-focus kay Deanna kaya pumayag na rin ako. May usapan naman kami ni Deanna eh and I'm not backing down from my words. Medyo nasira nga lang dahil sa feeling niya ngayon ay iniwan ko na siya.

Hindi naman ako nagsaya sa Paris. Sinalo ko ang mga trabaho ni Tito na hindi ko rin alam kung paano ko ginawa. It's all thanks to my Dad and Tito Kyle for helping me althroughout. Sa loob ng tatlong linggo ang dami kong natutunan. Never kong pinangarap mag-business but learning this kind of system is a great help.

"Sezzzzzzzzzzz, Mafeeeeeeee!" Gusto kong magtago sa sobrang kahihiyan dahil sa lakas ng boses ni Kyla.

Ang dami ng tao ang nakatingin sa kaniya dahil sa panay ang sigaw niya.

Can't Unlove HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon