Chapter 25

429 14 0
                                    

"I want to sleep!"

I feel so exhausted dahil sa mga nangyayari. I just want to sleep and can't be awake if that's the only reason to escape those problems that I'm facing right now.

Humiga ako sa 'king kama,papikit na sana ako nang nay marinig akong ingay mula sa labas

"Hello po Miss Alexa Andres,tao po!", napabalikwas ako ng bangon nang narinig ko ang pangalan ko at sinundan niya ito ng katok sa gate. Tumungo ako sa pinto para silipin kung sino ang tumatawag sa'kin

Tanghaling tapat sino naman maghahanap sa'kin?

Pagsilip ko sa pinto nakita ko ang isang lalaki na may hawak na papel. It looks like c-contract?

Kumunot ang noo ko sabay hila sa pinto para tumungo sa gate. Binuksan ko ang gate at bumungad sa'kin ang dalawa o tatlong lalaki. Yung isa yung may hawak na papel

"Anong kailangan niyo?",tanong ko at liningon naman ako ng lahat.

"Hanep ka Ken,may nakatira pa pala rito binili mo na,ang sama mo no!",saad nung lalaking may hawak na papel at saka tumawa sila ng malakas.
Ken?

Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ang sinabi niya. Lumabas si Ken sa kotse niya na nakaparada sa tapat ng bahay ko. Tinanggal niya ang sunglasses niya. Naka suit siya at mayabang na nginisihan ako bago lumapit.

"Di ka ba aware na may 'bagong' nagmamay ari na ng bahay na to",mayabang niyang tugon at diniinan niya pa talaga ang salitang bago

Umayos ako ng tayo at kinunutan siya ng noo. Bakit ba napaka yabang niya!?

Nag iinit na ang dugo ko ngunit pinipigilan ko lang. Alam kong ako ang talo rito.

I was about to say something dahil nag uusok na ang tenga ko nang bigla niyang abutin ang papel na hawak nung kasama niya. Mayabang niya yung pinakita sa'kin.

"Sorry,pwede ka nang umalis sa bahay ko", sarkastiko niyang tugon at tlagang diniidiinan ang bawat salita niya. Honestly,naiiyak na ko ngunit hindi pwede,hindi pwedeng makita niyang umiiyak ako. Ayokong isipin nila na mahina ako.

"You'll regret this!",pagbabanta ko pa. Tinaliman ko ang mga titig ko sakanya ngunit walang epekto iyon. Ngumisi siya.

I was about to close the gate nang nay biglang huminto na truck sa tapat ng bahay. May mga dalang gamit at mga furnitures. Liningon yon ni Ken bago tuluyang lingunin ako sabay ngisi.

Gusto ko siyang tirisin ng sobrang liit hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Tinaliman ko siya ng tingin sabay padabog na sinara ang gate.

When I enter my room,unti unti nang tumulo ang luha ko. I'm weak. I'm looser. I can't believe na mangyayari to sa'kin. I rascally wiped my tears at pumunta sa cabinet ko para iimpake ang lahat ng gamit ko doon.

"Saan na ko pupunta?,galit sa'kin si Daddy,nasa ospital si Mommy?",kinakausap ko ang sarili ko habang unti unti pa 'ring tumutulo ang luha ko. Siguro nga tama sila. Na nakahanap na ko ng katapat ko.

Kinuha ko ang mga maleta saa ilalim ng kama ko at binuksan yun. Ilinagay ko doon ang lahat ng damit ko at sa ibang maleta naman ang mga importanteng gamit ko. Tumayo ako sa kama ko at pinagmasdan ang buong kwarto.

I will miss this. My own house.

I was about to cry ngunit napalitan ng galit ang emosyon ko. I hate him.

Pinunas kong muli ang mga luha ko ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ito humihinto. Sinara ko ang pinto ng kwarto at isa isang hinila ang mga maleta ko. For the last time after I leave this house  hindi ko na talaga napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
Ka agad ko yung pinunas ng makita ko si Ken sa sala. Tiningala niya ko mula sa kwarto ko. Nagbago bigla ang reaksyon niya nang makita akkng umiiyak ngunit bigla siyang nag iwas ng paningin.

