Chapter 35

451 17 6
                                    

KEN'S POV;

"Ano ba Stell! wag kang magulo!",sigaw ko kay Stell habang pilit niyang pinapakita sa'kin ang litrato sa phone niya habang ako naman ay naglalaro ng online games.

Nasa field kami ng campus. Nakaupo sa damuhan habang ginugulo ako ni Stell. Malapit nang matapos ang break time namin kaya kailangan ko na ding talunin ang kalaban ko.

"Teka lang kase may ipapakita ako!",saad niya pa at siniksik sa phone ko ang phone niya. "Hala! patay!",sigaw ko nang makita kong ubos na ang buhay ng character ko sa game. "Kasalanan mo 'to!",sigaw ko sa pagmumukha niya at hindi niya naman mapigilan ang tunawa at asarin ako.

"Mahina kalang talaga dre!",saad niya pa kaya't mas nainis ako sakanya. "Hoy teka! may ipapakita nga ko!",saad niya pa nang akmang tatayo na sana ako. Nahablot niya yung bag ko! badtrip!

"Ano ba?",saad ko pa at ngumingiti siya habang nakatitig sa phone niya.

"Ang ganda niya",saad niya pa habang nanatili ang mga paningin sa cellphone niya. Kumunot ang noo ko at inagaw ang cellphone niya para tignan kung ano ang tinitingnan niya at kung bakit ganyan siya kung maka ngiti.

"S-sino 'to?",tanong ko nang makita ang babae sa larawan. "Si Alexa. Si Ali. Naging magkaibigan kami nung nag bakasyon kami noon sa bohol. Siya yung kasama kong manguha ng mga litrato",paliwanag niya kaya tumango ako.

"So?",tanong ko pa. Type niya ata yung babae. "After 5 years. Uuwi kami roon. Makikita ko ulit siya",aniya kaya napatango tango lang ako. "Iba! tianmaan ka dre",pang aasar ko at napangiti naman siya. Aminado din

Since highschool magkasama na kami ni Ken. Siya yung kasangga ko sa bawat kalokohan at kapilyohan ko. Syempre siya din yung kasama ko kapag may problema.

Kaya sobrang hindi ko matanggap ang pagkamatay niya..

••••••

"Dre mamimiss kita!",saad ni Stell at nagkunwaring umiiyak. "Ang badoy mo dre! yak!",singhal ko pa at inagaw ang braso ko na hawak niya. Nasa ilalim kami ng puno ng mangga. Dito kami laging tumatambay.

"Di moko mamimis dre?", tanong niya pa at sabay kami tumawa. "Baliw!",saad ko pa ngunit bigla siyang ngumiti sa kawalan. "Makikita ko na siya dre! ang saya ko!",saad niya. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Si Alexa.

"Balak ko na ding umamin dre",saad niya kaya nakuha niya ang atensyon ko. "T-talaga?! goodluck dre!",saad ko pa at tinapik ang balikat niya. "Nararamdaman kong pareho kami ng nararamdaman dre",saad niya kaya ngumiti ako.

"Naks! magkakajowa kana sa wakas,di kana tatandang binata",pagbibiro ko "Gago!",aniya.

"Pero parang hindi rin dre",saad niya kaya kumunot ang noo ko "Bakit?",tanong ko. "May childhood friend siya sa bohol. Si Sejun. Ang laki ng galit nun sa'kin bago kami umuwi rito",saad niya. "Ha?bakit naman?sino yun uupakan natin!",saad ko pero hindi siya tumawa. Mukhang seryoso siya

A Home With You[Ken Suson FANFIC- COMPLETED]Where stories live. Discover now