Chapter 18

445 14 0
                                    

Ali's POV

"Ali,wake up! Mr Enriquez have something to announce"

Narito pa 'rin ako sa 'king higaan nang may mag voice mail sa'kin kaya ko yon pinakinggan. It was Kaye,at ka aga aga ay siya ang bumungad sa'kin.

Nag unat unat ako bago umupo sa kama. Nakasuot lang ako ng longsleeves na white para hindi masyadong mainit kapag matutulog. Pinunas punas ko pa ang aking mata at tinapik ang pisngi para tuluyang magising.

Huminga ako ng malalim sabay tingin sa kama ko. Inaakit niya talaga ako. Ang tamad ng araw na 'to. Ganito pala ang pakiramdam kapag mag isa.

Huminga ako ng malalim at tumayo. Tumungo ako sa kusina para uminom ng tubig nang biglang magring ang phone ko

Si Kaye

"Ano ba? umagang umaga boses mo ka agad bumubungad sa'kin",I said and I heard her chuckled and sighed

"Do you received the email from Mr.Enriquez?",tanong niya ka agad. It looks like she has something wanna say

"O-oo bakit?",Kunot noo kong sagot

"He has something to announce daw Maam diba?,pupunta ka?",she asked

"Syempre,t-teka nga! bakit ka ba ganyan? anon'g problema?asan ka ba?",sunod sunod kong tanong dahil naguguluhan na ko sakanya

"Andito na ko sa Vellarde Group Maam,magkita nalang tayo rito",she said then she ended up our conversation

Napapailing iling nalang ako habang binababa ang cellphone ko. This girl was so confusing

I ate my breakfast,then I took a bath. Masyado naman akong tinatamad ngayong mag isa nalang ako. Nakabihis na ko ngunit kasalukuyan pa 'rin akong nakahiga sa kama ko

Masyado pang maaga ngunit ka agad ko ding binuklat ang mga mata ko nang may mahagip ito. Sa bintana kaharap ng kama ko ay nakita akong anino or what,

Whatever! hindi ko nalang pinansin at bumangon na para ayusin ang sarili saka ako dumiretso sa kotse ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang huminga ng malalim.

Hininto ko ang sasakyan sa tapat ng building at taas noong pumasok roon

"How can I believe, she's a loser"

"My God,natalo siya?,nagbabago talaga ang ihip ng hangin"

"Buti nga sakanya,ayaw ko yan makawork dito no"

"True,mas mabuti pang—"

Pagkapasok ko palang ng building ay nagbubulungan na ang mga employee dito. Isa isa ko silang tintingnan ng matalim kaya tumitigil,wth,ako ba ang pinag uusapan nila?

What's happening?

Inirapan ko na lang ang mga taong makakasalubong ko at pinagtitinginan ako.

Loser

Lahat ng naririnig ko ay yan ang tumatatak sa'kin. Wtf! sinong loser?

Ako ba ang pinag uusapan nila?kase kung oo hinding hindi ko sila uurungan. Baka nga ay ingudngod ko pa sa sahig na tinatapakn ko ang pagmumukha nila. Pinag iinit nila ang ulo ko.

I was about to enter Mr. Enriquez's office but I stopped nang marinig ko ang sinabi niya

"Congratulations Ken,you will be the new employee of Vellarde Group",

Walang ano ano ay binuksan ko ang pinto. Naroon si Ken at mukhang pinapakilala niya ito sa mga boss na nasa harap nila.

"Wait,what!?",kunot noo kong tanong

Lumapit sa'kin si mr. Enriquez at mukhang nag excuse sa mga business man na nasa harap. Kakapalan ko na ang mukha ko. This can't be!!

"I'm sorry, but I think Ken has more potential than y-you",mas kumunot ang noo ko at sasabog na sa galit.

T-Than me!?

"B-bakit? M-Mr. ako dapat ang piliin mo! I need this job!",hindi ko na maiwasang magmukhang desperada dahil totoo naman e,desperada na ko sa trabahong 'to. Ayaw ko nang bigyan pa si Daddy ng disappointment at lalo na ngayong mag isa nalang ako sa buhay. Pano ko itataguyod ang sarili ko kung wala akong magandang trabaho?

There's a tears forming in the corner of my eyes,ngunit pinipigilan kong wag tumulo ito. Dapat ako yung pipiliin diba?Dapat ako yung mananalo!

Napailing iling nalang si Mr. Enriquez dahil sa nagawa ko. Nakita ko si Ken na nanatili kung nasaan siya kanina. Sinamaan ko siya ng tingin. Like I'm saying na hindi niya deserve kung ano mang achievement ang natanggap niya ngayon

"Ali!",

Narinig ko pang tawag nila sa'kin bago lumabas ng office. Like what I'm expecting pinagtitinginan ako ng mga tao ngayon.

I go somewhere until makita ko na nasa labas na ako ng Vellarde Group. Doon ko binuhos lahat ng galit ko.

"Ali",may tumawag sa pangalan ko ngunit pamilyar ang boses niya. I know it's him. Lakad takbo siya habang papalapit sa'kin

"A-are y-you okay?",he asked. Wtf he aksed!?

"Ano sa tingin mo!?",mataray kong sagot sakanya at napayuko naman siya.

"I'm s-sorry hindi ko naman alamna ako ang pipiliin. And I didn't know na magagalit ka",he said. Napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi niya

"Wala naman akong dapat ikagalit right?. Hindi ko lang inakala na ikaw ang makakatalo sa'kin. Hindi mo deserve to—",I replied and its changed his expression

"Yah you're right,walang kahit anon'g bagay ang deserve ko kung ikaw ang ka kompitensya ko.",I gave him a sharp look at lumapit siya ng kaunti sa'kin

"I won",pabulong niyang saad sa'kin. It looks like he wants me to trigger. Mas nainis pa ko dahil sobrang sarcastic niya magsalita. Nagsosorry pa siya pero sinasadya niya din naman

Bago niya ko talikuran ay wala akong nagawa kundi sipain ang bato na nasa harap ko dahil sa galit. At mas ginagalit niya pa talaga ako.

I go to the bathroom

I wipe my tears. I must say na I'm frustrated and pressured. And I realized something

Mula nang makilala ko si Ken maraming nagbago sa buhay ko. It was my second times I cried a lot and it was because of him. Hindi ko alam pero parang dumating siya para guluhin ang buhay ko. He's the cause for my downfalls. All my life ako ang laging panalo,hindi ako sanay na matalo ako. And the worst it was him!?

"Ali, Are you there?",may narinig akong boses mula sa labas. I guess it's Kaye. Hindi pa man ako nagsasalita ay binukas niya ang pinto at nadatnan akong nakaharap sa malaking salamin

"Ali are you okay?are you crying?",pag aalala niyang tanong sa'kin.

"Dapat ako yung napili diba?walang sino man ang dapat na makatalo sa'kin. Hindi maari to",saad ko pa,while Kaye's tapping my shoulder.

"It's okay,baka hindi rin naman siya magtagal rito",saad ni Kaye and I looked at her

"I promised. And I must sure na hindi nga siya magtatagal rito",

A Home With You[Ken Suson FANFIC- COMPLETED]Where stories live. Discover now