Sumisinghot pa ko bago tuluyang makababa ng hagdan. Iniiwas ko ajg paningin ko sakanya para hindi niya makitang umiyak ako.

"Pwede ka nang umalis",mahinahon niyang tugon habang nakatingin sa ibng direksyon. Walang emosyon ang mukha niya. Di ko alam kung nakonsensya ba siya o ano.

"This will be the start of our battle", napalingon siya sa'kin ngunit mas pinanaig ko ang galit sa'king mukha. I want him to feel that I really really hate him.

Napasinghal siya at sinuot ang sunglasses na dala niya.

"Then so be it",ngumisi siya sa'kin bago umupo sa couch. Nanlilisik ang mga mata ko at padabog na lumabas ng bahay. Hinila ko ang tatlong malalaking maleta na dala ko. Nakita ko din yung tatlong lalaking kasama niya at tuluyang pumasok sa bahay.

For the last time,I stare at my house.

It was my house.

Nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko kaya't tumalikod na ko rito.

Huminga ako ng malalim ng malakas ako ng village. "Saan na ko pupunta nito?",saad ko habang humihinga ng malalim.

Dinial ko ang number ni Kaye at sumagot naman siya.

"Hello Kaye,m-may alam ka ba na pwede kong tuluyan? kahit isang gabi lang?",tanong ko at inantay ang sagot niya.

I bite my nail while waiting for her answer.

"Ha?bakit madam?",she asked. "Saka ko na ikukuwento sa'yo. Something bad happened",sagot ko at narinig ko na nagulat ang reaksyon niya

"Hala?s-sorry madam wala akong alam e. Alam mo naman na taga probinsya ako madam. Wala akong alam sa mga lugar rito. Hindi rin pwede sa bahay namin dahil nakikitira lang ako sa tita kong masungit",mahabang pagpapaliwanag niya. I forgot taga probinsya nga pa siya.

Huminga ako ng malalim "I-It's okay. Thankyou. I'll call you later",I eneded up our conversation because I feel so hopeless now.

I also texted my friends and other colleagues. I also asked my teachers noon ngunit wala akong napala. Walang niisa man sa kanila ang gustong magpatuloy sa'kin.

There's no one I can lean on.

I sat at the floor. Sa gilid ng highway sa labas ng village. Sumandal ako sa pader doon dahil pagod na pagod na ko.

Hanggang sa lumalim na ang araw. Nagdidilim na ang paligid ngunit narito pa 'rin ako. Wala na kong pakialam kung may mga nakakakita sa'kin ngayon dahil dumarami na ang tao at mga sasakyan. Wala na kong pakialam ang kailangan ko ngayon ay matutuluyan.

Tumayo ako na para bang napakabigat ng katawan ko. Di pa man ako nakakalakad ay napansin kong may biglang humablot ng bag na suot ko.

"Ibibigay mo yan sa'min o matitikman mo 'to?",

Nanlaki ang mga mata ko at kumabog ng napakalakas yung puso ko nang ilabas niya ang kutsilyo naka nakaipit sa shorts nya. May apat na lalaki ang nasa harap ko at pilit na inaagaw ang bag na suot ko.

"W-wala akong pera rito. Please lang w-wag",pakikisumamo ko ngunit pinagtawanan lang ako nung apat.

Pinilit nilang agawin yun ngunit hindi ako nagpatalo. I saw his hands slowly taking his knife off,parang nawala ang buo kong paghinga dahil papunta sa'kin ang kutsilyong hawak niya.

Napapikit ako,ito na ba ang katapusan ko?. Ilang segundo pa ngunit wala namang nangyari kaya unti unti kong minulat ang mga mata ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang tatlong lalaki na nakabulagta sa sahig. Napahawak pa ko sa dibdib ko dahil sa kaba.

"Y-You're safe now",

A Home With You[Ken Suson FANFIC- COMPLETED]Where stories live. Discover now