(Cute Vivienne is on the media)
*Kaz’s POV*
Agad akong nagresearch tungkol sa magiging pekeng asawa ko dahil baka bigla na lang akong tanungin at na wala akong kaalam-alam sa buhay niya. Nalaman kong galing pala sa mayamang angkan ng mga Sy na may-ari ng Sy Resorts and Spa. Pamilya niya pala ang mahigpit na kalaban sa negosyo ng pamilya ni Angelo. Nalaman ko rin na siya ang bunso sa tatlong babaeng magkakapatid. Sikat na cardiologist ang panganay nila habang magaling na architect naman ang pangalawa. Masyadong pribado ang mga buhay ng pamilya niya at hanggang sa pagiging dating band member ng Lost Music lang ang nalalaman ko tungkol sa kanya.
”Kaz, nakikinig ka ba?” tanong ni Roger na nagpabalik naman sa wisyo ko.
”Huh? Sorry, binabasa ko kasi ang background ni Vivienne,” paliwanag ko.
”Yan, isa pa yan sa dapat nating pag-usapan kaya umayos ka at makinig,” umupo siya sa harap ko, ”sinabi sa akin ni Louwinsky na matagal nang hindi umuwi si Vivienne sa mga magulang niya dahil hindi raw gusto ng mga ito ang pagpapatuloy niya sa showbiz,” huminto siya na parang tinatantya ang reaksyon ko, ”kaya naging malaking problema ang pag-amin mo sa publiko na fiance mo siya.”
”Kakausapin ko na lang ang mga magulang ni Vivienne. Ako na ang magpapaliwanag” konsensiya kong saad.
”Hindi na,” sumandal si Roger sa sofa, ”nakausap na ni Louwinsky ang ama ni Vivienne. Nalaman naming inatake sa puso ang ina ni Viv nang malamang ikakasal ang bunso nito. Pero huwag kang mag-alala, himbis kasi magalit ay natuwa ang mag-asawa na sa wakas ay nagkaroon ng karelasyon ang anak,” napakunot ang noo ko sa narinig ko.
”Eh kung ipaliwanag na lang natin sa mga magulang niya ang sitwasyon,” itinukod ko ang mga siko ko sa tuhod saka pinagsaklop ang mga kamay sa harap.
“Akala kasi ng magulang ni Viv na tomboy ang anak nila. Hindi kasi nila ito nakitaan ng interes sa mga lalaki at idagdag pa na ang mga hilig nito ay puro hilig ng lalaki,” paliwanag ni Roger.
”Ang problema natin ngayon,” huminga siya ng malalim, ”naghanda ang pamilyang Sy ng engrandeng pagdiriwang para sa engagement party ninyo.”
”What?” napatuwid ako ng upo, ”Pero wala naman tayong planong ipagpatuloy ang kasalan di ba? Ang balak lang natin ay ipakilala siyang fiance ko pero bago kunwari mangyari ang itinakdang kasalan ay maghihiwalay kami.”
”Yun nga rin ang sinabi ko kay Louwinsky pero maselan daw ang kalagayan ng ina ni Viv dahil ang totoo, kaya ito masaya na ikaw ang mapapangasawa ni Viv ay dahil isa daw itong masugid na tagahanga mo,” napabagsak ang likod ko sa sandalan ng sofa nang marinig ko ang sinabi ni Roger. Malaking problema nga pala itong pinasok ko.
”Hindi ko pwedeng pakasalan si Viv,” nasambit ko habang hinilot ang sentido, ”maliban sa hindi namin mahal ang isa’t isa, batang bata pa siya para ikulong ko sa kasalang hindi naman niya ginusto.”
”Don’t worry. Naka-isip na kami ng solusyon ni Louwinsky,” kalmadong pagkasaad niya.
”Gagawa tayo ng pekeng kasal–”
”Ano?!” hindi ko na siya pinatapos, ”so ibig sabihin nun, titira kami sa iisang bubong at magpapanggap na mag-asawa?”
”Yan na nga ang pag-uusapan natin mamaya at saka kailangan din nating pag-isipan kung ano ang ilalagay natin sa kontrata. Kailangan kasi win-win situation, mahirap kalaban ang pamilyang Sy, masyado silang maimpluwensya,” suhestiyon ni Roger.
![](https://img.wattpad.com/cover/36002870-288-k294014.jpg)
BINABASA MO ANG
My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)
ChickLitKailangan niya ako para sumikat... Kailangan ko siya para pang-panakip butas... Gamitan lang ba? Uso sa amin yan! Ako si Kaz Legaspi, ang kilalang hopeless romantic ng Adonis band... at siya si Vivienne Charmaine Sy, MY ON-CAM WIFE Matagal nang maha...