Action 14 - Torn

100K 2K 101
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)


*Vivi's POV*

Nagkaroon ako ng pagkakataong makausap si Angelo dahil maagang umalis ng bahay si Kaz. Alam kong labis ang pag-alala niya kaya gusto ko na ring tumulong. Mahal namin ang isa't isa kaya gagawa kami ng paraan upang hindi kami magkahiwalay.

"Hero ko," tawag ko sa kanya nang magkita kami sa isang restaurant.

"My Belle, bakit mo ako pinapunta dito? Nasaan si Kaz?" saad niya habang lumingon-lingon sa paligid.

"May nilakad siya," umiling ako saka ko sinabing, "may gusto lang akong linawin sayo."

Naramdaman ko ang paghigit niya sa braso ko saka siya naglakad na parang may tinatakasan kami, "My Belle, hindi maganda na nagkita tayo sa isang pampublikong lugar. Lalala ang problema niyo ni Kaz," doon na ako natauhan dahil kahit konti lang ang tao sa paligid, nakasentro naman ang paningin nila sa amin.

"Saan mo ako dadalhin?" pabulong na tanong ko.

"May private function room sila dito," pabulong niyang sagot, "pinareserve ko nung tumawag ka."

"Okay," nagpatianod na lang ako sa kanya.

"Sa susunod, isipin mo ang sitwasyon bago ka kumilos," babala niya, "mainit pa ang eskandalong dulot ni Louwinsky kaya nakatutok sa inyong dalawa ang media."

"Ano ba ang gusto mong linawin?" agad niyang tanong matapos niyang isara ang pinto.

"Gusto kong tanungin kung seryoso ka sinabi mo kagabi," hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"I am serious, Belle," seryoso niyang saad.

"Pero bakit? Paano na si Rubi? Paano pagkakaibigan niyo ni Kaz? Hindi mo ba naisip na maraming masasaktan?" hindi ko alam kung alin ang una kong itanong kaya tinanong ko na lahat.

"Sabi ko sayo, di ba?" hinawakan niya ang aking pisngi, "If it is necessary, I will marry you. Mas mabuting ako ang magpapakasal sayo kaysa mapunta ka sa anak ng Singaporian Prime Minister."

"Eh paano si Rubi?" naiiyak kong saad.

"This is for the best," malimit niyang saad.

"Angelo, kasal ang pinag-uusapan natin dito," hinawakan ko ang pisngi niya upang makatingin siya ng diretso sa akin, "this is going to be a lifetime."

"Alam ko Vivi," malungkot niyang saad, "kaya I am not going to let you marry the wrong guy. Kung hindi si Kaz ang magiging asawa mo, then ako ang magpapakasal sayo."

"Paano kayo ni Rubi?" tanong ko.

"She constantly pushed me away," yumuko siya, "napapagod din ako."

Nagugulohan ako pero tama siya, kung hindi magawan ng paraan ni Kaz ang eskandalo, mas mabuting makasal ako kay Angelo kaysa mapunta ako sa isang tao na hindi ko kilala.

'Kaz, please do something,' tumulo ang mga luha ko saka hinawakan ang mga kamay ni Angelo, "ano ang mangyayari kung tayo ang ikakasal?"

"We will learn to love each other," lumapit siya sa akin saka pinagdampi ang mga noo namin, "the good side about it is we are fulfilling Angela's wish."

Nakapikit ako habang napangiti. Pangarap nga pala ni Angela na maging kapatid niya ako at ang nakikita niyang tanging paraan upang matupad ito ay ang makasal ako sa kapatid niya.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon