*Kaz's POV*
"Ready?" tanong ko kay Viv.
Hindi siya sumagot pero nakangiti siyang tumango sa akin. Kagagaling lang namin sa isang press conference kung saan kinumpirma namin na kami ang magiging image models ng gagawing lovapalooza ngayong summer. Napagkasunduan namin na magdidinner kami sa labas para mas makaakit ng atensyon. Ito kasi ang gusto ng producers kaya kailangan naming pakiligin ang mga tagahanga sa pamamagitan ng PDA. Maliban diyan, nais rin naming ipagdiriwang ang ginawa naming successful mini concert kahapon.
Iginiya ko siya sa sasakyan ko at pinagbuksan ng pinto. Masaya ako dahil simula noong ipinagdiriwang namin ang debut niya, naging malapit na kami sa isa't isa. Hindi na kami masyadong nag-aaway pero hindi mawawala sa amin ang kulitan at minsang asaran. Para akong nagkaroon ng instant kapatid na babae at siya instant kuya.
"Saan mo gusto?" tanong ko sa kanya.
"Gusto ko ng something grilled," sagot niya.
"I have a perfect place for that," saad ko saka ko pinaandar ang sasakyan.
"Kengkoy?" tawag niya, "paano mo napapapayag si daddy na kumanta?"
"Bakit mo pa tinatanong yan?" saad ko na hindi lumingon sa kanya, "wala ka bang bilib sa charm ko?"
"Yung charm mo pambabae," humarap siya sa akin, "pero daddy ko yun, hindi yun basta-bastang pumapayag."
"Thesis, huwag mo nang tanungin," kalmado kong saad.
"Ayaw mo talaga akong sagutin?" naramdaman kong nainis siya.
"Ayaw," pang-aasar ko sa kanya.
"Hindi kita kakausapin," padabog siyang sumandal sa sandalan ng passenger seat.
"Sige, ganito," saad ko,"kapag napasabi ko sayo na gwapo ako, hindi ka na magtatanong at hindi mo na ako kukulitin tungkol diyan."
"Ha! Asa ka pang sabihin ko yan sayo," pagmamalaki niya.
"Okay. Game?" tanong ko.
"Game!" sagot niya.
"Sabihin mo, AAAAH," utos ko.
"Ano yun?" napakunot ang noo niya.
"Nagsisimula na ang laro," ngumiti ako sa kanya, "sabihin mo na, AAAAH."
"Niloloko mo naman ako eh," nagdabog siya ulit.
"Gusto mo bang magkaroon ng chance na sagutin ko ang tanong mo o hindi?" paalala ko sa kanya.
"Sige na nga!" tumuwid siya ng upo, "Aaaah"
"Very good!" tumango ako, "Ngayon sabihin mo, bubuchichang."
"Aist!" inirapan niya ako na mas lalong nagpangiti sa akin, "Bubuchichang."
"Anong oras na ba?"
"Seven o'clock."
"Ayun! Nasabi mo nang seven o'clock!"
"Hala ang daya! Hindi ko naman sinabing GWAPO KA," reklamo niya.
"Kakasabi mo lang, Thesis, hahaha!" tumawa ako ng malakas.
"Ang daya mo," napasimangot siya.
"Hindi ako madaya, may nilabag ba akong rules of the game?" saad ko.
"Eh wala namang rules yung game mo ah," nagdabog siya ulit.
BINABASA MO ANG
My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)
ChickLitKailangan niya ako para sumikat... Kailangan ko siya para pang-panakip butas... Gamitan lang ba? Uso sa amin yan! Ako si Kaz Legaspi, ang kilalang hopeless romantic ng Adonis band... at siya si Vivienne Charmaine Sy, MY ON-CAM WIFE Matagal nang maha...