Chapter 32

2.9K 102 33
                                    

"Kamusta naman ang prinsesa ko?" I greeted Dad a hug.

Nasa living room kami nina Mafe at Deanna habang nagbubuo ng lego. We've been doing this for quite a while now. Nage-enjoy din naman kami.

"Why are you here, Dad?"

"Parang ayaw mo na kong umuwi ah."

"Hindi kaya. Hindi lang ako sanay na nakikita kita sa bahay." pang-aasar ko sa kaniya.

"Porket may Deanna ka na, ayaw mo na sakin." I rolled my eyes. Mag-iinarte na naman siya. Hindi ko tuloy sure kung tatay ko ba talaga siya or sila ni Deanna ang mag-ama, pareho silang mahilig mag-inarte eh.

"Hi, Sir Jesse!" bati ni Deanna kay Dad.

"Hello po, Sir." say naman ni Mafe.

"Abala kayong tatlo ah. Natutuwa ako na hindi na kayo nag-aaway pa."

"Kawawa nga ako Sir eh. Kahit hindi ko kasalanan ako ang pinapagalitan ni Jema."

"Alangan namang si Mafe?" sabat ko.

"Si Mafe naman talaga ah." Natawa na lamang kami ni Mafe sa pagsusumbong niya. Kahit kelan talaga napakaarte niya.

"Hayaan mo, Deanna. Ako ng bahala sayo this time. Available ka pa ba? May ipapakilala sana ako sayo." I instantly arched my eyebrows at my Dad.

"Bakit ganyan ang titig mo sakin? Si Deanna naman ang inaalok ko."

"Wala pong problema, Sir Jesse. Sino po ba yan?"

"Deanna!" Nagtawanan silang dalawa dahil sa pagsigaw ko.

"Wag na lang po pala, Sir Jesse. Lab na lab po kasi ako ng prinsesa mo baka umiyak 'to kapag pinagpalit ko."

"Feeler!" binato ko siya ng lego na hawak ko.

"Tama na nga yan. Jessica, samahan mo muna ako sa taas. May sasabihin ako sayo." sumunod na lamang ako sa kaniya ng magsimula na siyang umakyat. Pumasok kami sa office niya dito sa bahay.

"Why Dad?"

He sat down in his swivel chair and had something taken out of the drawer of his table.

Mukhang importante ata ang drawer na yan dahil may fingerprint passcode pa niya.

I just watched him as he stared at what was in his drawer. He seemed to be thinking hard about whether to take out that thing in his drawer or not.

"Uyy, Dad. Okay ka lang ba? Tulala ka ata." He smiled a little before facing me again.

Hindi ko nakita kung anong kinuha niya but I know that he's holding it now inside his palm.

"12 years, Jema. I think it's time to give this thing to its rightful owner."

"Ang alin, Dad?" May inilapag siyang kung ano sa table.

"What's that?" ayokong lumapit. May kung ano sa puso ko ang kinakabahan.

"It's a necklace."

"Dad, madami naman na akong necklace na nakatago lang. Hindi ko na kailangan pa niyan."

"Take a deeper look, Jema." Ayoko. Unang tingin pa lang sa necklace na yan may kutob na ako.

"Ayoko, Dad. I'll just go down."

"Jema."

"Dad, please. Ayoko. Tama na."

"Hanggang kelan ka iiwas, Jema? Anak naman 12 years na ang nakalipas baka pwede namang kalimutan mo na ang nakaraan?" I'm calming myself. Ayokong masira ang araw ko.

Can't Unlove HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon